Dumiretso ako sa bahay ng may mabigat na puso. Kailangan kong linisin ang pag iisip ko. Hindi ko na kaya, kailangan ko na muna mag pause sa lahat. Sa pagiging ina, sa pagiging nobya, sa pag t-trabaho sa maduming agency; tigil na muna lahat.
Pag uwi ko ay naabutan kong patay ang lahat ng mga ilaw. Hindi na ako nag abalang mag paalam kay Galle dahil tiyak naman na hindi ako papansinin ng isang 'yon. Tinignan ko kusina at wala ng pagkain; walang ano-anong inihanda ko ang dalawang tilapya galing sa ref at iprinito iyon. Tinakpan ko ito sa mesa at maayos na sinalansan ang mga gamit.
Hinugasan ko ang mga pinggan at inayos ang mga labahin para hindi na mahirapan sila Galle kung sakali mang magpapalaundry sila.
Nakakasawa na. Pahinga na muna.
Pag tapos ko ay pumunta akong kwarto at nag impake ng mga damit. Mabilisan kong nilinis ang sarili sa CR at nagsuot ng floweral dress kasama ang hairband at sandals na katerno nito. Ilang segundo kong tinignan ang sarili sa salamin.
"Kaya mo 'yan self, pahinga lang. Wag susuko." Pag papaalala ko sa sarili. Ngumiti ako dito at inayos ang hairband. Nag lagay ako ng kaunting make up at kinuha na ang wallet ko. Iniwan ko ang cellphone sa harap ng salamin dahil paniguradong magugulo lang ako ng pag aalala nila.
Tumakbo ako sa labas at mabilis na tumawag ng taxi. Alam ko na kung saan ang pupuntahan ko. Hindi ko alam kung bakit doon pero ang alam ko, duon ko mahahanap ang sarili ko.
Galle POV
Nakita ko ang pagmamadali ni mama umalis. Lumalambot ang puso ko sa t'wing nakikita ko siyang patuloy na nag aalala sa akin kahit alam niyang wala akong gagawin duon. Pilit kong pinapatigas ang puso ko para sa pride ko, alam kong mali pero bakit patuloy kong ginagawa?
Matalino akong bata. Alam ko 'yon at alam din ni mama, pero bakit hindi ko unahin ang puso ko kaysa sa aking utak? Mama ko parin si mama, kahit anong mangyari baliktarin man ang mundo siya parin ang nagluwal sa akin. Kailangan ko siyang tanggapin gaya ng pag tanggap niya sa akin.
Napaka kapal ng mukha ko tratuhin si mama nang ganito dahil sa pagkakamali niyang ginawa. Para saakin din naman 'yun ah? Lahat naman ng ginagawa niya para sakin din ah. Kaya bakit ako umaasta na parang pinapalamon ko na ang sarili ko.
Mabigat akong huminga bago inihakbang ang mga paa tungo sa kusina. Naamoy ko ang pagluluto niya ng tilapya. Asal dies na at hindi pa ako kumakain.
Tinanggal ko ang takip ng ulam at hindi ko alam kung bakit naiiyak ako dito. Kumuha ako ng plato at nakitang napaka linis ng lababo. Nalulungkot akong umupo at nag salok ng para sa sarili ko.
Habang ngumunguya ay naramdaman ko ang pagbigat ng mga kamay ko. Naiiyak ako. Dose anyos palang ako at aaminin kong sobrang lapit ko sa mama ko. Madami na akong nalalamang pagkakamali sa panganganak sa akin. Napaka gulo ng pamilya ko, nang malaman kong tito ko ang tunay kong ama; walang oras ang 'di ko inisip na salot lang ako sa buhay ni mama.
Nabuo ako sa pagkakababoy sa kan'ya pero tinanggap niya ako sa buhay niya, pinalaki at minahal ng totoo. Malapit na mag isang buwan hanggang kailan ako magmamatigas?
