Hindi naman nagtagal ay umalis na kami. May isang linggo daw akong magsasanay upang magpanggap bilang isang lalake. Buti na lang at kaya kong palakihin ang boses ko. Hindi pa ako narinig ni ate na gumamit ng boses lalake dahil sa mga kaibigan ko lang ito ginagamit. Kaya lang naman ito nalaman ni kuya ay dahil narinig niya kami nuon sa silid ko. Tawang-tawa ako nuon, halos magiba ang pintuan ng silid ko ng pwersahan nilang binuksan ito nila Kuya Cairo nuon. Inakala nila na may kasama kaming lalake sa silid ko at galit na galit sila ng wala silang makita. Sabi pa niya ilabas ko daw ang lalaking itinatago namin dahil narinig daw nila na may lalaki kaming kasama. Ang ginawa ko ay bigla akong nagsalita ng boses lalake kaya gulat na gulat sila at hindi makapaniwala sa kakaiba ko daw na talento.

