❀⊱Celestina's⊰❀ Nagluto ako ng pananghalian para sa mahal ko. Dadalhan ko ng makakain si Josh kasi nag kape lang siya kaninang umaga bago umalis, hindi na rin niya nagalaw pa ang inihanda kong almusal dahil nagmamadali na siyang umalis. Pumasok kasi ito sa opisina dahil may mga meeting daw itong kailangang daluhan kaya hindi ko na siya kinulit pa na kumain. Ganuon din si kuya nuon kapag may mga meeting na kailangan niyang daluhan, hindi siya kumakain at kape lang lagi ang iniinom niya. "Sige na kuya samahan mo ako. Puntahan mo na ako dito kasi ayaw kasi akong palalabasin ni Josh na hindi ikaw ang kasama ko, please kuya," wika ko habang kausap ko si kuya sa telepono. Kinukulit ko kasi siya para "Busy nga ako Celestina, ang dami kong trabaho ngayon na dapat kong unahin. Itabi mo na lang '

