Chapter 2
Tumahimik ang buong silid matapos magsalita ni Nagi. Mga huni ng ibon at ang mga estudyanteng nagdadaldalan sa labas ng silid lang ang naririnig sa sobrang katahimikan. Ang problemadong kagat-kagat ang mga kuko na si Nagi, Ang babaeng kulay lila ang buhok na nakakunot ang noo, at ang nakangangang ako.
“Okay? Wow Mali, prank ba ‘to?” Natatawang saad ko kahit sinasabi ng sarili kong totoo ang nangyayari. Na nasa ibang planeta ako at nasa paaralan ako kung saan hinahasa ang mga kabataang may kakaibang abilidad.
Pero, ano ba! Nasa ibang planeta ako? Ano ‘to, alien sila? Bakit ang gaganda nila? Bakit mukha silang mga characters sa mga anime na pinapanood ko? Shoto Todoroki? Tanjiro? Karma? Nasaan kayo?
“Ugh! Louise naman! Anong prank? Totoo nga ‘yung sinasabi ko!” Inilagay ni Nagi ang dalawang kamay niya sa kanyang baba.
“Nasaan si Naruto? O kaya naman si Kageyama? Si Koro-sensei na mukhang si smiley? Nasa anime world ba ako?” Inikot ko ang paningin ko sa buong silid at baka nagtatago lang ang cameraman. Ginulo ko ang buhok ko nang wala akong mahanap na camera.
“Louise,” lumingon ako sa babaeng kulay lila ang buhok nang magulat ako nang may kutsilyong nakatapat sa akin.
“s**t, lumayo ka sa akin at baka masaksak mo ako!” Lumayo ako ng kaunti at baka masaktan ako kapag lumapit ako. Tumingin ako sa babaeng kulay lila ang buhok na tinuturo ang kutsilyo gamit ang kanyang hintuturo na parang pinapalutang ang kutsilyo.
“Akira naman, huwag ganyan.” Ngumiwi si Nagi sa babaeng katabi niya na kulay lila ang buhok na ang pangalan ay, ‘Akira’. Napagtanto kong nakalutang pala ang kutsilyo sa ere at mas lalo pa itong lumapit sa dibdib ko.
“Kung itarak ko kaya sa’yo ‘tong kutsilyo, maniniwala ka na ba na gamit ko ang kapangyarihan ko?” Dali-dali akong umiling kasabay ng pagbagsak ng kutsilyo sa harap ko. Tinakpan ko ang dalawa kong mata sa takot. Hindi ko naman ine-expect na ganito sila ka-brutal!
“Sweet,” Humalakhak si Nagi na mas lalo kong ikinatakot. Lumapit ako sa pinto at palihim kong hinawakan ang doorknob. Shoot, mukhang dito pa yata ako mamatay.
“Paano kaya natin siya papatayin? Dating gawi ba?” Binasa ni Akira na kulay lila ang buhok ang kanyang labi gamit ang dila habang nakatingin ng matalim sa akin.
“Sure, ang pangit ng lasa nung taong kinuha natin sa Earth kahapon eh.” Kumindat pa si Nagi sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. Bubuksan ko ang pinto at tatakbo. Okay, hinga Louise, breathe.
“Stop. Stay away from me!” Nanggagalaiti na sigaw ko. Nagkatinginan sila at sabay na tumingin sa akin. Tumingin muli sila sa isa’t-isa at maya-maya ay tumawa sila ng malakas.
“Hahahahaha! What the heck, epic face!”
“Infairness effective ‘yung ginawa natin, Nagi!”
Patanong akong tumingin sa kanila. Anong nangyari?
“Hahaha! Ang cute mo, Louise!” Lumapit sa akin si Akira at pinisil ang dalawa kong pisngi.
“Sabi sa’yo, Aki eh. Teka natatawa pa rin ako! Hahaha!” Tawa ni Nagi habang hawak pa ang tiyan. Okay? May nakakatawa ba sa nangyari?
“Eh? Anong meron?” Tanong ko sa kanila kahit hindi masyadong naintindihan ang tinanong ko dahil pisil-pisil pa rin ang pisngi ko.
“Wala ano ka ba, joke lang ‘yun ‘no. Ang seryoso mo masyado.” Paliwanag ni Akira sa akin. Tumango ako kahit naiinis ako. Hindi kaya nakakatuwa sa kalagayan ko.
“Kidding aside, kailangan nating puntahan si Headmaster ngayon.” Ngumiti si Nagi sa akin ngunit nawala iyon kaagad. Hindi ko alam kung bakit at anong nangyari.
“Headmaster?” Pagtatanong ko sa kanila. Binitawan ni Akira ang pisngi ko at pinagkrus ang braso sa kanyang dibdib.
“Presidente ng school. Siya ang namumuno dito ngayon.” Tumango ako bilang sagot. Umiwas ng tingin si Akira at uminom ng tubig.
“Bakit? Anong gagawin natin?” Tanong ko.
“Um, Louise, paano ka ba nakapunta dito? Iyong full story ah. Huwag summarize.” Natawa ako sa full story na sinabi niya. Umupo ako sa harap nila at nagsimulang ikwento ang nangyari. Minus the jeepney scene at about kay Hiro myloves.
“…. Sa garden ng school namin at akala ko namatay ako dahil nga natapilok ako sa isang kwintas. Ang alam ko lang pumasok ako sa isang malaking bilog na puro liwanag lang ang makikita.” Pagkukwento ko. Nagkatinginan sila at kumunot ang mga noo.
“Giant circle?” Bulong na tanong nila pero narinig ko pa rin.
“Ano ‘yun?” Tanong ko. Ayun ba ‘yung bilog na pinasukan ko?
“Hindi ko alam na totoo pala ang legend na ‘yun.”
“Me too. Akala ko sabi-sabi lang ng mga taga Class A.” Umangat ang kilay ko sa mga narinig ko. Tumingin sila ng sabay sa akin.
“Okay?” Tanong ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang mga sinasabi nila. Tila sila lang ang nagkakaintindihang dalawa.
“Wala, akala namin hindi totoo ‘yung Giant Circle. Sabi kasi sa legend, eto ang daanan para makalipat sa ibang dimensyon at kabilang na doon ay ang Earth. Sabi nila, kapag may mga mission ang mga estudyante dito na ipinapadala sa Earth ay iyon ang ginagamit nila.” Paliwanag ni Nagi sa akin.
“Stop, Nagi. Hindi niya dapat malaman ang nangyayari dito.” Saway ni Akira kay Nagi.
“Ano ka ba, Aki. Makakalimutan niya rin tayo mamaya kapag nasa Earth siya.” Lumungkot ang mukha ni Nagi at tumahimik na naman ang silid.
Makakalimutan ko sila? Ang imposible. Kung sakaling mabuhay pa ako pagtapos nito at makauwi sa Earth, tiyak na magiging normal na naman ang lahat.
Sila nga ang may kakayahang kausapin ako na hindi nandidiri.
Tumayo si Akira at tumikhim, “tara na. Kailangan na natin siyang papuntahin sa office. Baka may makaalam pa at maaari siyang patayin.” Tumango si Nagi at siya ang naunang lumabas. Sumunod si Akira at nasa likod nila ako. Yumuko ako upang hindi ko makita ang mga taong tumitingin sa paligid. Nagtataka siguro kung bakit iba ang uniporme ko.
Tumigil kami sa isang magarang pinto. Halatang gawa ito sa ginto at napakaganda nito. Inikot ko ang paningin sa hallway at ang ganda rin. Halatang pang mayaman. Kakatok na sila nang may isang guro na nagbukas ng pinto.
“Good morning stude—Louise?”
“Ma’am Ramos?” Nagulat ako nang makita ko siyang nasa Headmaster’s office. Teka, anong ginagawa niya dito?
“Good morning, Magistra.“ Hinawakan ng dalawang babaeng katabi ko ang kanilang palda at yumuko bilang paggalang.
“What are you doing here?” Tanong ni Ma’am Ramos sa akin. Yumuko at hinawakan ang palda ko.
“Magistra, galing po siya sa mundo ng mga mortal at aksidenteng nakapasok sa……. Giant Circle.” Bulong na lang ang pagkakasabi ni Nagi sa ‘ Giant Circle’. Paniguradong hindi pa rin siya naniniwala na nakapasok ako ‘dun.
“Giant Circle?” Tanong ni Ma’am Ramos ngunit nakatingin siya saakin at nakangiti pa. Woah! Creepy!
“Yes, ma’am. Badtrip nga eh.” Kinamot ko pa ang ulo ko. Naramdaman ko na siniko ako ni Nagi sa gilid ko.
‘What?’ I mouthed.
“Respeto. Magistra ‘yan dito. T.E.A.C.H.E.R.” Sabi nito kaya naman humingi agad ako ng tawad. Hindi ko maintindihan, tropa ko nga lang kung ituring si Ma’am Ramos.
“No, it’s okay. Alam ko naman na hindi ka sanay dito. Pumasok muna kayo.” Pinapasok kami sa office pero wala akong nakitang ni isang litrato ni headmaster. Matanda na kaya siya at uugod-ugod?
“Huy,” Siniko ko si Akira pero tinakpan niya lang ang bibig ko.
“Sorry, Louise. Napahamak ka pa ngayon. Malamang kapag nalaman ng mga tao na taga-Earth ka ay malamang, papatayin ka nila. Ngunit natatakot ako na matatagalan pa tayong maibalik ka sa pinanggalingan mo.” Paliwanag ni Ma’am Ramos habang nakaupo sa swivel chair.
“Po? Eh anong gagawin po natin sa kanya? Ipapalabas sa Magical High at gagawing normal na tao sa dito sa Elemania? Alam niyo naman pong mas lalong delikado ‘yun.” Depensa ni Akira. Ilang segundo ring nag-isip si Ma’am Ramos. Pinaikot pa niya ang swivel chair kung saan sya nakaupo. Pagka-ikot nito ay makikita sa mukha niya na nakaisip siya ng magandang ideya. Ngunit, maganda nga ba?
“Gagawin natin siyang estudyante dito.” Sabay-sabay kaming nag-react sa sinabi ni Ma’am Ramos. Ako? Estudyante dito? Pinagloloko ba nila ako?
“Magistra, mahirap po ‘yun.” Sabi ni Nagi habang nakatingin sa akin na nag-aalala.
“No, it’s not. Basta hindi niyo siya pag te training-in at hindi niyo ipagsasabi sa iba ang tungkol dito ay walang makakaalam. Patawarin niyo ako kung hindi ako makakagawa ng paraan. Mahirap maghanap ng sasakyan upang maibalik ka sa Earth.”
“Yung Giant Circle po?” Singit ko pero umiling lang siya.
“Tanging mga taga-Metantei Class lang ang maaaring gumamit nito dahil kailangan ng malakas na vigor corporis o ng enerhiya. O siya, kailangan nyo na umalis dahil aayusin ko na ang mga papeles ni Louise.” Hindi ko na tuloy na sabi ang kanina pa gumugulo sa isipan ko. Hayaan na nga.
“Wow,” Pagkabukas namin ng dorm ay nagulat kami dahil may dalawang maleta ang nandoon at nadagdagan ng isang kama na nakapangalan sa akin. Napakabilis ng pangyayari. Hindi ko maintindihan, gano’n nalang yun? Estudyante na ako dito kaagad?
“Woah.” Nakangangang puri ko dito. Teka! Paanong nangyari ito?!
“Ang bilis! Estudyante ka na nga dito, Louise!” Niyakap ako ng dalawang babae kaya nagulat ako. Hindi kasi ako sanay na may yumayakap sa akin dahil apat na taon na akong walang kaibigan at sila Tita at Tito na lang ang nag-aalaga sa akin.
“Louise, are you okay?” Napakurap ako ng makita kong nakaalis na pala sila sa pagkakayakap sa akin.
“Um, yeah. Thanks.” Natawa na lang sila sa akin at dali-dali akong hinatak palapit sa maleta ko. Nandoon lahat ng pangangailangan ko bilang estudyante. Kumpleto pati na ang pantulog at uniforms. Pati na rin ang mga personal things na kailangan.
Ngunit isa lang ang nagkaroon ng interes sa akin.
Cloak.
“Teka! Bakit ka may cloak?” Tanong ni Nagi at itinaas ang cloak na kapares ng uniporme ng eskwelahan.
“Ang ganda! Bagay ‘to sayo, Louise.” Ika ni Akira sa akin.
“Ang duga, bakit ikaw lang! Huhu.” Pabirong iyak nito.
“Inggit ka lang, bleh.” Biro ni Akira kay Nagi na tinatakpan ang dalawang mata. Isa na talaga akong estudyante dito.
Why am I freaking excited about this? I can’t even imagine that there’s a planet like this.
***
“Bago tayo lumabas ng dorm na ito, io-orient muna ka namin.” Sabi ni Nagi habang nakapameywang na nakatingin sa akin. Nagtaka ako kung bakit kailangan ng orientation sa loob ng dorm. Ang nakasanayan ko, sa loob ng gymnasium nagkakaroon ng orientation. Ngunit special yata ako at mayroon akong sarili.
“Yup! May rules tayo at kapag sinuway mo ‘yun, Friendship Over!” Natawa ako nang sabihin niya iyon.
“Teka, hindi ba kayo papagalitan kapag nalate kayo?”
“Nope! Kahit hindi kami pumasok, it’s okay. Depende sa students kung papasok ka o hindi. Basta ba papasa ka sa exams.” Tumango ako. Sana ganun din sa Pilipinas. Hayahay buhay nila!
“Rule number 1, hindi ka aalis o pupunta kung saan-saan nang hindi kasama ang isa saamin.” Cool na sabi ni Akira habang ipinapaangat ang librong hawak niya. Okay, madali ang number 1. Hindi naman din ako pala-gala, unless… mag-isa..
“Rule number 2, huwag kang makikipag-away sa A Class.” Umangat ang kilay ko ‘dun. I can’t imagine myself na nakikipag-away sa ibang tao. But I want to give it a try, kidding.
“Bakit?” Tanong ko nalang.
“Sa Magical High kasi, may apat na classes. Ang Z Class, tayo ‘yun. Kasama ka na. Kami ang pinaka’mahina’ sa paningin ng mga ibang estudyante dito. M na dapat kami pero hindi kami nakapasa sa training battle! Aish!
Next, M Class. Hindi naman kami forever stuck sa Z class, depende sa galing mo kung nag-improve ka or not. Makakapunta ka lang dito kapag nakapasa ka sa training battle. Mga ka-close namin ang iba dito since dati silang taga Z class.
A Class. Sila ‘yung feeling queen and king sa school. Porke tumaas lang ang class nila ay ang yayabang na nila. Palagi nilang inaapi ang mga katulad nating taga Z Class! Kainis!
Lastly, Metantei Class! Umaapaw ang awesomeness dito!” Pagkatapos noon ay tumili ang dalawa kong kasama. Hindi ko alam na required pala tumili kapag nabanggit ang sinabi nilang, Metantei Class.
“Please enlighten me, guys.” Ika ko.
“Sila ang mga ipinapadala sa mga missions lagi. Ilap lang sila at minsan lang makita.” Tumango-tango ako ng sumagi sa isipan ko ang tao na nakasalubong ko doon sa gitna ng gubat.
Yuck.
Natapos ang orientation at sabay-sabay kaming lumabas ng dorm kasabay ng pagtunog ng kampanilya ng eskwelahan. Lunch break.
“”Yun oh! Sakto! Tara!” Hinawakan ni Nagi ang kaliwang kamay ko at tumakbo patungong Dining Room nang may tao akong nabangga ngunit hindi ko iyon pinansin. Nagpahatak na lang ako nang mabitawan ko bigla ang kamay ni Nagi.
Eh?
Naramdaman kong may pumupulupot sa dalawa kong paa at nakuha nito ang atensyon ng maraming estudyante sa Dining Room.
Dahon.
“That’s for being impudent, stupid!” Siya ang babaeng nabangga ko kanina. Pataas ng pataas ang pagpulupot ng tangkay sa aking katawan hanggang sa aking leeg. Mas lalo pa itong humigpit kaya nahirapan akong huminga.
“Help,” Bulong ko. Sinusubukan kong tanggalin ang tangkay na nakapalibot sa aking leeg ngunit hindi koi to matanggal. Nakikita ko na humihinga ng tawad si Nagi at Akira at yumuyuko pa bilang paggalang. Sino ba siya?
“Please forgive her, miss.” Paghingi ng tawad ni Nagi sa babae ngunit mas lalo pa itong humigpit. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso habang pawala na ng pawala ang aking hininga. Mamamatay na ba ako?
Natawa ang babaeng nagpulupot ng dahon sa aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ko, “Forgive? A class doesn't forgive, Z class.”
“Let her go.” Hindi ko man magawang maidilat ang aking mga mata ngunit pamilyar ang boses na iyon.
My love of my life.
Tumahimik ang buong silid na kanina ay naghihiyawan at nawala bigla ang mga nakapulupot sa akin kaya naman ay bumagsak ako sa sahig.
At ayun ang akala ko.
“Oh jeez.”
“Seriously?”
“I want to vomit.”
Hindi ko naramdaman ang sahig na dapat ay pagbabagsakan ko ngunit dalawang kamay ang pinagbagsakan ko. Ididilat ko sana ang dalawa kong mata nang biglang humangin at napapikit akong muli. Pagdilat ko ay nakita kong nakahiga ako sa damuhan at nakita ko si Hiro na nakatingin sa ilog.
What the hell happened?
“What are you doing here?” Malamig na tonong tanong nito kaya naman napalunok ako. Naalala kong tinanong niya sa akin kung nanggaling ba ako dito o hindi na inakala kong magpo propose siya. Nakakahiya!
Nahilo ako, siguro dahil sa daming nangyari ngayong araw, “I really don’t know, for real. I just found myself stuck here, okay? I’m sorry,” Umupo ako sa damuhan at yumuko. Pinipigilang hindi siya tingnan. Nawala sa isip ko ang nangyari kaninang muntikan ng mamatay at napalitan ito ng kilig. s**t, bakit kasi kausap ko siya? Mabilis akong ma-fall.
“Sabi mo hindi ka taga-dito? Then what the hell are you doing here?” Humarap siya sa akin at lumapit. Hinawakan niya rin ang baba ko upang makita niya ako.
“Ah.. ano, eh, hindi ko alam?” Hindi ako makapagsalita dahil sa kanya. Napakaseryoso ng mukha nito at nakakunot pa ang noo.
“Speak.”
“G..giant c..circle..” Wala sa ulirat na saad ko. Seriously, how can this man be so handsome? The world is really unfair, for real. My other classmates aren’t like that.
“Are you kidding me? Giant Circle? Really? Where did you hear that?” Tumayo siya at tumalikod sa akin, nakaharap sa ilog. Nagtataka pa rin ako kung paano kami napunta dito.
May binulong bulong pa siya ngunit hindi ko na iyon narinig. Matapos niya iyong gawin ay tumingin siya sa akin at muling lumapit sa akin. Yumuko pa siya upang magkatapat ang aming mga mukha.
“Anong sinabi ni Magistra Ra?” Kumunot ang noo ko at nag-isip. May kilala ba akong Magistra Ra?
“Magistra Ra?” Tanong ko. Umiling-iling siya at huminga ng malalim.
“Ma’am Ramos.” Napatango ako. Magistra Ra pala pangalan niya dito, ano?
“Oo. Mahihirapan daw akong makauwi ngayon dahil wala pa si Headmaster at walang sasakyan pabalik ng Earth,” Yumuko ako at ipinagdikit ang dalawa kong hintuturo. Breathe, Louise.
“So, I guess you’ll be a student here for the meantime? I see.” Tumango siya at tinitigan lang ako. Matapos ang ilang minutong pagtitig niya sa akin ay tumikhim siya at tumayo.
“Let’s go. Hinahanap ka na ng kaibigan mo.” Nagulat ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko at nanlaki naman ang mga mata ko.
“H..hiro ‘yung kam—s**t naman!” Muntikan na akong matumba nang hawakan ni Hiro ang baywang ko upang hindi ako matumba.
I was mesmerized by his bluish eyes. Hindi ako makapagsalita sa nangyari.
“My ability, enhanced speed.” Pagkatapos ‘nun ay kumindat siya at binitawan niya ako sabay takbo ng mabilis.
The f**k what happened?
“Louise!” Napatingin ako sa dalawang taong tumawag ng pangalan ko, Akira at Nagi. Ugh! Ang sakit ng balakang ko! Nakakaturn off!
“Anong ginagawa mo diyan sa sahig?” Hinawakan ni Akira ang kamay ko at inangat. Ang sakit talaga ‘nun!
“Wala. Feel maghalikan ng pwet ko at ng sahig eh.” Napairap ako. Bwisit na lalaking ‘yun!
“Ikaw, bakit hindi mo sinabing kilala mo si Hiro?!” Galit na tanong ni Nagi pero pabiro pa rin.
“Nakilala ko sa school. Don’t worry, sa’yo na siya bwisit,” Ang kilig na nararamdaman ko sa kanya ay napalitan ng inis!
“Luh, tara na nga sa Dining Room! Wala ng aaway sa iyo.”
***
“Ang sarap ng pagkain nila, nakakaiyak,” Ika ko habang ngumunguya. Pakiramdam ko talaga ay ito ang pinakamasarap na nakain ko sa tanang buhay ko! Natawa si Akira sa akin na tanging tinapay lang ang kinakain.
“Diet ka, Aki?” Aki nalang daw ang itawag ko sakanya since close na kami.
“No, sawa lang talaga ako sa pagkain nila. Nineteen years kong kinakain ‘yan eh.” Dito na siya lumaki sa Magical High pero Z class pa rin.
Tumango ako at itinuloy ang pagkain habang tinitingnan lang ako nila Nagi at Aki na kumain. Magsasalita na sana ako nang biglang umingay sa loob ng Dining Room.
“Metantei Class!”
Binubuo ng anim na tao ang sabay-sabay na pumasok sa pinto ng Dining Room. Damn, is that the guy I met earlier?
Dahan-dahang lumapit sa akin ang lalaking pinalo ko ng stick at kita ko rin ang benda nito sa ulo. Shoot, dumugo yata.
“You’re dead.” Napatingin ako sa likod niya at nakita ko ang babaeng isa rin yatang Metantei Class na nakataas ang kilay at nakatingin sa amin ng lalaking ito. Patay talaga tayo!
Nasilayan ko rin si Hiro sa isa pang gilid na nakakunot ang noo. Nagtataka marahil kung bakit ako kinakausap nito. Pero, Metantei rin siya?
Bumunot siya ng espada sa likod nito at tumahimik ang buong silid. Siguro’y matutuloy na ang naudlot na pagpatay sa akin kanina. Napatingin ako sa mga katabi ko na takot na takot din. Tiningnan ako ni Aki ngunit tumango lang ako. Ngumiti nalang ako kay Nagi na nakabuka pa ang bibig. Nakita ko rin si Hiro na handang lumapit sa amin ngunit pinipigilan niya ang sarili. Siguro’y ito na nga ang wakas.
Pumikit ako nang maramdaman ko ang espada sa leeg ko, mainit ito at parang umaapoy. Nanigas ang buong katawan ko nang parang nararamdaman kong umiinit na rin ang buong katawan ko. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa aking palda nang diinan niya ang espadang hawak niya sa leeg ko at nang maramdaman kong may tumulong dugo sa kamay ko galing sa aking leeg.
So this is the end.
“s**t,” Napadilat ako nang bigla siyang lumayo at binitawan ang hawak niyang espada. Lumuhod siya at hinawakan ang kanyang pulso. Katulad kanina..
Anong nangyari?
“Saito!” Isang babae ang lumapit sa lalaking nagtangkang pumatay sa akin. Siya ang nakatingin sa amin kanina. Paniguradong may relasyon ang dalawang ito.
Tumingin muli ang lalaking iyon sa akin ng masama habang hawak pa rin ang pulso nito. Dahan-dahan siyang tumayo at kinuha ang espada nito.
“Damn you,” Ika niya bago lumabas ng silid.
Oh no.
***