Gigil na gigil ako, pakiramdam ko talaga ay naiinsulto ako sa malutong niyang tawa. "Oh Celestina, hanggang ngayon napapatawa mo ako. Kung inaakala mo na may damdamin ang pagkakatitig ko sayo at nahuhubaran ka, nagkakamali ka. Humarap ka sa salamin para malaman mo na mukha ka ng zombie dahil sa pagkakatitig mo sa akin na para ka pang naglalaway. Pakihigpitan din ng panty mo kung feeling mo ay kusa itong nahuhubad dahil hindi ako interesado diyan," sagot niya na parang nang-aasar at nang-iinsulto kaya nakakaramdam ako ng galit. "Ako, magmumukhang zombie at naglalaway ng dahil sayo? Nababaliw ka na Josh para isipin mo 'yan? And FYI lang! Kaylanman ay hindi kusang mahuhubad ang panty ko sa isang katulad mo! Hindi na ikaw ang lalaking pinagpapantasyahan ko, kaloka ka! Kung hindi ko pa alam,

