❀⊱Celestina's POV⊰❀ Maaga pa lang ay gising na ako kanina. Si Josh ay nakabihis na dahil may trabaho daw siya, medyo late pero sabi niya ay meeting lang naman daw ang mangyayari. Ako naman ay susunduin ni Kuya Trenz at baka nga mayamaya lang ay dumating na rin sila. "Babe aalis na ako at baka ma-late pa ako sa meeting ko. Napaka-importante nito sa buhay ko," ani ng mahal ko. Niyakap niya ako at hinalikan at sinabi niya na magkita na lang daw kami mamaya. Natawa naman ako, alam naman niya na may lakad din ako, saan naman kami magkikita mamaya? Dito sa condo niya? Pagkaalis ni Josh ay naupo na ako sa sofa. Binuksan ko ang tv at nanuod na lang muna ako habang hinihintay ko si kuya. Maya't maya din akong tumitingin sa orasan kong pang bisig. Bakit ang tagal naman ni Kuya Trenz? Hindi nama

