Nagmamadali naman nilang nilisan ang yungib at kahit nahihirapan si Celestina na akyatin ang matarik at mababatong dinadaanan nila ay balewala ito sa kanya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makaakyat sila sa itaas upang hindi sila tamaan ng pagsabog. "Napapagod na ako," wika ni Celestina kaya napahinto ang binata at napatingin kay Celestina. Malakas na pagsabog muli ang gumulat sa kanila at nagtatalsikang bato ang tumatama ngayon sa kanilang katawan kaya nagsisigaw ang dalaga at takot na takot itong yumakap sa binata. "Nakita na nila tayo, bilisan mo mahal ko," wika ni Josh kaya biglang napatingin sa kanya ang dalaga. "Anong tinawag mo sa akin?" wika nito. "Wala, bilisan mo dahil nahanap na nila tayo," wika ni Josh na hindi na inintindi ang nakikita niyang pagdududa sa mukha ng dal

