"Gian yung bag mo, nasa'yo na ba?" Tanong ni Beth nang lahat kami'y handa na umalis.
"Opo ma, nandito na." Sagot naman ni Gian sa kan'ya. Malayo na kasi ang pagitan ng mag ina. Tumabi si Gian kay Galle na nakaupo sa harapan namin ni Michael. Sa gilid namin ay sila Tita Rica at Nio na kapwa nag c-cellphone. At duon parin sa likod sila mommy, daddy, Diana at si Beth na busy din sa kan'yang cellphone.
Pinalig ko ang ulo ko sa balikat ni Michael nang umandar na ang bus.
"Honey, do know that its impossible to say the word 'um' without closing your mouth?" He said in sudden.
Awkward akong tumingin sa kan'ya at nag kibit balikat.
"Try it," utos pa niya nang nakangisi.
"Uh, uh, uuuh.." walang gana kong sabi gaya ng pinagagawa niya.
"Say it louder," patawa-tawa niya pag utos ulit. Aba't pinagkakatuwaan ako ng isang 'to ah.
"Uh! Uh, uh!" Gaya ko naman. Nagulag ako nang lumagapak nang tawa si Michael kasabay nang tingin ng lahat sa akin.
"Celine are you okay?" Tanong ni daddy sa likuran ko.
"Ma, napano ka?" Tanong din sa akin ni Galle.
"Celine, you're actually moaning." Sabat ni Nio sa gilid ko. Lumuwa ang mata ko sa pagkagulat. Tinignan ko si daddy sa likuran at naabutang titig na titig ito sa akin.
"A-Am okay," sagot ko naman na nagpabalik ng mga pinagkakaabalan ng lahat kanina.
Masama kong tinignan si Michael at malakas na hinampas ang kan'yang t'yan.
"Aw, you're always hurting me," maktol niya habang hinahimas ang kan'yang t'yan. Agad naman akong naguilty kaya hinimas ko din ang t'yan nito. Ilang segundo ko pang dinama iyon bago ko maramdaman ang malalalim na titig sa akin ni Michael.
"Masakit din ang singit ko, hon, himasin mo din," sa inis ko ay malakas ko siyang kinurot sa balikat. Nakakainis bastos. Patawa tawa itong lumayo at uminom ng tubig. Napapagod kong hinilig muli ang ulo sa balikat niya.
Bakit ba comfort zone ko 'tong balikat niya eh.
Natulog muna ako sandali at ninamnam ang hariwang hanging lumalapat sa aking mukha. Ngunit ang kataka-taka'y parang walang ibang tao kaming kasama sa bus na ito kun'di kami lang ni Michael. Inangat ko ang ulo at tinignan ang paligid. Nasa harapan kami ng agency. Agad na pumasok si Lais at sinapo ang kan'yang dibdib sa sobrang bilis ata ng kan'yang pagtakbo.
"What happened?" Tanong ni Michael. Ngunit hindi nag salita si Lais at biglang hinila kami palabas.
Naabutan ko sa loob ang katahimikan ng lugar at walang ibang tao 'di gaya ng palagiang pagpunta namin dito. Binuksan ni Lais ang kan'yang laptop at hinarap sa akin ito. Kinakabahan niyang pinakita sa akin ang pinaka una kong video. Kasama si George. Duon sa pulang sofa.
"We're leaked."
Naalimpungatan ako dahil sa pagkalabit sa ng kung sino. Nagising ako nang nasa balikat parin ni Michael. Sa loob ng bus kasama ang pamilya ko. Dumadagundong ang dibdib kong inabot ang tubig at mabilisang uminom.
Panaginip lang pala pisteng yawa.
"Hey, what happened?" Tanong ni Michael. Pinandilatan ko siya ng mata dahil gano'n na gano'n ang pagkakabigkas niya sa panaginip ko.
Ano 'to deja vu? Hindi p'wede. Maraming maapektuhan kung sakali mang magkatotoo ang panaginip ko.
"N-Nothing," sagot ko. Dahil naniniwala akong pag sinabi mo kung anong nangyari sa panaginip mo, magkakatotoo. Weird.
"Pag ka uwi natin punta agad tayong agency. Lais just called and he said its urgent." Sabi pa niya. Malapit lapit na kami sa bahay at lalong kumakabog ang dibdib ko.
