"Hey," sabat ni Michael sa gilid ko kasabay nang pagpalupot ng mga bisig sa aking bewang. Napaling ang mata ni Nio dito at nahihiyang tumawa sabay kamot sa batok.
"Hey, honey, si Nio; cousin ko," pagpapakilala ko sa kan'ya. Tinaasan lang siya ng kilay ni Nio bago inagaw sa akin ang pamaypay at siya na mismo ang nag ihaw.
"May gagawin ba kayo? Sige na, ako na dito mabilis na lang 'to," sabi naman ni Nio at pinaling na ang tingin sa grills.
"Sige ah, bye!" Paalam ko din bago mabilisang inalo si Michael palayo. Grabe ang tingin n'ya kay Nio parang ano mang oras kayang-kaya niya magpakawala nang sapak sakto sa mukha nito.
Nang makalayo'y inihinto ko siya sa gilid at maagap naman siyang huminga nang malalim, "anong problema mo?" Tanong ko.
"He hugged you!" Sigaw niya na parang bata. Hindi makapaniwalang tumawa ako at hinagod ang buhok patalikod.
"So what? Are you jelous? Michael, Nio's my cous-"
"He's a man still! Celine, everyone who has d**k between there thighs is my rival!" Nagulat ako sa kan'yang sinabi. Tumingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig nang pagka engot ng isang 'to. Ba't ang vulgar niya naman mag selos.
Nakatikom ang bibig niya nang ibalik ko ang tingin sa kan'ya.
"Halika asaan ang tattoo booth at papatattoo-an ko ang noo ko ng 'MICHAEL'S PROPERTY' " i muttered sarcastically walking away from him.
"Celine, hindi gano'n ang gusto ko," habol niya ngunit pataray-taray akong lumayo habang palinga-lingang hinahanap ang tattoo booth na sinabi niya.
"Celine," tawag niya pa ulit.
"Celine naman," maktol niya pa. Huminga ako nang malalim at agaran siyang nilingon. Marupok ka Celine piste.
Nagliwanag ang mukha nito at agad na tinakbo ang pagitan namin.
"Ikaw kasi napaka seloso mo! Nakakainis ka," pag iinarte ko bago ipinalibot ang kamay sa kan'yang leeg.
"I just can't help it, I love you, I really do," sabi ni Michael kasabay nang paghagod ng kan'yang kamay sa aking bewang.
"I know, I love you too," sagot ko.
Nag labing labing muna kami bago magkaholding hands na pinuntahan ang tattoo booth.
Naabutan naming nakapila ang nasa mahigit sampung tao sa labas nito. Malamyang tinignan ko si Michael,
"Maraming tao, mamaya na lang kaya?" Tanong ko sa kan'ya. Kahit diretso ang kan'yang tingin sa booth inilingan niya ako.
"Mas marami ang tao mamaya," sagot niya naman.
"Hanggang dito nalang po muna sa ngayon, kakain na ang mga artist." Sabi nang isang tao na lumabas sa booth. Nalulungkot na tumalikod ako kasabay ng mga taong malamyang umaalis sa kani-kanilang pila.
Ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Michael at nakatayo parin siya sa pilahan namin.
"Michael kakain na daw sila," sabi ko at pinipilit na hinihila ang kan'yang kamay paalis.
"Butch!" Sigaw ni Michael sa lalaki. Mabilis na pinaling ko din ang tingin sa kan'ya at gulat na gulat itong nakita kaming dalawa.
"Uy, sir Michael!" Sigaw niya pabalik at agad na tumakbo papalapit sa amin, "ikaw pala 'yan dapat dumiretso ka na po sa loob,"
"Nakakahiya naman kung gano'n," sagot ni Michael.
"Na'ko sir, ba't naman kayo mahihiya," patawa-tawang sabi ni Butch.
"Nga pala si Celine, girlfriend ko," pagpapakilala niya sa akin. Mabilis na ngumiti si Butch sa akin at inilahad ang kamay para makipag shakehands. Mabilis na inabot ni Michael ang kan'yang kamay natatakot naman niyang binawi iyon sabay kamot sa sintido.
"Pasok na po tayo, sir at ma'am," aya niya sa amin.
Pag pasok ay naabutan kong nag iinuman ang mga lalaking may mga tattoo. Ang sabi kakain eh ba't umiinom sila? pfft.
Kalauna'y nagulat ang lahat sa pagpasok namin ngunit mga ilang segundo lang ang lumipas ay nagpunyagi ang mga ito dahil sa muli nilang pagkakita sa kasama ko.
"Uy si sir Michael!" Sabi nang isang mataba na may manipis na bigote sa baba.
