"Na'ko, mukhang lumayo na ang loob sa'yo ng anak mo," sabi ni Kaia nang inaya ko siyang magkape. Huminga ako nang malalim at tumitig sa hangin. Mukha nga. Halos mag iisang buwan na din ang pag iwas sa akin ni Galle. Sa t'wing nakikita ko siya sa loob ng bahay at ako nama'y hindi niya nakikita; nadudurog ang puso ko.
"Hindi ko alam. Sobrang nakakababa sakin ang pagtingin ng anak ko sa sarili ko. Matatanggap ko pa ang tingin ng iba eh, pero sa kan'ya? Kaia ang hirap." Pag amin ko at taimtim na humigop ng kape.
Naagaw ni Kaia ang aking atensyon nang ilandas niya ang kamay niya mismo sa ibabaw ng aking kamay. Malumanay niya akong tinitigan at nagsalita, "pasensya na Celine, ha?"
Tinignan ko siya bago tumango.
"Okay lang. Wala kang kasalanan, gusto ko pa ngang mag pasalamat sa'yo dahil malaki ang naitulong mo sa akin," nag iwas siya ng tingin at kita ang pagkasisi na lumalandas sa kan'yang mukha.
Humarap siyang muli at mas hinigpitan pa ang kapit sa akin, "Celine, kahit anong mangyari, tanawin mong utang na loob ang ginawa ko sa iyo ha?" Lumunok siya at tumango, "h'wag kang magpasalamat kahit kailan, tanawin mong utang na loob."
Agad ko siyang kinunutan ng noo at naw-weirduhan siyang tinitigan, "bakit?" Tanong ko.
"B-Basta." Hinila ko ang kamay ko sa kan'ya at tumango.
"Okay. Sabi mo eh, tatanawin kong utang na loob ang ginawa mo sa akin"
Para itong nabunutan ng tinik sa aking sinabi. Ilang minuto muna ang aming pinalipas bago kami bumalik sa agency. Nag paalam na sa akin si Kaia para pumuntang desk niya at ako nama'y nagpatuloy ang pagpasok sa opisina namin ni Michael. Nakaawang ito ng kaunti at duon pa lang ay alam ko ng may mali akong masasaksihan sa loob.
Huminga ako nang malalim at tuluyan nang pinasok ang opisina. Agad na nanginig ang buo kong katawan nang magtama ang paningin namin ni Michael. Napaka lalim ng tingin nito na para bang galit na galit at anumang oras ay kayang kaya niya ako dambahin.
Nilingap ko ang kan'yang gilid at napagtantong nasa loob din si Lia hawak hawak ang kan'yang telepono at nakangisi na para bang may napagtagumpayan itong kung ano.
Ibinalik ko ang tingin kay Michael at dahan dahan hinakbang ang mga paa palapit sa kan'ya, "b-bakit? Anong meron?"
"H'wag ka ngang mag maang-maangan d'yan. Your plans are all spilled; you user dumb b***h," kinunutan ko nang noo si Lia dahil ngayon na lang ulit ito nag tapang-tapangan sa akin.
"You called what?" Tanong ko sa kan'ya.
"b***h. Can't hear it clear huh? b***h!" Nang gigil kong tinakbo ang distansya naming dalawa at agad kong hinablot ang kan'yang buhok. Wala na akong pake alam kung makita man 'to ni Michael dahil sobrang kating kati na 'tong mga kamay ko maganti ang babaitang ito.
"Ouch! Stop!" Maarte niyang daing. Mas matangkad si Lia sa akin pero hinusayan ko talaga ang pag hablot nb bunbunan nito at malakas na hinila pababa na nagpalambot ng kan'yang mga tuhod kaya't napaluhod ito sa harapan ko.
"Celine!" Sigaw ni Michael at agad na hinila ang kamay ko na nasa buhok ni Lia. Kitang sobrang nasasaktan na si Lia dahil hindi na maipinta ang kan'yang mukha.
Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kan'ya para hindi ito matanggal ni Michael, "Celine! Pull it off! Stop!" Sigaw din niya sa likod ko.
"Oo mas matangkad at mas maganda ka sakin; pero hindi ibig sabihin no'n mas mataas ka sa akin ah. Tandaan mo Lia, hindi lang ako ang bumukaka dito." Patulak kong binitawan ang kan'yang ulo at agad naman siyang umiyak dahil sa sakit siguro nang pagkakabitaw ko.
