❀⊱Celestina's POV⊰❀ Nakarating kami ng mall. Dumiretso na agad kami sa kilalang mga boutique. Nuong una ay ayaw pumasok ni Mary dahil wala naman daw siyang pambili. Sabi na lang ni Josh na pag-aari ng pamilya niya ang boutique at pwede daw kaming kumuha ng kahit na ano ng walang bayad. Pero nakita ko siya na palihim na iniabot ang kanyang black card sa manager ng store. Napangiti ako dahil napakabait talaga ng mahal ko kahit na ba pintaserong frog ang mokong na 'yan. Pero mabait at may puso. Katulad niyan, nagawa niyang magsinungaling para lang makapamili din ang kaibigan kong si Mary dahil alam naman namin na kapos din siya. Pero dahil alam niya na kaming lahat ay hindi magbabayad ay pumayag na din siya. Sweet ng mahal ko. "Tignan ninyo ito. bagay kaya sa akin ito?" ani ni Mary ng ipina

