◄Josh's POV► Papasok sana ako sa opisina ngayon pero pagod pa ang katawan ko dahil kakauwi lang namin kahapon. Plano ko sana ay tapusin ang ilang meeting ko para naman mabawasan ang mga trabahong nakabinbin pero, feeling ko ay wala pa akong lakas. Mas gusto ko munang manatili dito sa condo na kasama ang aking mahal na Celestina. May hawak nga akong libro, ito ang libangan ko kapag wala akong ginagawa. Ang magbasa at mag relax. Napatingin ako sa mahal ko ng pumasok ito sa aming silid na nakabusangot ang mukha kaya nagawa kong ibaba ang binabasa kong aklat. "Okay ka lang ba mahal ko? Bakit ganyan ang hitsura mo? Kulang pa ba ang magdamagan nating romansahan?" ani ko pero sinibangutan lang niya ako bago siya nagsalita. "May gusto kasi akong kainin pero wala naman sa loob ng refrigeartor.