"Juggy boy, ano? Lalo kang tumaba ah," bati naman ni Michael at agad silang nagtawanan at nag apir.
So ano? Walang nakakakita sa akin dito? Out of place ako gano'n?
May pumasok namang babae sa loob at shet ang ganda niya! Kitang kita ang mga tattoo nitong maangas sa kan'yang maputing katawan. Mabilis niyang dinaluhan si Michael at natutuwang yumakap dito. Iniyuko ko ang ulo para ipaling ang tingin. Grabe ba't naman ang touchy nila.
"Ellaine! Kamusta na?" Natutuwang bati ni Michael.
"Ayos lang. Papapinta ka ba?" Tanong niya pabalik.
"Oo, papapinta kami ng girlfriend ko," sagot niya naman at agad na pumaling sa akin ang tingin nang lahat. Nahihiya kong inangat ang kamay bilang pagbati.
"Oh, ang ganda naman," nangingiting sabi ni Ellaine, "eh kamusta na kayo nung dating babae na dinala mo dito?"
"Oo nga, yung blonde na sexy," sabat nang hindi ko kakilala.
Tinignan ko si Michael nang masama at natatakot naman itong ngumiti sa akin.
"Uy, itigil n'yo nga yan. Selosa 'to," sabi ni Michael sa mga kaibigan. Tahimik lang akong nakasimangot sa gilid at hindi na lamang umimik.
"Sige tara na, gawa na tayo," sabat nang mataba na ang pagkakaalala ko si Juggy Boy daw.
"Ako na kay ate," pag p-prisinta ni Ellaine sa akin.
"Saan kayo papatattoo?" Tanong niya pa.
"Sa likod ako," sagot ko naman.
"Okay. Anong ita-tattoo natin?" Tanong niya pa ulit.
"Rosas." Sagot ko. "Rosas na lanta. Medyo maliit lang ah," pahabol ko pa.
"Eh sa'yo sir Michael? Anong ilalagay natin?" Tanong ni Butch sa kan'ya.
"Gano'n din." Sagot niya naman. Gaya-gaya.
"Couple tats pala 'tong gagawin natin," pang aasar pa ni Ellaine bago sinimulan ang pag tipa sa aking likuran.
"Ang sweet naman," gatong ulit ng isa.
Ang lakas mang asar ng mga 'to ah. Ininda ko ang sakit habang nilalandas niya sa akin ang makinang iyon. Hindi siya gaanong masakit ngunit napaka hapdi pag pinapahidan ng kung ano. Mahigit kalahating minuto lang ang nakalipas at natapos na din kaming dalawa.
Ang ganda. Kita agad ito kahit mamula-mula pa. Gano'n din kay Michael. Parehas na parehas kami at nakakatuwa dahil parang ang mga tattoo na ito ang mas nagpatibay sa aming pagiibigan.
"Ayan may couple tats na kayo, h'wag na kayo maghihiwalay ah," sabi ulit ni Ellaine.
Mabilis na inakbayan ako ni Michael kaya hinampas ko ang kan'ya braso dahil nadampian niya ang bago kong tattoo, "aray!" Inda niya at tumawa ulit ang mga tao.
"Oo naman, hindi na kami mag hihiwalay nito. Kaunting panahon na lang ikakasal na kami eh," proud na sabi pa niya.
"Ang sweet," sabay na sabi nila.
"H'wag mo kami kakalimutan imbitahin sir, ah" sabi pa ni Butch.
"Oo naman, unang una kayo sa listahan." Naiinip akong nanatiling nakatayo sa gilid ni Michael. Inaya pa nila si Michael mag inom kasabay nila ngunit agad itong tumanggi na kinalungkot nang lahat sa loob. Miss na miss siguro nila ang isang 'to.
Lumabas na kami sa booth at marahang nag lakad sa gilid ng dagat. Nauna akong lumalakad sa kan'ya habang sinisipa-sipa ang mga buhangin.
"Bakit rosas na lanta?" He asked in sudden. Huminto naman ako at hinarap siya. Hinawakan ko ang kan'yang kamay at sabay kaming lumakad ng marahan. Tumingin ako sa malayo at huminga ng malalim.
"Inihahalintulad ko kasi ang buhay ko sa isang rosas. Maganda at matinik. Pero may trahedyang nangyari eh, kaya ang isang rosas na tulad ko, nalanta." Pag papaliwanag ko sa kan'ya.
"Bakit hindi sampaguita? Maganda din naman yun ah," sabat niya naman.
"Eh gusto ko nga rose eh, bakit ba? Kung gusto mo bumalik ka du'n tapos sampaguita ipa-tattoo mo," mataray kong sagot ulit.
"Ang sungit mo. Nagtatanong yung tao eh," ngumuso pa ito pagkatapos mag salita.
"Alam mo bang mahirap pabungayin ang rosas? Yung ibang nagtatanim ng rose, sumusuko nalang bigla kasi mahirap nga siya pabungayin." Nakatungo lang siya habang naglalakad kami.
"Halata namang mahilig ka sa mga bulaklak eh," sabi niya.
"Paano mo nasabi?" Tinignan ko siya nang nakakunot ang noo.
"Eh kasi," natawa muna siya bago ipagpatuloy, "eh kasi kung hindi silk ang suot mo, floweral."
"Aba't!" Kumaripas siya nang takbo kaya hinabol ko siya nang mabilis.
Patawa-tawa itong nakatingin sa akin habang tumatakbo kaya natapilok siya sa kumpol ng buhangin. Malakas akong tumawa at nilundag siya sa buhanginan. Mahigpit niya akong niyakap habang sabay kaming tumatawa. Pagulong-gulong kami sa buhanginan at puno na ng buhangin ang mga katawan namin.
Dahan-dahang napawi ang tawanan namin at napuna ko ang sariling nakadapa sa ibabaw niya habang nag tititigan kaming dalawa.
Dahan-dahang inilapit ko ang mukha sa kan'ya at dinampian ang napaka lambot niyang labi.
Nagulat kami ng may flash na tumama sa aming mga mukha. Lintik na 'yan, si Diana pinicture-an kami.
"Wow ang sweet! Kissing under the sunset!" Asar niya bago lumagapak nang tawa. Tumayo ako at binato siya ng buhangin sa ulo.
Nakanguso niyang pinagpag ang buhok ngunit alam kong hindi madaling matatanggal iyon. Pinatayo ko si Michael at pag harap ko kay Diana ay binato niya din ako ng buhangin sa t'yan.
"Ah ayaw mo mag patalo ah," kumuha ulit ako ng maraming buhangin at bago pa siya makatakbo ay naabutan ko ulit ang kan'yang ulo. Patawa-tawa kami ni Michael tumakbo pabalik sa cottage.
Naabutan naming kumakain sila ulit kaya nakikain na din kami.
"Ano Galle, masaya ba dito?" Tanong ko sa kan'ya. Maputla na ang labi nito at mapapansin na din ang pagiiba ng kulay ng kan'yang balat. Mukhang sinulit ang beach ah.
"Opo, sana bumalik tayo dito," sagot niya habang kumakain.
"Na'ko apo, babalik at babalik tayo dito kahit kailan mo gusto." Sabi ni dad bago tumawa, "di'ba Michael?" Tinignan ko naman si Michael at pangiti-ngiti itong tumango. Hmm, close pala sila ni dad ah.
"Oh dali na at bilisan na ninyo ang pagkain. Uuwi na tayo pagtapos." Sabat naman ni mommy.
Mabilis na lang kami kumain at nagsibalikan na sa aming mga kwarto para magbihis pauwi.
"Ma, balik tayo dito ah," malungkot na ani Galle.
"Of course, anak, babalik tayo dito." Sagot ko naman habang inaayos ang kan'yang damit.
Lumabas si Michael sa CR at maayos na din ang kan'yang damit. Nag b-blower ito ng buhok sa salamin kaya pumasok na ako sa CR para maligo na din.
Ang sarap maligo sa CR pero bakit hindi kung kailan nandito na ko sa loob at pauwi na saka ko lang naalala na hindi ako nakaligo sa dagat? Kainis masyado akong nalibang.
Pag labas ko ay naabutan kong inaayos na ni Michael ang mga gamit. Wala na din si Galle sa kwarto at siguradong nasa bus na ito. Binlower ko din ang buhok ko habang tinitignan si Michael sa salamin.
"Michael, paabot naman ng make up kit ko sa bag," utos ko sa kan'ya.
"Naayos ko na sa loob eh, mahihirapan pa ako magkalkal." Tugon niya naman. Tinignan niya ako sa salamin at maagap na ngumiti.
"Maganda ka na kahit walang make-up." Nahihiya akong ngumiti at tinago ang mukha sa likod ng blower. Nakakakilig naman.
"Boom kilig," nakangiti niya pang pahabol. Pinilit kong sumeryoso ang mukha bago muling humarap sa salamin.
"Boom sapak ka sakin mamaya pag 'di mo ko tinigilan," madiin kong saad.
"Woah, wild. I like that. I won't stop then," pang aasar niya pa ulit bago nakakamatay na kumindat. Shet lord iligtas n'yo po ako sa gwapong mapangasar na ito.