┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Naka-unan si Joyce sa mga hita ni Hugo. Nawalan ito ng malay matapos niyang malaman na ang adobong palaka na hinuli ng kanyang asawa at nila Mayson ang pagkaing kakainin nila. Hindi na kinayanan pa nito ang mga naririnig kaya nawalan siya ng ulirat. "Baby wake up, please baby," ani ni Hugo sa kanyang asawa. "Bakit ayaw gumising ng asawa ko? Dalhin na kaya natin siya sa hospital?" nag-aalalang ani muli ni Hugo na hindi inaalis ang malaki niyang palad sa pisngi ng kanyang asawa. "Huwag ka ngang timang! Gigising din 'yan. Nahintatakutan lang 'yan kaya nawalan ng ulirat pero gigising din 'yan mayamaya," ani ni Marcus na nakatayo at katabi ang kanyang asawa na si Althea. Muling hinimas ni Hugo ang mukha ng kanyang asawa habang inaayos ng isang kamay niya ang buhok na tumatabi

