Suot ang pormal kong blusa at pantalon nagpaalam ako kay Galle na aalis muna para pumuntang trabaho. Pinaalam ko din sa kanyang mamaya'y pupunta dito sila Beth para samahan siya, babayaran ko naman si Beth dahil kinuha ko ang oras nang pagtitinda niya ng barbeque para alagaan ang anak ko. Wala na akong ibang p'wedeng pagiwanan kay Galle ngayon kun'di si Beth lang, magkakilala narin naman kami simula nang lumipat ako sa skwater. Ngayon lang kami naging ganito ka-close, dahil sa dati naming bahay hindi talaga siya nagpapautang ng barbeque.
Sumakay ako ng jeep para makapunta sa trabaho, ganun parin ang lagkit nang tingin ng mga nakakasalubong ko kahit kita namang balot na balot pa ako. Dumiretso ako sa opisina ni Michael at naupo, nilandas naman niya nang tingin ang buo kong katawan,
"Hanep ka din, no'? Papasok ka lang kung kailan mo gusto." Masungit niyang puna habang may tinitipa sa laptop niya. Nahihiya akong tumungo at hinarap siya, "sorry, malaki-laki pa kasi ang laman ng card kaya hindi na muna ako pumasok. Wala ding mag aalaga kay Galle eh," paliwanag ko habang kusot-kusot ang blusang suot. Pailalim niya akong tinignan at nagpatuloy ulit sa pagtipa.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko para naman gumaan ang atmosphere dito sa loob.
"Unfinish papers from my family's company." Sagot niya. Nagulat ako sa sinabi nito, 'family's company'? So, bukod sa pagiging direktor sa isang pornsite meron pa siyang isang trabaho? Aba! Limpak-limpak na talaga ang pera nitong si Michael; isipin nalang natin na triple ng sinasahod ko ang sinasahod niya dito plus pera pa ng kompanya nila. Hmm.
"At ano bang pakialam mo sa ginagawa ko? Magbihis ka na at mag sh-shoot na tayo in thirty minutes." Maawtoridad niyang buntag. Naalerto ako at lumabas na nga para magpalit. Sa dressing room namin makikita ang iba't ibang uri ng damit. Pang sexy lahat at ang iba'y hindi pangkaraniwan. Pinili ko ang kulay itim na one piece at agad itong isinuot. Sobrang sikip! Hindi ako makakahinga dito! Reklamo ko sa isip.
Ang masama nito'y hindi ko na matanggal kaya todo angat ako nito sa likod, "ugh! Ano ba, matanggal ka na please.." bulong ko sa damit.
"Needing help?" Boses na galing kung saan. Ipinalibot ko ang paningin at nakita ang isang babaeng parehas ko ng suot. Mas bagay ito sa kanya; ang puti niya't napaka sexy. Mas maliit ang bewang nito sa akin at kapansin pansin din ang malaki nitong dibdib. Inangat ko ang paningin sa kanya nagulat sa taglay nitong ganda; makapal ang labi at pulang pula. Napaka tangos na ilong at perpektong kurba ng kilay.
Natibo na ba ko?!
"Ah, yeah. Please.." pang e-english ko dahil mukhang may lahi ito. Agad niya akong nilapitan at tinulungan hubadin iyon. Nahihiyang humarap ako sa kanya habang takip takip ang dibdib at ngumiti, "my name's Celine, nice meeting you," bati ko.
"Of course I know you! Celine Jergens aight? The newbie," tumango ako habang naghahanap ng bagong isusuot.
"I'm Lia," tumingin ako sa kanya habang nagsusuot ng mas maluwag na damit, sa loob non ay ternong floral na undies. Ayus na ito, huhubadin din naman mamaya.
Nagpaalam ako kay Lia para pumunta na sa shooting area. Ito parin ang dating lugar pero binago ang pagkakaayos ng mga gamit. Kahit ang kulay ng pader at sahig ay agad na napalitan din.
"Kada ibang tao ba, pinapalitan ang ayos nito?" Tanong ko kay Michael habang inaayos ang camera niya.
"Uh, nope. Lais just want to fix errors from the viewers review," tumango na lang ako at hinintay ang makakasama ko. Sa pagkakataong ito'y mas gabay ko na ang trabaho ko. Hindi mahirap, at hindi rin naman ganun kadali.
Habang nag sh-shoot ay napapansin ko ang pag tango-tango ni Michael. Mukhang nakikitaan niya na ako ng potensyon para sa career na ito. Gabi na nang matapos kami, inaya pa ang lahat na kumain muna bago umuwi pero tumanggi ako dahil alam kong hinihintay na ako ni Galle sa bahay,
"Celine you're not joining?" Tanong ni Lia. Tinanguan ko naman ito at nginitian. "I see.." malungkot pa niyang pahabol at pumunta na sa mga kasamahan. Napansin kong magagandang talaga ang mga katrabaho ko, kaya't nag iisip na ako ng dahilan kung ba't napabilang sa kanila. Mga mukhang model at may kaya sa buhay ang mga ito, at ito naman ako, napapasabak lang para magkaroon ng magandang buhay para sa anak ko.
Huminga ako ng malalim bago tumalikod. Nakakailang hakbang palang ako nang marinig ko ang pagtawag ng pangalan sa akin ni Michael. Agad ko siyang tinapunan nang tingin at nginitian, "bakit sir?" Matamis kong tanong.
Nagulat siya sa biglaan kong pagtawag ng sir sa kanya, madalas kasi'y Michael lang. Pero iba na ngayon, iba na ang pakay ko sa kanya. Malaki ang maiitulong niya sa amin ni Galle kaya kailangan kong makaclose ito.
"Maaga pa naman, sama ka na." Pag pupumilit niya. Sa pangalawang pagkakataon ay tumanggi ako. Hinawakan pa niya ang braso ko nang mag tangka akong tumalikod ulit.
"Eh sir, alam n'yo naman pong may anak ako na nag aantay sa akin. Baka maubusan na ako nang masasakyan kaya kailangan ko na pong bilisan," pag papaliwanag ko ulit.
Mukhang naintindihan niya naman ang gusto kong mangyari talaga kaya nag aya siyang ihatid na ako pauwi. Maayos na ang damit ko at kagalang-galang nang tingnan. Nag kwentuhan kami sa byahe ni Michael at marami akong nalaman tungkol sa kanya.
Michael Claflin, 31. Pinasok niya ang pagiging direktor dahil bata pa lang siya ay ayun na talaga ang gusto niya. Tutol ang mga magulang niya dito dahil may kompanya silang pinatatakbo at lubos na makakatulong siya dito. Sa ngayo'y kapatid niyang si Tacko ang nagpapatakbo 'nun. Pag kuwa'y tumutulong parin siya ngunit hindi gaanong nagpapakita dahil nga sa busy sa FuchsiaMambas.
Marami din akong naikwento sa kanya pero hindi gaanong kadetalye ng gaya sa mga kwento nito. Kahit gusto kong mapalapit sa kan'ya gusto ko paring may mga bagay na hindi niya malalaman. Private pa rin ganun, dahil kung magleak man ang pagkatao ko, tiyak na maaring madisgrasya pati ang anak ko. Hindi ko hahayaang manyari ang ganun.
"Are you hungry?" Tanong niya.
"Hmm, medyo. Pero kakain nalang kami sa condo; marami kaming napabili noong mga nakaraang araw." Sagot ko. Pailalim itong sumulyap at napangisi.
"Bakit?" Tanong ko naman.
"So there does your first sallary went?" Tumango ako at nagpatuloy naman siya sa pagmamaneho. Ilang minuto kaming umaandar at nakarating na rin sa paroronan,
"Salamat sa pag hatid," ngiti ko nang makababa.
