Napatingin kami sa may dalampasigan ng makita namin si Celestina na bibabato ng bato ang karagatan. Napatitig ako sa kanya pero hindi ko siya nilapitan. Gulong-gulo ang utak ko. Para akong tanga na idine-deny ko ang sarili kong damdamin kahit heto at naghuhumiyaw ito sa tuwing makikita ko siya. Pero, bakit ba kasi kailangan niyang maging maruming babae? Okay na sana eh, pero ang ipamukha niya sa akin na marami ng lalake ang gumamit sa kanya at nagugustuhan niya ang lahat ng 'yon... Damn! Masakit at hindi ko alam kung kaya ko ba itong tanggapin. "Tignan mo ang mga mata mo, nagniningning habang pinagmamasdan si Celestina. Bakit kailangan mong sikilin ang sarili mong damdamin kung kaya mo namang iparamdam sa kanya ang pag-ibig mo," wika ni Marcus. "Hindi ko alam Marcus! Hindi ko nga alam s

