Maaga akong nagising para subukan ang bagong mga gamit namin. Muntikan na nga akong mapraning sa hightech ng mga ito, ang alam ko lang ata gamitin ay ang ref at rice cooker. May kaunting laman na ang ref kaya nagluto ako ng dalawang itlog at apat na longganisa. Habang nagluluto'y pakusot-kusot ang matang lubas si Galle sa kwarto, "goodmorning, anak! Toothbrush ka na," sabi ko sa kanya na agad naman niyang sinunod. Pakanta-kanta akong tinapos ang almusal namin at agad na inihanda ito sa pahabang lamesa. Habang nag aantay kay Galle na lumabas sa C.R. binuksan ko muna ang TV para manuod ng balita. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakanuod ng balita dahil sa sobrang limitado ng oras ko para sa mga ganito. Dati'y pag gising naghahanda ako ng pagkain at umaalis na sa bahay para mag walis. Makikitawag sa kapitbahay para kamustahin ang naiwang anak sa bahay at paalahanan ng mga dapat nitong gawin. Kaya sa limang taong pamumuhay ni Galle, hindi na akma ang isipan nito sa mga kaedad n'ya. Maasahan na siya't kaya nang tumayo sa sariling paa. Iiwanan ko lang siya ng pagkain at kakaunting barya ay makakaya na niya ng buong araw sa loob ng bahay.
Nalulungkot akong wala siyang gaanong kaibigan at madalas pa'y kinukutya ito dahil sa kawalan ng tatay. Kaya simula ngayon, mas tututukan ko na ang anak ko. Makakapagbigay na ako ng sapat na oras sa kanya at makakasama ko siya sa buong araw.
Pag labas ni Galle sa C.R. ay masaya naming pinagsaluhan ang almusal, "mama, mayaman na tayo pero hotdog at longganisa parin ang ulam natin ah," patawa-tawa niyang sabi habang nguninguya ang pagkain.
"Puno ang bunganga aba!" Suway ko kaya't tumikom ito at nagpatuloy sa pagkain.
"May cartoons dito sa TV natin 'nak, tingnan mo" sabi ko nang 'di na niya muling ibinuka ang bibig. Nilapat ko ang channel sa pambata at natuwa naman siya habang nanunuod ng spongebob. English ang lengwahe ngunit hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy sa panunuod. Nang matapos kaming kumain ay inaya ko siyang mamili ng mga bagong damit at kung ano-anong pangangailangan namin sa pag e-eskwela niya.
Tuwang tuwa siya nang ilibot ko siya sa mall, unang beses niyang makapunta dito kaya't sinugurado kong maeenjoy siya. Binili namin ang lahat ng gusto niya, kinain ang mga pagkaing gusto niya, at naglaro ng arcade. Kahit matured na ang isip nito'y alam kong bata parin siya at kailangan niya ng mga oras na ganito. Ipinangako ko sa kanyang dadalasan namin ang pamamasyal dahil may pera naman kaming kayang punan lahat ng bayaring pang sosyal. Malaki ang kinita ko sa FuchsiaMambas at alam kong sa susunod na kita ko'y mas lalaki pa ito kaya paghuhusayan ko talaga sa trabaho.
Habang kumakain kami'y nakita ko ang dati naming kapitbahay na si Beth; nagtitinda siya ng barbeque pero ang alam ko eh OFW ang asawa nito. Siguro'y nakapag padala na sa kanila ng pera kaya bibili din sila ng school supplies dito, "uy, Beth!" Sigaw ko sa kanya. Agad naman itong lumingon at lumapit sa amin, kasama niya si Gian ang kanyang anak.
"Oh, Celine! Kamusta na kayo ni Galle? Saan kayo nakatira ngayon? Papasok na ba siya sa eskewal ngayong taon?" Suno-sunod niyang tanong. Nginitian ko muna siya bago sumagot.
