Chapter 87 -Takbo hangga't may lupa- 😂

2543 Words

┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maaga pa lang ay gising na silang lahat. Sabi kasi ng katiwala ni Marcus, mas okay daw manghuli sa umaga ng palakang bukid kaysa sa tanghali. Kaya maaga pa lang ay nakahanda na silang lahat upang tunguhin ang lugar kung saan ay madalas daw manghuli ng palakang bukid ang mga tauhan ni Marcus. "Saan ba talaga tayo pupunta at naka bota pa itong tatlong ito?" ani ni Joyce habang nakatingin sa kanyang asawa na may suot ding bota. Nagtataka na siya dahil isa man sa kanila ay walang sinasabi sa kanya. Napakamot ng pisngi si Celestina at hindi malaman kung paano niya sasabihin sa ate niya ang tungkol sa paghuli ng palaka. Alam kasi niya na bata pa lang sila ay matindi na ang takot nito sa mga palaka. Tapos ngayon ay hindi alam ng ate niya na kaya sila nandirito ay upang manghuli s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD