Chapter 10

1692 Words
"Mommy, one sit per completer lang po tayo. P'wede ang dalawang parent pero sa likod ang isa," malungkot na ani ng teacher ni Galle. Nalulungkot ko namang tinignan si Michael at maagap naman siyang ngumiti. He mouthed the words am fine with a smile plastering at his face. "How about his speach ma'am?" Mahinahon ko namang tanong. Nakuha kasi ni Galle ang valedictorian spot. Si Gian nama'y kasama sa honorable 8 kaya't natutuwa ako para sa kanilang dalawa. "The speech is all set na mommy, all you need to do is bring yourselves tomorrow." Sagot naman niya at tumango naman ako. Bago umalis ay napuri ulit ako sa pagiging mabuting ina kay Galle. Ang totoo'y wala namang pumipilit kay Galle na gawin ang lahat ng ito. Wala naman siyang quota sa mga grades at lalong lalong hindi ko siya sinusubsob sa mga libro niya para mag aral. Ilag lang talaga itong anak ko sa mga tao. Hindi mahilig makipag halubilo sa mga taong hindi niya masyadong gamay. Introversion. Mana sa tatay niya. Lumabas kami sa teachers lounge nang magkahawak kamay. Sinalubong naman kami ni Galle kasama ang kaibigan niyang si Gian, "uuwi na tayo ma?" Tanong ni Galle. Tumango naman ako na ikinalungkot na naman ng mukha niya. "Uuwi na kami, Gian. Bukas na lang, bye!" Paalam niya. "Asan ang mama mo, Gian?" Tanong ko sa bata. "Nagbabayad pa po sa office tita", magalang niyang sagot. Nag paalam na din ako sa kanya at binilinang mag hintay nalang kay Beth. May pupuntahan kasi kaming tatlo na alam naming ikatutuwa ni Galle. Sumakay kami sa kotse at minando naman ito ni Michael paalis. "Nagugutom ka na, Galle?" Tanong ni Michael sa kanya. "Hindi pa po," sagot niya at nagtingin na naman sa tablet niya. Nginitian ko si Michael at agad na niliko ang kotse. Tumingin si Galle sa labas at nakitang iba ang dinadaanan namin. Kinibit-balikat niya na lamang ito at nag patuloy sa pagdutdot sa tablet niya. Inihinto namin ang sasakyan sa harap ng pinaka malaking library sa bansa. Nalaman naming nanduon ang paburitong author ni Galle. Ang sabi ko sa kanya hindi siya p'wedeng pumunta dito dahil sa populadon lugar ito. Lumuwa ang mata niya nang makita ang entrance. Hindi inaalis ang mga mata sa loob habang bumababa sa kotse, "totoo ba 'to? Mama?" Naiiyak niyang tanong. Ngumiti ako bago tumango. Umiiyak niya kaming niyakap dalawa. "Thank you mama!" Iyak niya sa akin. "Papa, thank you.." sabi niya naman kay Michael. Michael froze for a moment. I gaze at him then nods solemnly. Unang beses ito ni Galle na tawagin siyang papa. Tito Michael ang kadalasan nitong tawag sa kan'ya. Niyakap niya din kaming mahigpit dalawa bago pumasok sa library nang hawak-hawak ang kamay. "Next," sabi nang nakatayo sa gilid ng manunulat na pumipirma ng mga libro. "Tayo na sunod", pahayag ko kay Galle. Tumingin naman siya sa harap at inantay ang masinsinang magkausap ng author sa babae. Mabilis na itong umalis na para bang lutang na lutang. "Next," sabi ng lalaki sa gilid. "Hi!" Bati ng author sa anak ko. Nakatulala lang si Galle dito ngunit ngiting ngiti ang labi. Mukhang hindi na makakagalaw si Galle sa gulat kaya hinila ko na ang libro sa kanya at inilapag sa desk. "Shook siya mommy," ani niya. "Matagal ka ng iniidolo nito eh, kung p'wede picture-an ko muna kayo bago kami umalis," sabi ko