UNANG GABI
Sa lahat ng pagdiriwang ng mga Pilipino, ang Kapaskuhan ang aking pinakapaborito. Pakiramdam ko, lahat masaya. Kahit ano'ng unos ang pinagdaanan mo, o kahit pa may problema kang dinaramdam, mapapangiti ka sa ala-alang kaarawan na ng Panginoon.
Ang gusto ko tuwing Pasko ay ang pag-aayos ng bahay. Hilig kong mamili ng mga decors na ikakabit ko sa aming munting tahanan. As much as possible, magpapalit ako ng kulay taon-taon! Nakaka-yaman kasi. Pati na rin ang makakita ng mga nag-gagandahang bahay tuwing Pasko ay sobra akong napapasaya.
Ang mga pamasko, s'yempre. Lalo na 'yung mga bata na umaga pa lang ay kumakatok na sa mga bahay ng kanilang mga ninong at ninang. Pero ngayong bente dos na ako, wala na. Magtrabaho na daw ako. Haha!
Isa pa sa lagi kong inaabangan ay ang Simbang Gabi! Namulat ako dito nang bitbitin ako ng ninang ko noong nabubuhay pa siya sa simbahan malapit namin at magkasama kaming nagsisimba. Hanggang sa ngayon ay nadala ko ang tradisyon na iyon.
Dalawang klase pala 'yan: ang Simbang Gabi at ang Misa de Gallo. Ang Simbang Gabi pala ay iyong anticipated mass para sa kinabukasan na madaling araw na Misa de Gallo. Basta ang importante, pareho silang misa at nobena sa pagdating ng Panginoon. Pero mas hilig ko 'yung sa madaling araw dahil sobrang lamig. Kahit nasa Manila ako ay feeling ko nasa Baguio ako kaya nailalabas ko ang mga jacket ko.
Tumunog na ang kampana ng simbahan senyales na malapit na ang oras ng simba. Alas-kwatro ang simula ng misa at alas-tres y media kumakalembang ang kampana. Naghilamos na lang ako at toothbrush. Ang pang tulog ko ay pinalitan ko ng dark jeans at pull overs. This season is the pull over season. Kasi napaka-init naman sa bansa natin. I always try to wear my most comfy outfit at maluwag. Lalo na't chubby-chubby pa man din ako.
Sinuot ko ang glasses ko at humarap sa salamin. Inayos ko lang ang buhok ko sa isang side. Kumuha ako ng karampot na lip tint na pinahid ko sa aking labi. Para hindi lang maging pale.
Malamig na hampas ng hangin ang sumalubong sa akin pagkalabas. May mangilan na ring mga naglalakad patungo sa simbahan. Balak ko sana pumara ng tricycle kaso marami naman kami kaya sumabay na lang ako.
Maliwanag ang b****a ng simbahan. Ang mga puno sa paligid nito ay may mga nakasabit na Christmas lights. Sa gitna ng parking space ay may nakatayong Christmas tree na gawa lahat sa parol. Ang mga arko ng simbahan ay may mga dekorasyon din at ilaw.
Naghanap ako agad ng pwesto pagpasok ko sa loob. Masuwerte't may nahanap ako dahil mabilis na napuno ang simbahan. Sa may likod na ako pumwesto para kita ko ang lahat sa unahan. Maganda ang ayos ng simbahan ngayong taon. Kahit na parehong materyales ang gamit ay naiiba ng istilo at nadadagdagan.
Ayon sa mga kasabihan, kapag nakumpleto mo ang nobena ay matutupad ang kahilingan mo. Noon, lagi akong may wish. Pero ngayong nagka-isip na, parang hindi naman totoo. Dapat talaga tinatrabaho ito. Pero may wish pa rin ako—na sana sa susunod na Pasko ko hindi na malamig. Sana may kasama na akong mag-simba. Haaay.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang misa. Lahat ay masigla sa pagsisimula ng misa. Nakakabuhay ang pagkanta ng choir sa mga awitin. Ngunit sa pagdating ng Homilya ay nakakakita ako ng iilan na hindi mapigilang humikab. Maiintindihan mo naman, alas-kwatro naman ng madaling araw.
Sa likot ng mata ko ay nakahagip ako ng isang nilalang. Nasa aking kanan siya at nakatayo sa siksikan ng mga tao. Inilingon ko na ng tuluyan ang ulo ko para makita siya ng maayos. Suot niya ay isang dark blue hoodie. Ang buhok niyang nakabagsak lang sa kanyang noo. Kaya he kind of looked like a Korean star. Sa side pa lang ay kapag lumingon alam kong isa siyang 'ulam'.
Natapos ang misa at agad akong lumabas ng simbahan. Nakipag-unahan ako sa mga taong kasabay kong lumabas. Kailangan ko siyang masipat kung tama ang hinala ko!
Ngunit ang binatang naka-hoodie ay naglaho na lang na parang bula dahil sa agos ng mga tao. Kahit nga na akong nakatayo lang at hinahanap sa mga mata ang lalaki ay natutulak.
Bukas, magpapahuli ako para magkita kami nang malapitan.
PANGALAWANG GABI
Tinititigan ko ang bawat galaw ng mga kamay ng orasan. Ngayon ay sasadyain kong mahuli sa misa para kung sakali lang naman, makita ko na siya ng malapitan.
3:50 na. Sinuot ko ang jacket at lumabas na ng bahay. Kaunti na lang ang mga kasabay kong maglakad dahil marami nang nauna. Hindi naman ako nagkamali, puno ang loob ng simbahan. Ang labas ay napuno din ng mga magsisimba.
Pinilit kong makasingit sa may b****a ng pintuan ng simbahan. Hindi bale nang siksikan, basta makapwesto doon para kung sakali ay may surprise sa aking tabi.
Nagsimula ang misa kasabay ng malamig na ihip na hangin. Hindi na napigilan ng katawan kong manginig sa ihip na iyon. Tahimik na kaming nakatayo doon nang maramdaman kong may mga umusog. Tumigil iyon sa aking tabi. Nilingon ko iyon at siya nga ito! Mabilis ko lang siya pinasadahan ng tingin baka isipin niyang may gusto ako sa kanya.
Well, baka nga. Hehe.
Sa mabilis na pagsilip ko sa kanya ay nakita ko na ang kabuuan ng kanyang hitsura. He looks perfect to me. Maputi siya. May katangusan din naman ang ilong pero hindi masyado. Sa puti niyang iyon ay nangibabaw ang pamumula ng kanyang labi. Tama lang din ang haba... ng pilik mata niya. Ang itim niyang buhok ay nakabagsak sa kanyang noo.
In short, isa siyang papi.
"Magbigayan po tayo ng Kapayapaan sa isa't isa." Ani ng pari.
Nagbigayan na ng kapayaan ang mga tao sa aking paligid. Una akong tumingin sa aking unahan. Sumunod sa aking kanan. Pati sa aking likod ay nakipag-peace din ako. Lakas loob naman akong humarap sa aking kaliwa kung saan naroon si pogi.
"Peace."
I'm surprised that he actually looked at me and send me his peace. Bahagya din siyang ngumiti sa akin pero mabilis lang. Palihim na lang akong napangiti at napasabing, 'Selemet, Lord.'
Hanggang sa maka-uwi ako ng bahay, hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Sa tagal kong nagsisimba sa aming parokya, ngayon ko lang siya nakita. Tuwing Linggo ay nasimba naman ako pero ngayon ko lang nakita ang gano'ng mukha. Sawa na nga ako sa mukha ng mga nakakasalamuha ko dahil hanggang paglaki ko ay sila at sila din ang nakikita ko. Ngayon, bagong mukha.
Nakangiti ako habang nakatulala sa kisame. Iba ang dulot sa akin ni kuya.
PANGATLONG GABI
Huling sulyap na lang ang aking ginagawa sa harap ng salamin. Aagahan ko ngayon dahil napagtanto kong ang hirap pala tumayo ng isang oras. Makikita ko pa naman din 'yon kahit naka-upo ako. Palabas na ako ng bahay nang makarinig ako ng malakas na buhos ng ulan. Binuksan ko ang bintana at ayon, malakas ang ulan.
"Panira naman!"
Mababasa ang sapatos ko nito kahit magsapatos ako. Kinuha ko ang foldable umbrella at umalis na. Sagabal talaga itong ulan. Kahit na gustong-gusto ko na umuulan dahil malamig, ayoko ito kapag may lakad ako. Nakakasira. Lahat ng kasabay ko ay nakapayong kaya naman nang makapasok ako ng simbahan ay medyo basa ang sahig. May mga marka din ng mga sapatos na nagkalat. Ipinagpag ko muna ang payong at saka itinali ito.
Mabilis na nasipat ng mga mata ko si 'kya pogi' na nakatayo sa may bandang gilid. Matao na rin sa pwesto niya pero isiningit ko talaga ang sarili ko.
"Excuse me. Makikiraan." Ani ko.
And I succeeded reaching his spot. Pero hindi naman ako masyadong nagpahalata dahil may isang tao pa na nasa pagitan namin. At hindi naman nila ako o niya mahahalata na sinusundan ko siya dahil hindi ako gano'n ka-loud manamit. As in, shirt, poloshirt, and pants lang. Pero SexBomb Aira kapag nalalasing.
"Dapat parati tayong magmahalan kahit hindi araw ng Pasko." Pagtatapos ng pari sa kanyang Homilya at tumayo na ang lahat.
I'm trying to look at him using my peripheral but he is seriously having his attention to the mass. Napapakurap na lang ako. Cute niya, eh.
Basa ang kalsada nang lumabas kami ng simbahan. Kahit pa siksikan maski sa paglabas ay nakuha ko pa siyang sundan. Ang stalker ko! And to my surprise, pareho pala kami ng dinadaanan! Lumiko nga lang siya sa ibang kanto.
Hindi ko alam kung ano ang nalanghap ko't napasinghot ako ng paulit-ulit. Nangati ang ilong ko. At sandali pa'y bumahing ng pagkalakas-lakas.
"Achoo!"
Napatakip ako ng aking bibig. May sumamang hindi dapat sumama. Mabilis kong kinapa ang aking bulsa sa harap. Kailangan ko ng panyo. Pero wala doon. Maging sa aking bulsa sa likod ay wala din. Hindi ako umaalis ng bahay nang walang bitbit na panyo.
Tumalikod ako't nagbabakasakaling nalaglag ko lang ito sa aking nadaanan. Humakbang ako ng ilan at mula sa aking kinatatayuan ay wala naman akong makita na panyo.
Dismayado ko na lang na ipinahid sa aking damit ang sipon. Nakakadiri man pero wala naman akong magagawa. Hindi ko na din tuloy nasundan si Pogi.
"Sa'yo ito?"
Isang boses ng lalaki sa aking likod ang nagsalita. Lumingon ako at sa hindi inaasahan, siya ito! Si Pogi! Nakalahad ang kanyang kamay sa akin hawak ang nawawala kong panyo.
"Ah, oo. Sa akin nga ito." Kinuha ko ang panyo sa kanya. Maliit ang ngiti niya sa akin. At mas pogi siya tignan!
"Salamat." Pahabol ko.
Tumango naman siya bago ako talikuran at lumakad na sa akin palayo. At naestatwa na ako. I got the chance to see him much closer. His eyes, lips, nose, his gentle face. Palihim na lang akong napapangiti at hindi ko na namalayan na mahigpit na ang pagkakahawak ko sa panyo.
Sa tagal na nahimlay nitong puso ko, tila muli siyang titibok-t***k.
PANG-APAT NA GABI
Ngayon ay mas na-excite akong magsimba. Para baga kaming may koneksyon ng dalawa kapag nagkita. 'Yung tipong mag-ngingitian o magtatanguhan. Pero tumatakbo lang sa isip ko habang naglalakad ako ngayon patungo sa simbahan. Kalimitan kasi kapag naiisip ko, madalas hindi nangyayari. Nagiging unexpected.
Hopefully, unexpected nga.
Pagpasok ko pa lang sa simbahan ay agad ko na siyang natanaw. Iyon kasi ulit ang sinuot niyang jacket noong una ko siyang nakita. Sa bandang likod na upuan siya naka-upo. Dahil puno na sa kanyang hilera ay doon na ako sa kanyang likod. Kasya pa ang isa kaya naman sumiksik na ako doon.
Bago pa man magsimula ang misa ay nilabas ko muna ang phone ko at kinunan ang altar. S'yempre nakukunan ko din siya dahil katapat ko lang siya. Nakafocus ang kanyang likod habang blurred background ang altar. I-edit some color corrections and posted on my i********: with a caption, 'I hope His purpose prevails.' From my favorite Bible verse.
After, I put all my attention during the mass. Especially sa 'peace be with you' that I looked forward, hindi naman ako nagtagumpay. Tumalikod siya para magbigay kapayaan sa mga nasa likod. Nang magtama ang mga tingin namin ay I smiled a little and gave him a peace. Sumagot din naman siya. I felt some electricity with that simple gesture.
Sa apat na madaling araw ko nang pagsimba ay hindi pa ako nakakabili ng puto bumbong at bibingka. Blockbuster ang pila kaya tinyaga ko ito. Umabante ako sa harapan ng tindahan at sinabi ang aking bibilhin.
"Ate, magkano bibingka at puto bumbong?"
"Singkwenta ang bibingka. Trenta naman sa puto bumbong." Sagot ng tindera na nagpa-paypay ng kanyang mga niluluto.
"Sa'yo?" Tanong naman niya sa aking katabi.
"Isang bibingka lang."
Pamilyar ang boses noong sumagot. At nang tignan ko kung sino ay si Pogi pala ito. Nakatingin naman siya sa mga paninda kaya hindi niya napansin na sinulyapan ko siya.
Ilang minuto lang ang aking itinagal ay nakuha na namin ni Pogi ang aming mga pinamili. Binigay ko ang isang daang piso sa tindera na kanya naman sinuklian. Nagtataka lang ako na tila kinakapa ni Pogi ang kanyang sarili. Ang bulsa sa likod at sa harap. Nakatingin lang sa kanya 'yung isa pang tindera na naghihintay ng kanyang bayad.
"Bayad mo?" Nagsungit na ang tindera.
Nag-aalala na siya at mukhang nawawala ang kanyang wallet.
"Kung hindi ka makakapagbayad, akin na 'yan! Madami pang naghihintay."
Walang anu-ano'y nag-abot ako ng singkwenta sa babae.
"Bayaran ko na ho." Sabi ko sa ale.
"No need. Isosoli ko na lang." Akma pa niyang isosoli ang binili ngunit nakuha na ng ale ang perang inabot ko.
Siningitan na ako ng ibang bibili kaya umalis na ako. I know that he will follow and thank me kaya naglakad ako with my puto bumbong and bibingka.
"Wait!"
See? He followed. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon. He's catching his breath dahil sa mabilis na pagtakbo. Bitbit niya pa rin ang binili niya, na technically, binili ko.
I looked at him.
"You didn't have to pay that." Aniya.
Maliit naman akong ngumisi. "It's okay. Take it as an early Christmas gift from me."
"No. I will pay you!"
I gave him a shrug look.
"I seldom treat people in my life. So, lucky you."
Mukhang natalo na siya sa aming argumento kaya napa-isip ng kung ano pa niyang sasabihin. Kapag nangisi siya ay lumalabas ang dimples niya. It oozes his appeal.
"Okay... Uh, I'll treat you? Tomorrow?" He asked.
"Ayos nga lang. I'm not asking for any return."
"Take it as my thank you. Please..."
He's waiting for my answer. And it's an absolute...
"Alright, fine. Kung iyon ang ikapapanatag ng loob mo." Tumango na rin siya sa akin. I walked my way home, smiling. And I cannot wait for tomorrow.
PANGLIMANG GABI
Kadalasan bago ako magsimba ay hindi na ako naliligo sa madaling araw. Sa gabi na kasi para magbibihis na lang. Ngayon naiba ng kaunti ang sistema. Pinapatuyo ko ng towel ang aking buhok. May kalahating oras na lang ako para mag-ayos. Nakabihis naman na ako.
I tried to dress at my best. I chose my navy blue polo and white cardigan. My denim jeans and a pair of sneakers. Ang porma ko. Ngayon lang 'to. I seldom use my Jo Malone but today is an exception. Nag-spray ako nang kaunti sa aking leeg, sa aking pulso, at sa aking katawan. Kaunti lang para hindi masakit sa ilong.
I took one last glance in the mirror and I'm good to go.
Tumayo ang lahat nang matapos ang Homily. Nagtataka akong hindi ko pa siya nakikita. Nakatayo na nga ako sa labas pero wala pa din siya. Pinaghandaan ko pa naman ang umagang ito tapos pinaasa lang pala ako.
Natapos na't lahat ang misa pero wala. Nagpalakpakan na ang mga tao kasabay ng kanilang paglabas. Sumabay na ako sa mga lumabas kasama ng umasa kong diwa. Hindi rin pala siya sincere sa panlilibre niya. Kung hindi niya lang din pala ako kayang ilibre, sana hindi na lang siya nagsabi.
Pero nawalan siya ng pera. Asus, ba't ba hindi ko naisip 'yon. I should have remembered. Wala siyang pera. At wala na rin siyang pamasahe papunta ng simbahan kaya wala siya ngayon dito.
Ngunit habang naglalakad ako palabas ng gate ay taliwas sa mga naiisip ko ang nakikita ko. Naka-abang siya sa gate. Nakita naman niya agad ako kaya bahagya akong napangiti at lumapit. Simpleng white shirt at gray jogger pants ang kanyang suot. Hindi nga lang nakikita ang sinasabi nilang, 'mens best art' sa kanyang pantalon.
