┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Sumapit ang alas otso ng gabi. Ang harapan ng batis kung saan ay may isang malaking gazebo ay napuno na ng mga taong tumatawa at nagkakainan ng bbq. Kalansing ng mga bote ng alak at bote ng beer ang maririnig sa paligid, kasabay ang malamyos na awiting pumapailanlang sa ere. "Nilagay ko na dito sa baso ang papel na may pangalan ninyong lahat. Mamaya, bubunot kayo paisa-isa para malaman natin kung sino ang unang sasayaw diyan sa gitna. Siguraduhin ninyo na masisiyahan kami sa gagawin ninyong pag-giling," wika ni Althea. "Babe, siguraduhin mo rin na sa akin ka lang masisiyahan kapag gumiling na ako diyan. Kapag kinilig ka sa isa sa kanila, isusubsob ko sila diyan sa apoy," sagot ni Marcus kaya malakas na tawanan ang maririnig. "Masyado ka namang insecure sa aming lahat. Huw