naman. Nag alinlangan pa ito dahil masungit ang lalaki sa gilid. Kalaunay nakatingin lang ang lalaki bago tumango at pinayagan kaming magpapicture. "Thank you, Galle. Hope to see you again soon", paalam niya. Nag next na ang lalaki hudyat na p'wede na kaming umalis. Patalon talon si Galle na lumabas yakap-yakap ang kanyang libro at picture. "Best gift ever!" Sigaw ni Galle sa kotse habang 'di makapaniwalang tinitignan parin ang libro at picture nila. "Uwi na tayo," sabi ko kay Michael. Tumango naman siya at pinaandar na ang kotse pauwi. Nag handa ako ng pagkain namin at agad namang kinain iyon. Nag k'wentuhan kami habang kumakain; "Bukas nga pala mag s-swimming tayo pag tapos ng moving up," pahayag ko. Planado na namin ito ni Michael dahil gusto talaga namin mag memorable ito bago siya tumuntong ng highschool. "Kasama sila Gian?" Tanong niya. Tumango naman ako, "yehey!" "May gusto ka pa bang ibang isama, Galle?" Tanong ni Michael. "Wala na po, si Gian na lang." Sagot niya. Nagpatuloy kami sa pagkain at pagtapos ay naglinis ng katawan para matulog. Sabay-sabay kaming nag toothbrush sa CR at bago pumasok sa kwarto si Galle, nagpasalamat ulit siya. Am about to sleep early but this naughty guy beside me roam his hands against my butt. I turn my back to him and catch his hand, "Red alert!" Sabi ko nang tumatawa. Nalulungkot niyang isinandal ang ulo at tumulala muna bago bumalik sa pagkakayakap sa akin. "Matulog na tayo, maaga pa tayo bukas." Sabi ko. "Okay. Goodnight sweetheart", Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag handa ng agahan. Naligo naman na ang dalawa at sabay-sabah kaming kumain. "Ingat lang sa pagkain ah, baka madumihan." Paalala ko sa kanilanh dalawa. "Ma, ligo ka na", sabi naman ni Galle. "Okay. Antayin n'yo ako, mabilis lang ako maligo", mabilis akong tumungo sa CR at mabilisang naligo. Nag suot ako ng dress at nag lagay ng kaunting make-up. Pag dating sa cinema pinapunta na kami sa harapan at si Michael naman ay sa likod naupo. Naaaninag ko pa naman siya kaya hindi ako masyadong nalumbay sa pag aantay. Nag bigay na ng speech si Galle; naiyak akong makita siyang nakikita sa taas at proud na proud sa akin at kay Michael. Pagtapos niya ay ang mga honorable 8 kasama si Gian. Titig na titig si Galle duon at ngiting ngiti nang bang gitin ni Gian ang pasasalamat sa kanya bilang bestfriend na palaging tinutulungan siya. "Congrats Beth, ang pogi ng anak mo" puri ko kay Beth na mapalit lang ang upuan sa akin. "Nako sayo din, lalo na kay Galle. Grabe, ang talino", nagchikahan kami at nagantay na magbigay ng mga medal. "Galle Jergens." Tawag sa stage. "Oh, kami na. Sige," paalam ko kay Beth. "Galle halika," tumayo kaming magkahawak kamay habang sinasalubong ang masisigabong palakpakan ng mga tao. Kumaway ako kay Michael sa likod at kumaway siya pabalik habang patuloy ang pag kuha ng litrato sa amin. "Celine! Celine!" Sigaw sa akin ng kung sino. Hinanap ko ang pinatutunguhan nito ngunit masyadong nakakasilaw ang mga ilaw na kumukuha ng litrato sa amin. Kinabahan agad ako dahil pamilyar na pamilyar ito sa akin. Pagtapos namin sa stage ay hindi na ako mapakaling umupo. May nabakanteng upuan na sa likod ko dahil baka umuwi na ang nakaupo 'dun kaya tinawag ko si Michael at pinaupo 'dun. "Is everything okay?" He asked. "I don't know. Am feeling something weird." I expel. "Maybe because of the period. Relax." I sigh for a second then continue watching the march of the pupils. "Ma, CR lang ako", paalam ni Galle sa gilid ko. "Bilisan mo," tumango siya at dali-daling tinungo ang CR. Michael sat beside me then hold my hand in comfort. Malapit na matapos ang pagbibigay ng awards pero bakit wala pa si Galle? Luminga-linga ako sa paligid at hinanap ang anak ko. "Michael samahan mo nga ako sa CR ang tagal bumalik ni Galle", sabi ko. Tumayo kami at mabilis na pumunta sa CR para pabalikin si Galle sa upuan. Walang tao sa loob kaya kinabahan na ako. Napaupo ako sa sahig nang biglang bumigso ang puson ko. Nawawala na naman si Galle. Inalalayan ako ni Michael at giniya sa labas. "We'll find him somewhere, keep you calm down.." he uttured. We walk the cinema then fetch all my stuff to run somewhere, "alis na kayo?" Tanong ni Beth. "Si Galle nawawala eh, hahanapin namin." Sagot ni Michael sa kanya. Tumango naman siya. Nakita kong nagmamadaling tumatakbo si Gian sa akin at hingal na hingal na nag sumbong sa akin, "Tita si Galle kinuha ng lalaki 'dun. Sinubukan ko po silang habulin pero mabilis ang kotse eh hindi ko naabutan", "Saan?!" Sigaw ko. Natataranta kong hinila si Gian para ituro kung saan siya kinuha. Napadpad kami sa car park ngunit wala namang kakaiba 'dun. Lintik umalis na sila. Naiiyak na naman akong umupo at ininda ang sakit ng puson ko. "Galle.. Galle.." iyak ko. Tinahan ako ni Michael habang may tinatawagan sa kanyang telepono na kung sino. "Find him before this day end, get it? Okay." Binababa niya ang tawag at inalalayan ulit ako tumayo. "Tumawag ka ng pulis?" Umiiyak kong tanong sa kan'ya. "No, its some connections. Pag pulis aantayin pa ang 24hrs para rumisponde", sinakay niya ako sa kotse at nagpaalam na kila Beth. Salamat na lang nakita ni Gian kung hindi baka inaantay ko parin si Galle sa loob ng cinema ngayon. Umuwi kami sa bahay at mabilis naman akong pinaupo sa sofa at binigyan ng tubig. Dumadagundong parin ang puso ko sa kaba. Paano kung masamang tao ang kumuha sa kan'ya at gumawa ng kung ano-anong masama. Hindi na ako mapalagay kaya tinawagan ko ang mama ko. Pikit mata akong hihingi nang tulong sa babaeng walang ginawa nung mga panahong lugmok na lugmok ako. Hinayaan niya akong paalisin sa bahay bitbit ang supling sa loob ng aking t'yan. Pero isasambahala ko muna ang nakaraan at alalahanin si Galle ngayon. Marami siyang p'wedeng utusan para hanapin ang anak ko. Kayang kaya niya 'yon sa isang tawag lang. Nag r-ring na ang telepono ngunit hindi pa rin ako mapalagay dahil matagal-tagal niya iyong sinagot. "Hello", bungad ko. "Celine?" Tanong niya. "Yes mom, its been a while." Sabi ko naman. "Celine! Oh my god, where are you? Come here! Your son's here." Sabi niya naman. Kahit papaano'y nabunutan ako ng tinik sa dibdib. "Who bought him there?" Tanong ko. "Your cousin Nio; oh, you doesn't know?" I froze them gaze at Michael. Fck. Nio. Fck you. I ended the call then hurried at Michael's car. Sinundan ako ni Michael at hinayaan akong imaneho ang kotse niya. "Where are we going?" He asked. "At hell. Hold on." Sagot ko at agad na hinarurot ang kotse papunta sa tinalikuran kong lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD