"Ayaw mo pa kasing umamin sa akin kung nasaan talaga si Celestina. Hindi siya maglalaho ng ganyan kung hindi mo siya tinulungan. Si Trenz ang kilala nating pinaka magaling sa paglalaho ng mga taong gustong magtago, pero sa tulong mo, mas lalong hindi ito mahahanap kaya alam ko na sa pagkawala ni Celestina ay sangkot kayo ni Trenz. Kaibigan mo ako Marcus, nagtapat na ako sa inyo ng pagmamahal ko kay Celestina, gaano ba kahirap intindihin na tao lang din ako na nagkakamali? Oo aaminin ko na halos hindi na malunok ang mga salitang binitawan ko sa kanya, galit kasi ako at nagseselos at tanging paraan ko lang upang makaganti sa kanya ay pagsalitaan ko siya ng masasakit. Nuon pa man, kapag sinasabi niya sa akin na may kasama siyang ibang lalake, sobrang galit ang nararamdaman ko. Tarantado lang