"No worries. I can do it all day." I pfft-ed as he confidently let those words comes out.
"Ano ka personal driver?" Biro ko sabay mahinang hampas sa braso niya. Inaya ko siyang pumasok pero tumanggi na siya. Hahabol pa kasi ata sa mga katrabaho ko; kaya nagmamadali na itong umalis habang may tinatawagan sa telepono niya. Pangiti-ngiti akong pumasok at naabutang nanunuod ng TV si Beth at naglalaro naman sa tablet ang dalawang bata.
"Hi! Nandito na 'ko!" Bati ko na umagaw ng atensyon nila.
"Mama!" Sigaw ni Galle at agad akong dinaluhan. Tumayo naman si Beth at lumapit din sa akin, "gan'tong oras ka pala umuuwi sana nag luto na ako ng pagkain," nahihiya niyang sabi at dumeretso sa kusina para maghanda.
"Na'ko Beth wag na, sa baba na lang tayo kumain." Sabi ko at inaya sila bumaba para kumain.
Masaya kaming nagd-dinner at panay ang kwento nila sa akin, "nalito pa kami kung paano paandarin ang painitan sa CR jusko, naging malamig ang nilalabas imbis na mainit," natatawang kwento ni Beth at tumawa rin ako.
"Ang sarap nga po 'dun sa kwarto n'yo eh, ang lamig po" sabi naman ni Gian.
"Oh si Galle naman anong ginawa?" Tanong ko.
"Hay na'ko wag mo na tanungin, magdamag nag laro ang dalawang iyan," sabat ni Beth kaya tumingin ako kay Galle at nag antay ng isasagot.
"Naglaro kami ni Gian ma, sana dito na lang din sila tumira," sabi niya naman at tumingin kay Gian. Mukhang alam niyang hindi mag iistay sila Gian sa bahay kaya nilapitan ko ito ginulo ang buhok.
"Babalik naman sila sa susunod wag ka na malungkot." Sabi ko na kinatuwa niya naman.
Bago umuwi sila Beth ay inabutan ko ito kahit papaano. Malungkot na nagpaalam ang dalawang bata sa isa't isa, nakakatuwa pa nga't may kamayan na sila. Close na close na talaga ang mga ito.
Sabay kaming nag toothbrush ni Galle at sabay ding nahiga sa kama. Patapik-tapik ko siyang pinatulog at agad naman siyang naantok dahil sa pagod.
Kasalukuyan akong natutulog nang maalimpungatan sa pagtunog ng cellphone ko. Tumatawag si Michael. Alas tres na ng umaga; ano naman kayang gusto niyang sabihin.
"Hello, Sir?" Sagot ko dito.
"Hello sexy Celine.." salita niya sa kabilang linya. Nag init ang tenga ko sa narinig, lasing na lasing na siya!
"Bakit po?" Mahinahon kong tanong.
"Celine are you aware that your t**s are giving me a hard time?" Sabi niya habang sinisinok.
"Lasing na po kayo sir, itigil n'yo na po yan." Pekeng pag aalala ko pero ang totoo'y nagugustuhan ko ito dahil lumabas na mismo sa bibig niyang naakit siya sakin, mukhang madali ko na lang matatagumpayan ang puso nito.
"No Celine, you have a god-damn good body. I'm-I'm loving seeing you naked.." pahabol pa niya. Tahimik akong inantay ang sasabihin pa niya ngunit mukhang wala nang balak magsalita si Michael. Kaya pinatay ko na ang tawag at bumalik sa pagtulog.
Mukhang nahulog ka agad sir Michael tsk tsk. Walang kahirap-hirap. Wala pa akong ginagawa nahuli na agad kita. Tama 'yan, wag mo pigilan. Mahulog ka lang at pag hulog na hulog ka na, papanuodin kitang malunod at 'di na makakaahon.