Bakit gan'to ang pakiramdam ko? Hindi ko maipaliwanag parang hindi ako mapakali.
Lumagok ulit ako ng tubig kasabay ng pag preno ng bus. Nandito na kami. Pagkababang pagkababa namin ay uminat si Beth at masayang ngumiti sa akin, "ang saya mare, sana maulit yung gan'to. Uwi na kami ah," paalam niya at inalo si Gian paalis. Sunod namang nagpaalam sila mommy at Tita Rica. Dala naman ni daddy ang kotse kaya sabay sabay na silang gumiyak.
Mabigat ang pakiramdam kong pumasok sa bahay at agad na hinubad ang suot kong medyas. Ipinasok ni Michael ang mga gamit isa isa at si Galle naman ay dumiretsong CR para maligo.
Nakatulala lang ako hanggang matapos si Michael. Umupo siya sa tabi ko at marahang hinaplos ang aking balikat, "are you okay?" Pag aalala niya. Mahina akong tumango.
"Okay. Hindi ka magpapalit?" Tanong niya pa. Umiling ako at tumayo na.
"Galle! Alis lang kami ah papasok ng work!" Sigaw ko.
"Sige ma! Ingat!" Sigaw ni Galle pabalik. Pumasok na kami sa kotse ni Michael at inandar niya na nga ito papuntang trabaho.
Pag pasok ay hindi makatingin nang maigi sa akin si kuyang guard. Sa loob ay kaunti lang ang tao hindi gaya ng mga panahon palagian naming pag punta dito. Mabilis naming tinungo ang opisina ni Lais at nakitang masayang nakatingin ito sa kan'yang laptop.
"There you are!" Masigla niyang bati sa aming dalawa. Umayos siya ng upo at sabay naman kaming umupo ni Michael sa upuang nakaharap sa kan'ya.
"Bakit ang saya mo ata?" Tanong ni Michael na agad niyang kinatawa.
"Remember when I told you na malapit na nating maging kalevel ang pornhub?" Tanong niya nang may malawak na ngiti sa kan'yang labi.
"Yes," tango ni Michael at tumingin sa akin.
"Now we already are!" Sigaw niya at tumawa ulit sa saya. Natutuwa niyang kinamayan si Michael at nang ako naman ang kan'yang aabutin ay napawi ang kan'yang ngiti. Binawi niya ang kamay sa ere at maayos na umuponh muli.
"But we have a very small problem here," mahinang unsad niya. Malalim akong lumunok at inantay ang sasabihin niya.
"Nasama ang mga lumang videos," mabilis niyang pag amin. Lumuwa ang mata ko sa aking nalaman. Tangina, kung kasama ang mga lumang videos kasama yung akin dun!
Tinignan ko si Michael kasabay ng nagbabadyang luhang papatak sa mata ko.
Kumurap kurap ako at tinignang muli si Lais. Iniharap niya sa akin ang laptop. Kinakabahan niyang pinakita sa akin ang pinaka una kong video. Kasama si George. Duon sa pulang sofa.
Dumapo ang tingin ko sa views at lintik na umabot na itong 5M views at nadadagdagan pa. Pinikit ko ang mata kasabay ng pagtulo ng aking luha. Sinapo ko ang aking noo at hinayaang tumuloy-tuloy ang luhang lumandas hanggang baba ko. Naramdaman ko ang kamay ni Michael sa aking balikat at malayang inaalo ito pataas baba.
"Is it possible to delete selected videos?" Tanong ni Michael.
"I don't know. But we're trying to." Sagot naman ni Lais sa kan'ya. Pinigil ko ang aking pag iyak at hinarap si Lais.
"Please make all my videos down," I sincerely utter. I sigh then eyed me back.
"Don't worry, we'll turn it down as soon as possible." I mouthed thank you then pull myself out. Hinabol ako ni Michael papaloob sa kotse at naabutan niya akong nakatulala lang sa labas.
"Its fine, Celine--" aabutin niya sana ako ngunit mabilis kong tinapik ang kamay niya palayo.
