Umaga na ng magising si Allora at tulog na tulog pa si Johnny. Pero hindi na siya magpapa abot rito. Agad siyang bumangon at pinulot ang kanyang mga damit sa lapag at mabilisang sinuot. Alam niyang napaligaya naman niya ito bago siya lumisan. Plano niyang lumayo dahil nga sa kahihiyang kanyang naramdaman. Naka alis siya ng Batangas at baon ang pag-asang magiging maayos rin ang lahat lahat sa kanya. Nakarating siya ng airport at lumabas ng bansa. Babalik siya sa Los Angeles kung saan siya nababagay. Matagal naman na sana niyang bumalik rito kung di lang talaga nangyari ang malagim na pangyayari sa buhay ni Manuel. At wala siyang ibang sinisisi kundi ang kanyang sarili. Nag byahe siya pa Los Angeles at umaga na siya nakarating. May bahay pa naman siya roon at doon na lang muna siya mag

