"My god, kinakabahan ako! Baka hindi ko magawa ng tama," wika ko. "Magsasanay ka pa naman, tuturuan ka ng Kuya Cairo mo kung paano magkilos lalake. Tapos ang buhok mo, pabawasan lang natin ng bahagya para maitago mo 'yan kapag susuotan ka na ng wig. Kokontak na rin ako ng isang magaling na nagtatattoo ng henna at aayusin niya ang mukha mo kada dalawang linggo para hindi mabura ang balat sa mukha mo. Sa pamamagitan ng balat sa mukha mo hindi ka na makikilala pa ng kahit sino. Maging ang kilay mo ay mababago at may isusuot ka diyan sa ngipin mo para magmukhang malalaki 'yan para hindi ka makilala sa ngiti mo. Mga susuotin mo ay loose, at siguraduhin mo na kaya mong ipitin ang pwede mong ipitin diyan sa dibdib mo, buti na lang kakarampot 'yan," wika ni kuya kaya nanlaki ang mga mata ko. "FY

