Tumayo ako at tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang mga bodyguards ko na hindi naman kalayuan sa amin na nakatayo lang at hinihintay kung ano ang susunod kong gagawin. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko at agad akong sumakay kaya sumakay din ang mga kaibigan ko. Pinaandar ko ang sasakyan ko at habang papalabas kami ng parking lot ng mall ay isang malaking motor ang sumabay sa gilid ko at tinatapatan lang niya ako. Kumabog ang puso ko, nakikilala ko ang motor na ito at kay Josh ito kaya tumingin ako sa driver pero naka black helmet ito at tinted ang salamin kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Naka black leather jacket ito at black pants. Nagpatiuna ito sa pagmamaneho at nanatili sa unahan ng sasakyan ko na panay ang preno ang ginagawa na tila ba inaasar ako. Ako naman ay hindi ko