"Napaka kapal ng mukha mo, Galle" pagkakausap ko sa sarili at dahan dahan na ngang lumandas ang luha sa aking pisngi.
"Mama," iyak ko.
"Mama..." tawag ko sa kan'ya habang umiiyak.
Inabot ko ang cellphone ko sa gilid at dinial ang number niya. Nag ring ito at nagulat ako nang marinig ko ang pagtunog nito sa loob ng kwarto nila.
Mabilis akong tumayo para icheck iyon at nakita ko nga itong patuloy na tumutunog sa harapan ng salamin.
Ibinaba ko ang phone at kinuha anb cellphone ni mama. Bakit niya iniwan?
Bumalik ako sa kusina at kumain ulit. Kahit nahihirapan na akong lumunok ay pinilit ko parin itong ubusin. Magagalit si mama pag may tira.
Pag tapos ay hinugasan ko ang ginamit kong pinggan at bumalik muli sa kwarto.
Tinawagan ko si papa at mabilis niya naman itong sinagot;
"Galle? Bakit? May problema ba, anak?" Bungad niya sa tawag.
"Papa.." iyak ko sa telepono.
"Bakit, anong nangyari?" Pag aalala niya sa kabilang linya.
"Si mama, umalis, may dalang maleta," pagpapaliwanag ko. Ilang segundo din siyang hindi nagsalita.
"Sige, pauwi na ako," sabi niya at agad itong pinatay.
Tinawagan ko din sila mommyla para alamin kung duon pumunta si mama, "mommyla, hello," bungad ko rito.
"Oh apo, kamusta kayo ng mama mo?" Sagot niya.
"W-Wala po d'yan si mama?" Nauutal kong tanong.
"Wala apo, bakit? Nasaan siya?" Tanong niya pabalik.
"Mommyla umalis po kasi si mama dito nang may dalang maleta. Akala ko d'yan siya pupunta," pagpapaliwanag ko din.
"Maleta? Eh saan naman pupunta iyon?" Paguusisa pa niya.
"Hindi ko po alam, hindi po kasi kami nagpapansinan nitong mga nakaraang araw," pag amin ko pa.
"Bakit naman?"
"Mahabang kwento mommyla, sige po, tatawagan ko po muna si Tita Beth baka do'n lang po pumunta."
"Sige apo, tawagan mo ako pag wala do'n ha?"
"Opo mommyla, bye po, ingat," paalam ko at agad na binaba ang telepono.
Agad kong dinial ang number ni Gian at agad niya naman itong sinagot, "si mama ba pumunta d'yan sa inyo?" Bungad ko.
"Si Tita Celine? Hindi. Bakit naman 'yon pupunta dito?" Tanong niya pabalik.
"Umalis kasi siya dito may dalang maleta. Bahay at trabaho lang naman pinupuntahan no'n at bihira igala ang maleta niya. Asan na kaya siya?" Pag aalala ko.
"Hang on Galle, pupunta kami d'yan ni mama," mabilis niyang saad at agad na pinatay ang telepono. Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko dahil sa pagkaguilty.
Bakit ko ba kasi hinayaan malugmok ang puso ni mama dahil sa akin?
Ilang minuto akong namalagi muna sa kwarto bago dumating si Tito Michael. Hangos hangos ito bitbit ang kan'yang cellphone at susi.
"Wala parin?" Tanong niya agad. Umiling ako.
Nagmadali niyang tinawagan ang cellphone ni mama at agad namang tumunog iyon sa loob ng kwarto nila, "fuck."
Sinuklay niya ang kan'yang buhok gamit ang mga sariling daliri at agad na tinakpan ang mukha at umupo sa sofa. Pumunta akong kusina at agad na kinuhaan siya ng tubig. Dali dali ko iyong inabot sa kan'ya at mabilis niya naman itong ininom.
"Hindi naman siya naglayas or what ano?" Pagpapakalma niya sa sarili nang tanungin ako. Maagap akong tumango kahit alam kong maaring iyon ang ginawa niyang solusyon.
Lumayas din siya kila mommyla nang tinido nila ang pagpapahirap sa damdamin ni mama. Lumayas siya at nagpakalayo layo ng maraming taon. Naluluha akong tumungo at lumuhod,
"It's all my fault pa, I'm sorry.. I'm sorry," pinunasan ko ang akibg mga luha nang agad akong hilain patayo,
"Anak hindi, tumahan ka na, magiging okay ang lahat," pag alo niya sa akin.
"Sa totoo pa nga'y kasalanan ko ito," pag amin pa niya. Agad kong diniin ang tingin kay Tito Michael, "may nangyari po ba sa trabaho n'yo kaya nagkagano'n si mama?"
"Uh, yeah, h'wag na tayo mag sisihan. Mag tulungan na lang,"
Inayos ko ang aking sarili at kinuha ang phone sa kwarto, "let's find mama, pa," aya ko sa kan'ya.
"Let's go." Agad naman nitong sagot.
Celine's POV
"Manong, dito na lang po," tawag pansin ko sa driver ng sinasakyan kong taxi. Malapit na mag dilim, tinignan ko ang orasan ko at nakitang alas-sinco y medya na. Hinalungkat ko ang bag ko at binayadan na ang driver, "keep the change manong," sabi ko pa bago mabilis na bumaba.
"Salamat ma'am, ingat po kayo," sagot pa nito at agad na humarurot paalis.
Pinagmasdan ko ang paligid at kaunting lakad na lamang ay makakarating na ako sa parorooan ko. Ngunit sa lugar na ito; walang tao. Walang kahit anong ilaw kundi ang mga sasakyan lang na pasulpot sulpot lang. Madamo ang paligid at ang lalaki nito mas mataas pa sa akin.
Malaya kong hinila ang maleta at binaybay ang madilim na daan. Sa ilang minuto pang paglalakad ko ay dumilim na nga ang paligid. Nakakatakot.
Malubhang makipot kasi itong dinadaanan ko at kung papasok pa ang taxi, hindi na siya makakalabas pa.
"Hays," buga ko nang maipit ang gulong ng maleta ko sa bato at putik.
Hinila ko itong maigi ngunit masyadong marami ang laman nito.
Tumingin ako sa paligid at nag baka sakaling baka may makita akong mahihingian nang tulong ngunit ang nakapukaw nang aking atensyon ay ang isang pusang itim na tahimik na pinagmamasdan ang ginagawa ko.
Ilang saglit kong sinuklian ang tingin ng pusa at ganoon din ang ginawa nito bago tumakbo palayo, "woah, weird," pag balik ko nang aking paningin sa lugar kung saan naipit ang maleta ko ay sinalubong agad ako nang sobrang liwanag na ilaw.
Kasabay ang maraming preno nito ang pagluwa ng mata ko. Jusko po. Pwersahan kong hinila ang maleta ko at sakto naman ang pag tanggal nito ang pag bangga sa akin ng malakas na pwersa ng kung ano.
Rinig ang malakas na lagabag ng aking katawan sa kotseng ito. Mabilis akong napatalsik palayo kasama ang maleta ko.
Pilit kong binuksan ang mga mata ko at na aninag ang pag baba ng tao sa kotseng nakasagasa sa akin, pinilit kong igalaw ang katawan ko ngunit wala akong maramdaman.
Wala akong marinig kun'di ang malakas na pintig ng puso ko.
Mariin akong pumikit dahil napaka sakit ng ulo ko; dahan dahang naramdaman ko ang pamamasa nito. Dugo. Napaka raming dugo.
Dahan dahan nang bumibigat ang aking mga pilik mata.
Ito na ata ang oras ko, ngunit isa lang ang gusto kong ipaalala sa mga nag aalala sa akin ng lubos sa mga oras na ito.
"Mahal ko kayo.."