┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nakakaramdam ng matinding awa si Celestina sa kanyang kaibigan. Gusto niyang kausapin si Jun pero pinipigilan siya ni Sandy. Sabi ng dalaga ay hindi mahalaga sa kanya ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa pagkatao niya dahil ang mahalaga lang sa kanya ay kilala siya at naniniwala sa kanya ang mga kaibigan niya. "Si Mary, ano ba ang nangyari sa kanya at bigla na lang siyang umuwi ng probinsya? Hindi man lang nagpaalam ng maayos sa iyo ang babaeng 'yon. Tinatawagan ko siya pero patay na ang phone niya. Nagdadrama ba ang bruhang 'yon?" ani ni Sandy. Pinunasan niya ang luha niya at pilit siyang ngumiti. Nararamdaman ni Celestina na nagpapanggap lamang itong masaya kaya sinakyan na lamang niya ito at natawa bago nagsalita. "Hay naku besh! Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Pupuntahan

