Pagpasok niya sa loob ay nagulat naman si Celestina. Akala nito ay nahuli na siya ng kalaban. "Ginulat mo naman ako. Akala ko nahuli na ako ng kalaban," wika niya kaya natawa ng mahina ang binata. "Dumating na ang pinuno nila sakay ng helicopter," wika ng binata. "Alam na kaya nila kuya na nandito tayo at nanganganib? Natatakot ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nag-aalala ako sa anak ko na baka may mangyaring masama sa amin," wika nito at tuluyan ng umiyak si Celestina. Yayakapin na lamang sana ni Josh ang dalaga ng makarinig sila ng malakas na pagsabog kaya malakas na sumigaw si Celestina dahil sa matinding takot nito. Agad namang tinakpan ng binata ang bibig ng dalaga upang hindi malaman ng kalaban ang kinaroroonan nila. "Shhhh... Huwag kang matakot, hindi nila alam kung nasaan