"Fine? No its not!" Sigaw ko sa inosenteng mukha nito. "Michael hindi lang ako ang maapektuhan nito. Si Galle, sila mommy, ano nalang ang sasabihin nila sa akin. Paano kung lumayo ang loob sa akin ng anak ko? Paano kung--" nahinto ako sa pagsasalita nang hawakan niya ang aking mga kamay. Taimtim niya akong tinitigan habang hinahaplos nang maigi ang mga ito.
"If they can't turn down those videos, I'll delete the whole site for you" naiiyak ko na namang tinignan siya at hindi mapigilang yakapin ito. Siya talaga ang laging nag liligtas sa akin kay kalungkutan. Bakit napaka sarap pakinggan ang mga pag damay niya sa akin?
Umuwi kami sa bahay at agad na nahiga sa kama. Kailangan kong magpahinga. Nakakapagod ang araw na 'to. Pumikit ako sandali ngunit mabilisan ding dumilat dahil sa pag pop ng cellphone ko.
Its Lais sending me screenshots of the site. With the caption, "its all cleared" tuwang tuwa kong iniharap ang cellphone sa mukha ni Michael at nag tatalon talon.
"Oh my god! Aaaahh! Yes!" Pagpupunyagi ko at agad na niyakap si Michael.
"Told you," he said smiling. I peak on his lips then throw myself back at the bed.
Yakap yakap ko ang phone nang makatulog.
Ilang oras akong tulog at gumising din pag sapit ng alas-singko para mag handa ng aming makakain. Pangiti-ngiti akong nag luto ng mga pagkain at pasayaw sayaw na inilatag ito sa aming lamesa. Nakita kong lumabas si Michael sa kwarto at agad na tinulungan ako sa paghahanda.
"Tatawagin ko lang si Galle," paalam ko sa kan'ya.
"Okay go ahead," sagot niya naman. Agad kong tinungo ang kwarto ni Galle at naabutang nakahiga ito sa kan'yang kama. Alam kong gising siya dahil kita ang ilaw ng tablet nito mula sa labas ng kan'yang kumot.
"Galle? Tara kain na tayo," sabi ko at dahan dahang nilakad papasok ang sarili. Inuga ko ang kan'yang paa ngunit hindi parin siya tumatayo. Kaya mabilis kong hinila ang kumot na naka palibot sa kan'ya at nagulat na pinanunuod niya ang videong kinatatakutan kong makita niya.
Agad kong hinila ang kan'yang tablet at tinignan kung saan niya ito nakita. Nakakalat ito sa gc nila na puno ng mga kabataan ang myembro. Pinindot ko ang leave at agad na sinarado ang messenger. Pumunta naman ako sa f*******: niya at nagulat na kalat na nga ito sa buong social media. Ang mga pages ay naghihikayat ng iba pang gustong makanuod nito na may caption na "sinong papasend?", "sinong hindi pa nakakanuod? Add then pm."
Tinignan ko si Galle at iyak ito nang iyak habang yakap-yakap ang kan'yang unan.
"Ikaw 'yon ma hindi ba?" Tanong niyang ayaw maniwala sa mismong nakita.
"Galle.." banggit ko sa pangalan nito.
"Alam kong ikaw 'yon ma. Tumanggi ka lang at paniniwalaan kita," umiiyak niyang pang sabi.
"Alam mo naman na 'diba? Si mama 'yun," naiiyak kong pag amin din. Ang sakit. Ang sikip sa dibdib. Dismayadong yumuko si Galle at mas lalong umiyak.
"Ma, buong buhay ko; ikaw ang kahihiyan ko," pag amin niya din.
"Galle!" Sigaw ni Michael sa likuran ko. Niyakap niya ako at itinuro si Galle, "bakit kaya mong sabihin 'yan sa mama mo?" Nanggagalaiti niyang tanong sa bata. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling.
"Tama si Galle, ako ang nagbibigay mismo ng kahihiyan sa kan'ya." Pag ulit ko sa sinabi ng anak ko. Ang sakit. Tagos sa puso. Mas masakit pa ito sa lahat lahat ng salitang natanggap ko noon. Sa bibig pa mismo ng anak ko.
Giniya ko palabas si Michael at ako naman ang sunod na pumuntang pinto.
"Mauna na kaming kakain anak, pasensya na ah, kain ka nalang pag gutom ka na. Sana hindi ka mandiri sa inihanda ko o sa akin mismo."