Chapteer 2

1605 Words
Lumabas ako ng palikuran habang kinukuskos ang buhok. Pinatay ko ang mga ilaw at pumasok sa kwarto namin ni Galle, "ma ang tagal mo, inaantok na 'ko" pag rereklamo niya habang kusot kusot ang mata. Agad kong dinaluhan ito't inakay payakap sakin, "sige na matulog ka na bukas nalang kita papaliwanagan.." mahinahong kong ani habang tinatapik ang kanyang bewang para patulugin. "Mama ngayon na po. Sabihin niyo na sakin kung anong ibigsabihin ng tagos na dugo," maagap akong napatawa sa sinabi nito. Tumikhim ako ng kaunti bago sumagot. "Galle, ang mga babae kasi nagkakaroon ng ganun kada buwan. Kapag huminto 'yun, buntis na. Kaya ikaw, pag nag ka girlfriend ka na wag mo hahayaan huminto yung regla niya." Kahit mukhang naguguluhan ay tumango siya. Kinusot kusot niyang muli ang kanyang mata kaya't patuloy lang ako sa pagtapik sa kanya. "Mama, pahintuin mo na rin 'yung regla mo para magkaron na 'ko ng kapatid; babae gusto kong kapatid ma." Tinignan 'ko siya ng maigi at naalalang pag usapang tatay eh malulungkot na naman siya kasi lumaki siyang walang ganun. Kaya umisip ako ng masasagot na hindi niya matatanong ulit kung nasan ba ang papa niya, "gan'to kasi Galle, ang asawa lang ang pwede makahinto 'nun. Bawal ang boyfriend, dapat asawa. Naiintindihan na po?" Tanong ko. "Bakit kasi wala kang asawa ma? Yung mga kaibigan ko may papa sila; si Gian nga po lagi akong inaasar kasi wala daw akong papa" malungkot niyang pahayag. "Sino si Gian?" Kunot noo kong tanong. Hindi maganda 'to, bakit niya kinukutya si Galle? "Yung anak po ni ate Beth, yung nagtitinda ng barbeque t'wing hapon." Sagot niya bago humikab at yumakap ng mahigpit sa akin. Tinatapik ko siyang maiigi habang mahinang kumakanta ng pampatulog niya. Ilang minutong ganon bago siya nakatulog ng mahimbing. Masaya ako sa araw araw naming pamumuhay; walang nangingialam sa pagpapalaki ko sa kanya. Kapos man ay nagagawa naming maahon bawat umagang dumadaan kahit noong nagtatrabaho lang ako bilang streetswiper. Mabuti na lamang nang habang nagwawalis ako may babaeng huminto sa akin at nag alok ng trabaho. Nagpakilala siyang si Kaia. Tagong-tago ang mukha nito ng siya'y lumapit na para bang kahiya-hiya ang kanyang iaalok. Lumapit siya sakin sinabihang maganda ang hubog ng aking katawan. Tinanong pa niya kung lahat ba ng iyon ay orkaniko. Nung una'y napasinghap ako sa sinabi niya, 'ano ba 'tong babae na 'to! Hindi ko naman kilala pero kung makatanong wagas'. Sinagot ko siyang "wala na ngang makain magpaparetoke pa?" At nagpatuloy ako sa pagwawalis. "Teka lang miss, naghahanap ka ba ng trabaho? Pasok na pasok ka dito, ang gagawin mo lang-susundin mo kung anong sabihin ng direktor." Pagpapaliwanag niya habang sinusundan ako. "Ano 'yan artista? Nako, sinubukan ko na mag extra-extra dati. Hindi ako magaling umarte." Pagtanggi ko kay Kaia pero tuloy parin siya sa pagsunod sakin. "Oo aarte ka, pero walang script na kakabisaduhin. Maging ikaw kalang." Kampante niyang sagot. 