"Kakausapin ko rin naman siya, pero hindi ako sigurado kung gusto ko pa rin siyang pakasalan katulad ng gusto niyang mangyari. Hindi na ako sigurado kung gusto ko siyang pakasalan katulad nuon na atat ako, at sa tingin ko, okay na sa akin na makilala siya ng anak ko at hanggang duon na lang 'yon, pero ang pakasalan siya? Hindi ko siya pakakasalan." ani niya kaya parang may sumaksak na patalim sa puso ko na unti-unting bumabaon at unti-unti akong pinapatay. "Huwag mong sabihin 'yan Celestina, huwag kang magsalita ng tapos," ani ko and my voice cracked na hindi nakaligtas sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Okay ka lang ba? Bakit ikaw ang tila ba may problema?" wika niya kaya natawa ako ng mahina at umiling ako sa kanya. "Wala, nalulungkot lang ako dahil sa sinabi mo. Hindi masama ang