"Oo, balak ko siyang i-enroll sa malapit lang na school dito. Kahit public ayos lang basta gabay ko ang hatid-sundo sa kanya. D'yan lang kami nakatira sa condong malapit, p'wede kayong pumunta pag tapos namin dito." Sagot ko din. Napansin ko ang pasulyap-sulyap sa akin ni Gian kaya binati ko rin ito, "Gian, ikaw yung nang aasar sa anak ko diba?" Tanong ko. Agad naman itong nahiya at yumuko,
"Ginawa mo 'yon Gian? Piste kang bata ka!" Hindi nahihiyang saway ni Beth sa anak at pinalo sa pwet. Bahagyang tumawa naman si Galle sa nakita. Inaya ko ang mag inang kumain kasabay namin at nag usap ng kung ano-ano. Malaki din pala ang kinikita nito sa pagtitinda ng barbeque; nalaman ko ding mas matanda ito sa akin ng limang taon.
Marami kaming pagkakapareha at alam kong magiging magkasundo kami pagdating sa usapang ina. Pagkuwa'y nagpaalam naman si Galle na pupuntang C.R. sa libang ko kay Beth pinayagan ko na ito, sinundan naman siya ni Gian kaya't alam kong makakabalik sila agad dahil malapit lang naman ang C.R.
Makalipas ang ilang minuto'y hindi parin sila bumabalik kaya't nag alala na ako, "sila Galle hindi pa bumabalik ah, tingnan nga natin mare." Aya ko kay Beth at pumayag naman ito.
Pinuntahan namin ang comfort room pero wala ang dalawa 'dun. Tinanong-tanong namin ang mga nakapalibot na staff malapit sa C.R. pero ang sabi kanina pa daw lumabas ang dalawang bata. Sinapo ko ang aking noo at nanlalambot ang mga tuhod na naupo, "ano nang nangyari sa'yo, Celine?" Nag aalalang tanong ni Beth.
"Ngayon lang kasi nakapunta dito si Galle, p-pano kung 'di na siya makabalik? P-Pano kung may masamang taong kumuha sa kanya? Susmaryosep! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa anak ko," mangiyak ngiyak kong pahayag at inalo naman niya ang likod ko. Alam niya siguro ang pakiramdam ko ngayon dahil isang ina din ito.
Mabilis kaming lumabas sa restaurant at hinanap ang dalawa, nagtawag na din kami ng guard para tulungan kami sa paghahanap. Nilibot namin simula thirdfloor pababa at pabalik sa taas ngunit 'di talaga namin sila mahanap. Dumadagungdog ang dibdib na hinawakan ko ang braso ni Beth, kumukuha ng lakas upang panghawakan ang nagbabadya kong mga luha.
"Nandito lang sila Celine, wag ka mag alala.." pagpapagaan niya ng loob ko.
Umupo kami sa isang gilid at nagmasid-masid. Iginala ko ang paningin at napansin ang dalawang bata na nakatingin sa naglalakihang TV, "Galle? Galle!" Sigaw ko. Hinanap naman ni Galle ang boses ko.
Natatarantang tinakbo ko sila at dali-daling niyakap siya, "jusko Galle! Kung saan-saan ka na namin hinanap, ba't kung saan-saan kayo nagpupupunta?!" Nagaalala kong sigaw sa kanya, "ikaw Gian, bakit mo sinama si Galle dito? Kanina pa kami hanap nang hanap sa inyo!" Pahabol ko pa bago hinila si Galle palayo sa Gian na iyon.
"Celine, pasensya na, medyo makulit kasi itong anak ko." Mahinahong paghingi ng tawad ni Beth sa akin. Nginitian ko siya bago umalis; nawalan na ako ng gana kaya sinabi ko sa kanya kung saan kami nakatira. Sinabi ko sa kanyang p'wede silang pumunta duon kahit kailan kung gusto nila.
Umuwi kami ni Galle nang walang nagsasalita. Gusto kong iparamdam sa kanyang hindi maganda ang pag layo niya sa akin ng walang paalam lalo pa't nasa ibag lugar kami. Puno na ng masasamang tao ang mundong ito ay ayaw kong mapahamak siya kaya hanggat makakaya ko ayaw kong ilayo ang paningin sa kanya. Sa susunod na aalis kami'g hindi ko na ililingat ang mata ko sa kanya; kahit pa pangulo ang makasalubong ko sa daan.
Kinagabiha'y bumaba kami ng hotel para duon na kumain, salo-salo ang mga tao 'dun at lahat ay nagkakasaya. Habang kaming dalawa'y tahimik na kumakain, tinawag ni Galle ang aking pansin sa paghimas ng kamay ko; taimtim ko siyang tinignan at nakitang naluluha na ito sa lungkot, "sorry mama. Pansinin mo na po ako.." pagmamakaawa niya. Lalong lumambot ang puso ko nang makita ang butil ng luhang lumandas sa pisngi niya.
"Sinabi ko po kay Gian na pumunta kami sa may malalaking TV kasi ang ganda po 'nun eh. Sana wag na kayo magalit kay Gian tsaka sakin.." pahabol pa niya. Malukot akong ngumiti at ginulo ang kanyang buhok, "okay lang anak. Nag alala lang talaga si mama. Maraming bad na p'wedeng kumuha sayo sa mall alam mo ba 'yon? Kaya next time na aalis tayo wag hihiwalay kay mama okay?" Paliwanag ko sa kanya. Tumango ito at nagsimula ulit kumain.
Pag tapos namin kumain umakyat na ulit kami at sabay na naligo. Napagod si Galle sa araw na ito kaya sinigurado kong makakapagpahinga siya nang maayos.
"Si Gian, mabait ba 'yon sa'yo?" Tanong ko nang nasa kama na kami't nagpapaantok.
"Opo ma, nag sorry na siya sakin." Masaya niyang sagot.
"Ang sabi mo kanina mag c-cr ka lang, bakit pumunta kayo 'dun sa may TV?" Tanong ko ulit.
"Mag sorry sakin si Gian sa CR. Ta's sabi ko lang pumunta kami 'dun. Natatakot nga siya sa'yo ma eh," sabi naman niya. Natawa naman ako sa sinabi ni Galle. Mabuti't may kaibigan na siya ngayon.
Kinabukasan inenroll ko si Galle sa malapit na school sa amin. Public lang ito, maraming bata pero hindi ako natatakot na mabully siya or what. Napaka independent niya at alam kong kaya niya lumaban mag isa.
Pag pasok ay pinagtest si Galle para sa kinder 1. Mabilis lang siyang umupo duon at sinagutan nang mabuti ang mga tanong. Natutuwa naman ako habang pinapanuod siya. Makalipas ang ilang minuto'y lumabas siyang may malawak na ngiti sa labi, "mukhang easy lang sa baby boy ko ang test ah," proud kong pagbati sa kan'ya.
"Ang dali lang mama! ABC tsaka 123 tsaka color-color lang," pag mamayabang pa niya. Ginulo ko ang kanyang buhok at nag antay ng resulta.
"Congrats mommy, hindi na namin ilalagay sa kinder 1 ang anak n'yo. Ipapasok na namin agad s'ya sa kinder 2 dahil halos alam na niya lahat nang pagaaralan duon." Ngiti ng teacher sa amin. Tinignan ko naman ang reaksyon ni Galle at nakitang natutuwa ito.
"Magaling po ang anak ninyo, ang galing n'yo po magturo," pahabol pa niya. Nag apir kami ni Galle at nagpaalam na sa guro. May ilang araw pa naman para sa pasukan pero nakaayos na lahat ng gagamitin niya. Mas excited pa ako sa kanya dahil for the first time mahahatid ko na rin siya sa eskwela.
Binilihan ko ng mga laruan si Galle at tablet para naman hindi siya maging mangmang patungkol sa labas ng bahay. Sabay din kaming nanunuod ng balita para aware siya kung gaano kadelikado ang labas.
Habang natutulog siya'y tinawagan ko si Michael kung p'wede ba ako mag shoot bukas dahil paubos na ang una kong sahod. Agad naman siyang umoo. Tinawagan ko din si Beth at pinakiusapang pwede bang dito na muna sila bukas para may kasama si Galle habang wala ako. Nakaayos na ang lahat para bukas. Handa na ang ang katawan at kaluluwa ko para mag presinta ulit sa harap ng madla. Handang handa na rin ang bulsa kong pupunuing muli ng maduduming isip ng mayayamang nilalang.