'Dun ko siya kunot noo'ng hinarap, "anong trabaho ba 'yan?" "Gusto mo malaman? Sumama ka sakin at ang boss ko ang magpapaliwanag sa'yo." Hinawakan niya ang braso ko at hinila sa kulay pulang kotse. Kahit pawisan ay sumama ako sa kanya, hinabilin ko muna sa kasamahan ko ang aking mga gamit panlinis at agad naman siyang umoo. Sa byahe'y maraming kwento si Kaia; kesyo magugustuhan ko daw 'dun, malaki ang sweldo at pogi ang makakatrabaho. Mukhang masaya si Kaiang may marerecruit siya sa trabaho nila. Ilang minuto lamang ang layo nito sa pinagwawalisan ko kaya mabilis lang kaming nakarating. Sa hindi kalakihang establishimento ako ibinaba nito, "hotel? Bakit sa hotel?" Tanong ko ng may pagaalangan. "Hindi ito basta hotel; sa loob n'yan maraming nagaganap. May opisina d'yan sa loob, at 'dun kita dadalhin." Pumayag akong puntahan ang sinasabi nitong opisina. Pinapasok niya ako mag isa, habang nilalakad ang kahabaan ng daan; pansin ang pag tingin ng mga tao sa akin. Ang iba'y mukhang natatakam at handa akong hubadan dito mismo. Wirdo ang kanilang mga tingin ngunit 'di ko na ito pinansin ang nag dire-diretso na lang sa silid na sinabi sa akin ni Kaia. Madilim ang loob pero maganda ang pagkakaayos. Ang malaking salamin na makikita sa labas lang ang nagbibigay liwanag; sa liwanag na 'yon makikitang malinis ang loob. Nakaayos ang lahat na para bang isang opisina ng isa sa mataas na pwesto sa mga penikula. Umupo muna ako sa isang sofa at pinakiramdaman kung may tao. Ilang minuto ang lumipas at lumabas ang isang lalaki galing sa pintong inuukupa din sa kwartong ito; halata ang laki ng katawan niya sa loob suot ang longsleeve at pantalon. Kapansin pansin din ang mga alahas na nakapalibot sa kanya na mas napapaangat pa lalo ng kanyang awra. Itsurang mayaman at maawtoridad ngunit siya'y maagap na nakangiti sa akin, "hello, sino ang nagdala sa'yo dito?" Tanong niya bago umupo sa kanyang swivel chair. Iginalaw-galaw niya 'yon at pinindot ang remote na nagpabukas ng ilaw. "Si Kaia po," sagot ko. Sininop niya ako simula sa ulo hanggang paa at tumango. Mukhang pasado. Pumindot siya sa telepono at nagsalita, "transfer 50,000 ph cash at Kaia's account. Thank you." At binaba din ito, nalula ako sa sinabi niya, '50k?! Pisteng yawa, mayaman pala ang Kaia na 'yun sana hiningian ko muna ng pera bago ako sumama'. "Ako si Lais, p'wede mo akong tawaging sir pero pwede ding hindi. P'wede kang mag po p'wede ding hindi. Basta maging komportable ka lang sakin at ayos na 'yon." Pagpapakilala niya. "Tell me something about yourself." Unsad niya. Tumikhim ako bago sumagot, "Celine Jergens, 23, kasalukuyan akong nagwawalis sa kalsada para tustusan ang pangangailangan 'ko at ng anak 'ko. Ang sabi, malaki daw ang pasahod dito kaya't napilitan akong iwan muna pansamantala ang pagwawalis at sumama kay Kaia." Tumango-tango si Lais bilang pag sangayon. "Kailangan mong ihanda ang sarili mo sa pag pasok mo dito, Celine. Maari ka pang tumanggi pero maari ding hindi. Pamilyar ka ba sa mga malalaswang palabas?" Tanong niya. "P-p**n?" Pangiti-ngiti siyang tumango at iniayos ang laptop sa kanyang harapan. Nagtipa siya duon ng kaunti at iniharap sakin. Napalundag ako sa nakita ko, may anak na 'ko, pamilyar ako sa mga ganun pero tama bang ipakita ang mga ito sa magiging empleyado mo? "Nakikita mo ang ginagawa nila? Iyan din ang gagawin mo." Diretsa niyang ani. Galit akong tumayo't hinampas ang lamesa nito, "anong tingin mo sakin?! P*kpok?!" Ngumingiti parin si Lais