"Pornstar ka pa rin at ako ang assistant manager mo, kaya matuto kang sumespeto ah," naiinis kong dagdag pa.
Winaksi ko ang kamay ni Michael na nakahawak parin sa balikat ko at inayos ang nawala sa linya na mga hibla ng aking mga buhok.
Inayos niya ang kan'yang buhok ngunit halata parin dito ang aking pagkakasabunot. Agad siyang tumayo at kinuha ang naiwang cellphone sa desk ni Michael.
"We knew it all," madiin niyang sabi.
"Anong we knew it all?" Kinuot noo kong tanong.
Ngumisi ito at pinindot pindot ang kan'yang phone. Agad na rumehistro ang boses ko;
"I don't find him attractive.. I don't love Michael, I love his cashes!"
"I don't find him attractive.. I don't love Michael, I love his cashes!"
"I don't find him attractive.. I don't love Michael, I love his cashes!"
Teka kailan ko sinabi ang mga gano'n? Kailan nag labas ng gano'n ka 'di totoo ang bibig ko.
Hinarap ko si Michael at nakita kong nakayuko ito at kunot ang noo. Para bang nasasaktan itong marinig nang paulit ulit ang mga gano'ng kataga.
"Ayon na 'yon?" Tanong ni Michael nang nag angat ito ng kan'yang ulo.
"M-Michael.." tawag ko sa kan'ya. Binalak kong hawakan siya ngunit mabilis niyang nilayo ang kan'yang sarili sa kinatatayuan ko.
Galit ko ulit hinarap si Lia, "saan mo nakuha 'yan? Alam mong p'wede kitang kasuhan dahil sa pagkakalat ng maling paratang. Hindi ako 'yan, burahin mo 'yan kung hindi ipakukulong kita," banta ko pa dito.
Maagap siyang tumawa inayos muli ang kan'yang buhok.
"Celine p'wede mo sanang itanggi kung wala akong ibedensya eh, pero meron. Ikaw 'to, remember when we all went at the bar? You, puking with Kaia. I'm actually there," ngumisi ito ulit at iwinagayway ang kan'yang phone.
"Tanga ka ba? Lasing na lasing ako no'n," hinarap ko si Michael at sinubukang mag paliwanag, "Michael alam mo kung gaano ako kalasing no'n--"
"b***h can you please shut your dirty mouth right now?!" Sabat ni Lia. Pumintig ulit ang tenga ko sa sinabi niya at hinayaang kusang humakbang ng mga paa ko para sagupain siyang muli.
"Celine stop! Get out," madiin na utos ni Michael. Umupo siya sa kan'yang swivel chair at lumapit naman si Lia sa kan'ya. Tinitigan ko pa silang dalawa at napaka sikip ng dibdib ko makitang magkalapit ang dalawang ito.
"Narinig mo siya, umalis ka na," Lia actually mouthed the word "b***h" then smirked a bit. Hindi makapaniwala kong inawang ang aking labi.
"Paniniwalaan mo 'yan?" Tanong ko kay Michael. Diretso itong nakatingin sa akin at mahigpit na hawak hawak ang kan'yang kamay.
"Celine please, throw yourself out," ulit niya pa sa pag papaalis sa akin.
Lumunok ako bago umiling. Naluluha na ako. Bakit sabay sabay naman? Ang sakit na eh. Yung anak ko galit sa akin tapos ngayon si Michael? Maayos na ang pakikitungo ko sa pamilya ko at ilang taon din ang lumipas bago kami nagkaayos. Mauulit na naman ba 'yun? Mag isa na naman ba ko sa loob ng ilang taon ulit?
Tumalikod ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko na kayang hawakan pa ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Ayokong makita nila iyon dahil iisipin ni Lia na nagwagi siya sa pagkakataong ito. At lalong lalo namang ayaw ko ipakita ang pagbagsak ng luha ko sa harapan ni Michael. Alam kong madudurog ang puso niya.
Napaka bilis naman ng mga pangyayari. Kanina lang sabay kaming pumasok sa trabaho. Tabi kaming matulog kagabi. At sabay kaming kumain ng almusal. Bakit naman gano'n?
"See? Bakit ba kasi tumatanggap tayo ng mga taga skwater noon," rinig ko pang pagiinarte ni Lia bago ako tuluyang lumabas ng opisina.
Pagsara na pagsara ng pinto ay 'di ko na napigilan ang panlalambot ng aking mga tuhod. Umupo ako mismo sa harap ng pinto at hinayaang lumandas ang mga naguunahang luha sa aking mata. Sinapak-sapak ko ang aking dibdib dahil nahihirapan akong huminga. Na tyempuhan ko nang tingin si Kaia kaya mas naiyak ako.
Pinagkatiwalaan ko ang taong iyan. 'Yon ang malaking pagkakamali ko. Agad akong nagtiwala sa taong hindi ko naman pala lubos na kakilala. Hindi ko pa sigurado ang pagkatao niya. Baka nga hindi Kaia ang tunay niyang pangalan eh; wala akong alam sa kan'ya kung 'di ang pagt-trabaho niya bilang recruiter sa isang pornsite.
Tumayo ako dahil mukhang nakaaagaw na ako nang atensyon ng ibang mga empleyado. Nilakaran ko ang harapan ni Kaia at pekeng nginitian ito. Malungkot siyang tumingin sa akin ngunit ayoko ng mga ganyang tingin. Ayoko nang kinaaawaan ako.
"Celine, Celine," tawag niya sa akin. Ngunit 'di ko siya pinansin.
"Celine!" Sigaw niya paa ulit.
Naalala ko ang paalala ni Kaia sa akin kanina nang sabay kaming nagkape kanina. Ano? Itanaw kong utang na loob ang mga ginawa niya sa akin noon? Nasira ang buhay ko dahil dito. Kaya salamat Kaia ah, utang na loob ko sa'yo lahat.
3rd Person POV
Dali dali tumakbo si Celene tungo sa CR at isinuka ang mga nainom nito. Sa table ng grupo ay tinanguan ni Lia ang isa pang dalagitang si Kaia kaya't agad itong sinundan si Celine sa loob ng palikuran. Umiiyak na naabutan ni Kaia si Celine sa isang silid sa loob kasabay ng sunod sunod nitong pag duwal agad niyang dinaluhan ang babae at hinagod ang likod nito. Pinupunasan niya ang kan'yang pisngi habang sumusuka.
Sa nakatalikod si Kaia at marahang pumasok si Lia sa kabilang silid. Tumango pa ito bago mahinang sinara ang kan'yang pinto.
"Kaia it hurts," biglaang pagsasalita ni Celine. Tinuro niya ang kan'yang dibdib at nagpatulo sa kan'yang pagsasalita.
"It hurts from here,"
Kunwaring nagaalala parin sa likuran niya si Kaia at pinagpatuloy ang paghagod nito sa kan'yang likuran.
"Mahal mo 'no?" Tanong niya pa.
"Yeah-Yeah, I really do.. But before, I don't find him attractive.. I don't love Michael, I love his cashes!" Sigaw ni Celine bago tumawa nang bahagya. "But that was before though, Michael makes my heart flutter everyday.. Actually we're now staying in one roof," dagdag pa niya. Tumango-tango si Kaia sa kan'yang likod at sinilip ang kabilang silid kung saan naroroon si Lia.
"Totoo?" Paninigurado niya pa. Humarap si Celine sa kan'ya at itinuro ang kan'yang mukha at agad ding inilandas ang daliri sa kan'yang labi.
"Yeah, keep it to yourself okay? Don't tell to anyone that am really in love to him.." tumango si Kaia at giniya si Celine pabalik sa mesa ng grupo.
Nang umalis si Celine at pasuray-suray na dinaong ang mga nagsasayawan ay bumalik si Kaia sa loob ng palikuran. Pagpasok na pagpasok niya'y agad niyang inilock ang pinto at sinugurong walang tao sa labas nito.
"Narecord mo iyon?" Tanong niya sa babae. Pangisi ngising winagayway ni Lia ang kan'yang telepono at masayang tumalon talon.
"Matagal ko na ring minamatyagan si Celine, hindi ako makapaniwalang ngayon ay may nakuha na akong magpapahiwalay sa kanilang dalawa," masaya niyang unsad at maagap na piniga ang kamay ni Kaia sa sobrang tuwa.
"At gaya nang pangakuan natin, sa'yo ang buong buwang sweldo ko," nakangiting sabi ni Lia at inabutan pa ang isa ng pera.
"Isang buwan?" Tanong ni Kaia.
"Fine. I'll make it two, thanks Kaia!"