Nagising ako nang may maramdaman akong maiinit na kung anong dumadampi sa aking dibdib. Mabilis akong tumayo at pwersahang dinali ang kamay ng matipunong lalaking nagpupunas ng tiwalya sa akin. "Who are you?" tanong ko habang mahigpit na hinahawakan ang kan'yang kamay. "Aray! Aray! Celine, ako si Kulas." Pagpapakilala niya. Mas hinigpitan ko pa ang kamay niya dahil wala akong nakilalang Kulas sa buong buhay ko. Paano ako nakilala nang isang ito? Maagap kong binitawan ang palad niya at tinanggal ang kumot na nakapalibot sa aking katawan. Mabilis akong tumayo na dahilan nang pagsakit ng ulo ko. Napaka sakit, parang pinipiga. Nawalan ako nang balanse kaya't agad namang lumapit sa akin si Kulas at inalalayan ako pabalik sa kama. "A-Anong ginawa mo sa akin?" Tanong ko sa kan'ya. Pinalibot
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