habang pinagmamasdan akong nagiinit sa galit. Inilahad niya ang pinto simbolong maari na akong umalis kung gusto ko. Mabibigat ang hakbang na nilakad ko ang pinto, binalak kong buksan ito pero nagsalita siyang muli, "ayaw mo ba ng magandang buhay para sa inyong mag ina, Celine?" Tanong niya. Ako ay napahinto sa sinabi niya, nilingap ko ang aking ulo sa kanya at nakitang inaayos niya ang limpak na perang nakaayos ang pagkakatali sa kanyang mesa, "hindi ka ba napapagod kakawalis ng kalat ng mga burarang tao sa daan? Iyan ba ang pangarap mo Celine? Ang maging habang buhay na taga-walis?" Nilito ni Lais ang isip 'ko. Hindi ito ang gusto ko pero tiyak na makakatulong ang halagang 'yun para samin. Pag tinanggap 'ko ito, p'wede ako tawaging madam ng isang iglap. Marahan akong bumalik kung saan ako nakaupo at pinalagay ang sarili sa mga kumikinang na salapi sa harapan 'ko. "A-Ano ba ang dapat gawin para m-matanggap?" Mahina kong tanong. Maagap naman siyang tumayo at lumapit sa akin, nilakbay niya ang kanyang kamay sa aking balikat at marahang inikot ikot ito, "sundin mo lang ang sasabihin ng direktor mo, pag sinabing tuwad; tuwad." He whispered beneath my ears sending shiver inside my bones, why am I allowing this man to touch me? I calm myself and hang over. "This job can change your life big time Celine, madali lang naman ang gagawin diba? Utak lang Celine, utak lang." Aniya habang ang mga haplos ay bumababa na sa dahon ng aking dibdib, mabuti na lamang ay pawisan ako kaya paniguradong mandidiri ito. Inilapit pa niya ang mukha sa akin at agad na lumayo rin. "Hindi araw-araw ang shoot but a shoot can pay you a hundred thousands if the audience really liked it. P'wede naman mag payaman ka lang tapos pag angat ka na, iwan mo na kami. Ang mga palabas naman natin ay hindi makakaapekto sa buhay mo dito dahil lalabas lang ito sa website natin which called FuchsiaMambas. Bawat matang nakatutok sayo, malaki ang bayad. Hindi ka libreng mapapanuod, Celine. Sisikat ka sa mayayaman pero sa mga ordinaryong tao, ordinaryo ka pa rin." Sabi pa niya at bumalik kung saan siya nakaupo kanina. "Pag isipan mong maigi 'to Celine. Para sa'yo at sa anak mo," pahabol pa niya bago hinayaan akong umalis. Lutang ang isip ko habang pauwi. Binigyan ako ni Lais ng calling card niya kung sakali mang pumayag ako. Kahit wala pa akong nahahawakang pera, naiisip ko na kung saan gagastusin ang mga ito. Dali dali akong pumunta sa opisina ng kasalukuyan kong trabaho at agad na nagresign. Nagulat ang lahat sa biglaang pag alis ko dahil isa ako sa masipag mag trabaho. Kinuha ko ang huli kong sahod at inuwian ng masarap na pagkain si Galle. Tuwang tuwa siya dito dahil sanay kaming tinitipid ang mga pera namin. Napaka sarap sa pusong makita siyang masayang kumakain ng mga ganitong uri ng pagkain. Sa t'wing nakikita ko si Galle na sisidlan ang kasiyahan, hindi ko mapigilang maiyak sa tuwa. Pinangakuan ko siyang dadalas ang pagkain niya ng masasarap dahil buo na ang desisyon ko; papayag na ko maging artista. Artistang hindi umaarte sa telebisyon. Aarte akong walang suot--sa harap ng milyon-milyong mata ng mga milyonaryo. Nakakasabik. Nakakatuwa. Ito palang ang simula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD