Chapter 1
‘So baby let’s just turn down the lights
and close the door, ooh I love that dress but
you won’t need it anymore,
no you won’t need it no more,
Let’s just kiss ‘til we’re n***d, baby,’
Hinawakan ko ang buhok ko at inilagay sa kabilang balikat ko upang hindi ako maging mukhang sabog papuntang eskwelahan dahil sa hangin. Kasalukuyan akong nasa loob ng jeep habang nakatingin sa labas at nakatingin sa kawalan papuntang eskwelahan.
Emo lang.
At kasalukuyan ding-!
“Versatsi on da plor! Ooooh, beybeh!” Gumiling-giling pa ang drayber ng jeep habang nakahawak sa manibela at feel na feel na siya si Bruno Mars. Kanina pa siya ganyan. Di ko alam kung bakit.
“Bayad manong!” Sigaw ng babaeng nasa harapan ko at inabot sa isang lalaking katabi ko. Napatingin sa kanya ang lalaking katabi niya at umiling-iling.
“Pati ba naman ikaw nilagpasan ako? Hindi niyo ba nakikita ang pagmamahal ko?” Hugot nito kaya naghiyawan ang mga taong nasa loob ng jeep. Napatingin naman sa kanya ang babaeng nagbayad at inayos ang bag niya.
“Hindi ka kasi gumagawa ng paraan para mapansin kita. Mabuti pa siya, nagkukusa.” Naghiyawan muli ang mga taong nasa loob ng jeep habang ako, pailing-iling na lang. Walang hiya, sumabay pa sa trip.
Napatingin ako sa labas ng dyip at nagulat ako nang lumagpas na pala ako sa school ko. Shoot! Sampung minuto na lang!
“Para po, manong!” Sigaw ko ngunit patuloy lang sa paggiling ang drayber habang kumakanta ng ‘Versace on the floor’ at mukhang hindi ako narinig.
“Manong, tama na! Itigil na natin ‘to!” Sigaw ko na naging dahilan upang mag preno nang malakas at tumigil lahat ang mga tao sa kung ano man ang kanilang ginagawa.
Nakuha ko yata atensyon nila, bwisit.
At ayun na nga, nagsimulang mag hiyawan ang mga tao sa loob ng jeep kaya napairap ako sa kanila. Dali-dali naman akong bumaba sa jeep ngunit hindi pa rin nakaligtas sa aking tainga ang mga sigaw nila.
“Galing mo, miss!”
“May pinaghuhugutan ka ba?”
“Okay lang ‘yan, ate!”
Jusko! Male-late na ako!
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang tarangkahan ng eskwelahan na nakabukas pa. Tumigil muna ako at nakapamewang na tinitigan ang lalaking nasa tarpaulin at ang modelo ng eskwelahan.
‘Hiro Yigiro.’
“Ang gwapo mo talaga. Nakakainis ka,” Kaisa-isang taong nagustuhan ko sa akademya sa loob ng anim na taon. Mas lalo pa akong tumingala upang makita ko ang pangalan ng eskwelahang pinapasukan ko.
‘Winston Academy.’
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa eskwelahan at i-set ang kapangyarihan ko, invisibility. Joke, wala kasing nakakilala sa akin dito at wala rin akong kaibigan dito simula nang mawala ang kuya ko apat na taon na ang nakaraan.
Na hindi ko pa rin alam kung nasaan siya hanggang ngayon.
Lah, drama.
Saktong pagkapasok ko sa akademya ay tumunog ang bell na nangangahulugang pumasok na lahat sa kani-kanilang classroom. Nagmadali ako nang makita ko si Ma’am Ramos na papalakad patungong classroom namin ngunit nagtataka ako kung bakit wala siyang dalang gamit. Kadalasan kasi ay papasok siya sa classroom namin na may dalang maraming libro. Umiling na lang ako sa mga naiisip ko. Papasok na sana ako nang tawagin niya ako gamit ang una kong pangalan.
“Louise,” napatingin ako kay Ma’am Ramos na gulat na gulat. Hindi ko akalain na tatawagin niya ako gamit ang pangalan kong ‘yon.
“Ako po?” Tanong ko at itinuro ang sarili. Tumawa siya ng mahina at umiling.
“No,” tumango ako at tumalikod upang pumasok na sana nang hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Nakakahinga pa naman ako pero hindi ko talaga maigalaw kahit ang kamay ko.
“Ano ka ba, joke lang ‘yun. Ikaw ang kausap ko,” Nakahinga ako ng maluwag nang maigalaw ko muli ang katawan ko nang magsalita si Ma’am Ramos.
“Ah, hehe. Joke pala ‘yun,” Kinamot ko ang ulo ko at yumuko. Wala talaga akong sense of humor kainis. Joker pala si Ma’am.
“Pumasok ka na,”” Ngumiti siya sa akin at unang pumasok sa akin. Naiwan akong nakatunganga sa labas ng silid. Pumasok daw ako pero siya nauna. Okay? Medyo nawe-weirduhan ako kay Ma’am Ramos.
Napakamot ako ng ulo dahil sa nangyari. Medyo lutang pa ako dahil kulang ang tulog ko kakanood ng K-Drama. Papasok na ulit ako sa classroom nang lumabas muli si Ma’am Ramos.
“Oh, Ma’am? May naiwan ka po?” Tanong ko. Nagbabakasakaling may iutos siya sa akin.
“Ah wala, nagpaalam lang ako.”
“Paalam po saan?” Tanong ko. Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.
“Aalis na ako sa Winston, Louise. See you,” Huli niyang sinabi bago lumakad paalis.
Teka, joke lang ba ‘yun?
Napagdesisyunan kong sundan si Ma’am Ramos para alamin kung totoo ba ang sinasabi niya. Kakatok na sana ako sa faculty ng academy nang may humawak sa pulso ko at may humatak sa akin.
“Kidnap-!” Sisigaw na sana ako nang makita ko ang mukha ng taong humahatak sa akin.
My apple of my eye.
The gem of my heart.
Ang icing sa ibabaw ng cupcake ko.
“Are you listening?”
Teka-what?
"A-anong ginagawa natin dito?" Heto na ba 'yun? Luluhod na ba siya sa harap ko tapos sasabihing, 'Will you be my girlfriend?' Magpo-propose na ba siya sa akin? Manliligaw? Teka parang ang OA ko sa part na ‘yun.
"Nanggaling ka ba sa Magical High?" Tanong niya habang nakapameywang. Napanganga ako sa tanong niya. Ang layo ng tanong niya sa naiisip ko. Bakit ganun, may hidden camera ba dito? Baka nagkamali lang ako ng dinig!
"Yes, I do!" Masiglang sagot ko sa kanya habang nakangiti pa ng malawak. Kumunot ang noo niya at pinagkrus ang braso sa dibdib nito.
"Pinaglololoko mo ba ako?" Sumimangot ako at inilagay ang hintuturo sa baba ko. Hmmm...
"Ay magpapaligaw muna ako. Oks lang ba?" Narinig kong nagmura siya at tumingala. Lah, huwag ganyan. Baka mahimatay ako!
"Tsk. Namamalikmata lang siguro ako,” bulong niya. s**t! Napansin niya ako! Invisibility deactivated!
"Ano-teka!" Ngunit nakaalis na pala siya. Tumili ako at nagtatalon-talon. Dream came true! Napansin ako! ‘Yung dating akala ko na invisible ako sa mga tao? Hindi!
"Huwaa-ack." Natapilok ako matapos kong tumalon. Litsing bato, panira ng momentum. Kinuha ko ang naapakan ko pero..
Eh, kwintas?
"Ang cute. Kunyari ito na lang gift sa akin ni Hiro," Isinuot ko ang kwintas na napulot ko nang lumiwanag ito na kasing liwanag ng araw. Napapikit ako sa liwanag at tinakpan ang dalawa kong mata. Sumilip ako ng kaunti nang makakita ako ng isang bilog sa harap ko.
"Patay na ba ako?" Pautal-utal na tanong ko sa sarili. Namatay ba ako dahil natapilok ako? Nabagok ang ulo? Sinaksak ni Hiro?
Kailangan ko na yatang sundan ang liwanag at hanapin si San Pedro kasama ang manok nito.
"Goodbye, world- Oh s**t help!”
***
"Wala bang shortcut patungong langit?" Saad ko kahit nakapikit pa ako habang nakahiga. Mukha akong nag roller coaster ng sampung beses at kapag dumilat ka ay puro liwanag lang ang makikita mo kaya mas pipiliin mong pumikit na lang at pigilang huwag sumuka-
"Aaaack!" Napatayo ako kaagad nang maramdaman ko na masusuka na talaga ako. Pumunta ako sa isang gilid at doon inilabas lahat ng sama ng loob. Joke, suka lang. Teka! Baka bawal sumuka sa lang-!
"Eh?” Napanganga ako nang matagpuan ko ang sarili ko sa gitna ng gubat. Inikot ko pa ang aking mga mata at puro puno lang ang nakikita ko. Nasaan na ang tilaok ng manok? Bakit puro huni ng ibon ang naririnig ko?
“Purgatoryo 'to." Ginulo ko ang aking buhok at pinipigilang huwag magmura. Akala ko diretso na talaga ako sa langit sh-! Shoot the ball lang. Isinuot ko muna ang bag ko at pumili ng stick na nasa damuhan. Nang makapili ako ng maganda-ganda, inihanda ko na ang sarili ko at baka may labanan dito. Mabuti't expert ako pagdating sa arnis.
Naglakad-lakad pa ako ngunit puro puno lang talaga ang nakikita ko. Uupo na sana ako sa isang tabi nang makarinig ako ng mahinang kaluskos. Anak ng! May hayop ba dito maliban sa ibon?
Nasampal ko ang sarili ko sa tanong ko. Malamang, duh. Gubat ito. What do you expect? Puro tao sa gitna ng gubat?
Naglakad-lakad pa ako at yumuko sa damuhan nang makakita ako ng isang pares na paa. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong kinabahan. Patay na! Hinawakan ko ng mahigpit ang stick na hawak ko at ang strap ng bag ko.
Huminga ako nang malalim bago sumugod sa kanya at dali-daling sinipa ang sikmura nito bago paluin ng malakas ang ulo nito. Papaluin ko sana muli ang ulo nito nang sipain niya ang kaliwang paa ko na naging dahilan upang mawalan ako ng balance sa katawan at mapahiga sa harap niya.
And worst,
Our lips met.
Ang cliché ng senaryo na lagi kong nakikita sa movies pero bakit naranasan ko ‘to?
"Walang hiya ka! Ninakaw mo! Magnanakaw ka ng halik! Give me back my first kiss!” Sabi ko sa kanya at pinagpapalo siya. Ulo, balikat, paa, tyan, at paulit-ulit ko 'tong ginagawa ng sakalin niya ako at bigla niya akong inihiga sa sahig.
"What the hell is your problem?!" Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal niya sa akin kaya hinigpitan ko ang hawak sa damuhan dahil hindi na ako makahinga.
“Wait lang.." Nanlalabo ang mga mata ko sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa akin. Ni hindi ko na rin makita ang mukha niya nang lumiwanag ang kwintas ko katulad ng nangyari kanina.. Pati na rin ang kwintas niya.
Kwintas niya?
"Aaack!" Napabitaw siya sa akin at hinawakan ang puso nito na parang hirap na hirap siya. Dali-dali akong lumapit sa kanya at hinawakan ang likod nito. Maya-maya ay tumigil na rin ang p*******t ng dibdib nito. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumingin sa akin at hinawakan ang kwintas ko na hindi pa rin niya pinuputol ang tingin niya sa akin.
"Contract.." Bulong nito ngunit hindi ito nakaligtas sa tainga ko. Constant daw? Ha? Construct?
Ano 'yun?
Magsasalita na sana ako nang mapagtanto ko kung gaano ka gwapo ang lalaking nasa harap ko.
Shit, ang gwapo.
"I will make your life miserable, get ready."
"Ay gwapo!" Sigaw ko nang magsalita siya. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay at tumingin sa kanyang pinapagpagan ang sarili habang nakatingin ng masama sa akin na parang kakainin ako.
Patay kang bata ka, Louise.
Bago pa ako makapagsalita, nawala na lang siya bigla.
"Eh? Ang bilis?" Hanggang sabi ko sa sarili. Ang cool! Paano 'yun? Pero teka, hala nasaan na ba ako? Kaluluwa din ba siya katulad ko? Sayang naman, gwapo pa naman hays.
Kinuha ko ang bag ko at naglakad-lakad muli. Baka may makakita ulit akong kaluluwa. Iniwan ko na lang ang stick ko sa damuhan at baka may mapahamak pa dahil doon. Liliko na sana ako nang may sumitsit sa akin.
"Pst!" Napalingon ako at nakita ko ang isang babaeng naka school uniform tulad ko ngunit halatang taga ibang eskwelahan. Don't tell me namatay din siya sa loob ng eskwelahan?
"Hi!" Sabi ko at kumaway. Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"Anong ginagawa mo pa dito? Ako nga pala si Nagi. Tara!" Nagpahila na lang ako sa kanya. Ang ganda niya. Kulay yellow ang buhok? Cute.
"Teka, asan ba tayo?"
"Ikaw dapat ang tinatanong ko, anong ginagawa mo sa Southwoods?" Tanong niya nang hindi siya tumitingin sa akin. Dire-diretso pa rin siya sa paghila. May mga nakakasalubong din akong estudyante na nakauniporme katulad sa suot ni Nayi ba 'yun? Nari? Ah Nagi, at doon sa lalaking naka-!
Juskopo.
"Uy, bakit ka namumula diyan? Tara takbo na tayo!" Wala akong nagawa kundi magpahila kaysa isipin ang nangyari kanina.
Ang first kiss ko!
***
"Uhm, dinala kita dito dahil tiyak na mapapagalitan ka kapag nakita kang pagala-gala sa Southwoods. Ay! Ano nga palang pangalan mo tsaka," tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ganyan ang uniform mo? Sino ba ang mananahi ng uniporme mo?"
Una, wala akong pakialam kung sino ang mananahi ang uniporme ko dahil libre lang ito sa akademya sa kadahilanang dakilang scholar ako kahit invisible ako. Pangalawa, anong meron?
"Ha? Taga Winston Academy ako." Sabi ko nalang. Kinamot ko ang ulo ko at inilibot ang mata ko sa buong kwarto. Mas malaki ito kaysa sa pipitsugin kong apartment at girly talaga ang design ng silid.
"Teka, Winston Academy? May school bang ganun dito sa Elemania? Pero kung may ganoong klaseng eskwelahan, paano ka nakapasok dito? Hmm, wala namang ganun ah?" Tumingin siya sa akin at ngumiti sabay umupo sa tabi ko.
"Ano palang pangalan mo?"
"Ako si Louise Morales, Grade 12 sa Winston Academy at namatay ako dahil sinaksak ako ng crush ko. Ikaw? Paano ka namatay?" Kumunot ang noo niya at tinitigan ako na para akong isang alien. Sanay na pala ako.
"Anong namatay?"
"Diba dito dinadala lahat ng mga namamatay? Sinundan ko kasi ang liwanag doon sa school na parang bilog tapos tadaa! Purgatoryo na." Napanganga si Nagi sa mga sinabi ko. Err, hindi ba niya naintindihan kung paano ako namatay?
"Um, Louise, isang tanong na lang, taga-Earth ka ba?" Tanong niya ngunit ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan niya. Eh?
"Oo syempre! Ikaw, galing ka sa mars?" Feeling ko kamag-anak 'to ni Ma'am Ramos. Ang galing mag joke. Napansin kong kagat-kagat niya ang kanyang mga kuko habang nakaupo. Para bang may hinihintay mangyari. At may nangyari nga...
"Lindol!" Sigaw ko at yumuko sa ilalim ng lamesa. Imbes na magbagsakan, umangat ang mga gamit sa ere.
Wait what the heck, bakit nakalutang ang mga gamit sa ere?
"Lalalala~ Oh? Bagong roommate natin?" Pakantang pumasok ang isang kulay lila ang buhok at malaki din ang ngiti na nakatingin sa akin.
"Aki," Lumapit si Nagi sa babaeng kulay lila ang buhok at niyugyog ang balikat.
"Ano ba, Nagi. Nagcoconcentrate ako."
"Aki! May mali akong nagawa!" Sabi ni Nagi at patuloy niyang niyuyugyog ang balikat ni Aki.
"Isa pang yugyog ibabato ko lahat ng gamit sa iyo."
"Aki, taga-Earth siya, Aki. Ipinasok ko sa Magical High. Anong gagawin ko?" Napasigaw ako nang biglang nagbagsakan lahat ng gamit sa ere. Lindol nga!
"What?! Papaanong-?! Bawal tayo lumabas ah?! Anong-! Nagi naman!" Sigaw ng babaeng kulay lila ang buhok. Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan at nakapameywang kong hinarap ang babaeng nagngangalang Aki.
"Okay? Paki-explain nga lahat. Out of place na ako!" Iwinagayway ko pa ang dalawa kong kamay upang makuha ang atensyon nila. Huminga ng malalim si Nagi at hinawakan ang dalawa kong balikat.
"Hindi ka patay, nakapunta ka lang sa planeta namin. Kung Earth ang sa inyo, Elemania naman ang tawag sa mundo namin. At ngayon, nandito ka sa eskwelahan kung saan sinasanay ang mga kabataang biniyayaan ng natatanging kapangyarihan at abilidad. Nandito ka sa Magical High," huminga muna siya ng malalim bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "Gets?”
Shit, nasa panaginip yata ako.
***