"Tara na?" Bungad niya.
"Hey, you don't need to do it. I understand you're thankful but I think it's better for you to keep it. Lalo na ngayon at nawala ang wallet mo."
May dinukot siya sa kanyang likod at inilabas niya ang isang wallet.
"It was just on the doorstep."
Mahina naman akong natawa at nakangisi siya.
"Fine. Let's go."
I had the most silent moment in my life. Kahit may mga kasabay kaming naglalakad ay tahimik lang kami. Hindi nag-iimikan. Marahil ay nahihiya kami sa isa't isa. Sinusundan ko lang siya hanggang sa tumigil kami sa isang paresan.
Sa pangdalawahang lamesa kami naupo. Nakatingin sa ibang direksyon habang naghihintay ng aming order. His hand were intertwined and mine were tapping the table. I wanted to break the ice!
Nilahad ko ang kamay ko sa kanya.
"Uh, Noel."
Tinignan niya ito at ako. Ngumiti ako. And he reached for it.
"Gabriel. But Gab will do." And we shook hands.
Binitawan na namin ito at sinubukang alisin ang hiya sa amin.
"Taga saan ka nga pala?" Tanong ko sa kanya.
"Sa Suntrust Parkview."
Oh, sa may condominium. Isang sakay din iyon patungo sa simbahan.
"You?"
"Sa may Don Mariano. Malapit lang sa simbahan."
Tumango naman siya. Tila hindi siya interesado sa akin. At ako lang ang interesado sa buhay niya. Dumating na sa aming harapan ang pares na umuusok pa. Ang kanin ay may fried garlic pa.
"Sarap ng breakfast!" Ani ko at inihalo ang pares sa plato ng kanin.
"Kumakain ka ba dito lagi?" And he finally asked.
Tumango ako habang nginunguya ang pagkain.
"Oo. Paborito ko din kasi dito. Pero noong isang linggo pa ang huli kong kain dito kaya medyo na-miss ko din."
He nods while chewing.
"Ikaw? Kumakain ka din ba dito?"
"If time permits, I try to."
"Why? What do you do?"
"I'm a customer service representative from a BPO company."
"Buti hindi ka graveyard."
Tumango-tango naman siya. "I'm on a morning shift. Kaya after ko dito ay diretso na ako sa trabaho."
Oh. Ang tipid niyang sumagot. Kahit hindi na niya tanungin, magshe-share na lang ako.
"AdProm Coordinator naman ako sa isang TV network. Mahirap, exhausting, but it's really fun kasi I got to see the reality behind our TVs. You know, the shows..." Nagpatuloy pa ako sa kwento but he seemed kind of unattended. Marahan lang ang kanyang pagsulyap habang kumakain.
Then I asked him, "Masaya ka naman ba sa work mo?"
Uminom siya ng tubig. "Yeah. I mean, it's kind of really hard but things get better when you get used to."
Ako naman ang tumango. "Good for you. Because I know a few people na hindi tumatagal sa ganyang trabaho. Maybe because of the time, the payroll, I don't know..."
Tumigil ako dahil sinilip niya ang orasan sa aking likod. Pati ako ay napatingin. Bente minuto na lamang at sasapit na ang alas-sais. May liwanag na din sa paligid.
"I'm sorry but I really have to go." He gathered himself at sabay na kaming tumayo. He lends his hand to me. "It's a nice chat with you, Noel."
Inabot ko naman ito. "No worries, Gab. See you when I see you."
Tinaas baba naman niya ang kilay, ngumisi at saka sabay na namin nilisan ang Paresan. Nakatayo lang ako sa labas habang siya'y mabilis na naglalakad.
PANG-ANIM NA GABI
Matiim kong pinapakinggan ang Mabuting Balita mula sa pari. Gayon din si Gab na aking katabi. Hindi naman kami muling nag-usap na sabay dumating ngunit nagkataon naman na nangyari ito. At ngayo'y nakatayo kami sa labas ng simbahan dahil hindi na namin na-umpisahan.
Dumiretso kami sa isang parke na malapit sa simbahan. Doon ang puntahan ng mga tao pagkatapos ng misa. Kahit may kadiliman pa ay nagliliwanag naman ang paligid dahil sa mga Christmas lights. Ang mga puno ay sinabitan ng mga ilaw. Sa gitna kung saan may fountain na hindi na binubuksan sa matagal na panahon.
Sa isang bakal na bench kami nakapwesto sa ilalim ng isang poste ng ilaw. Parehas naming nilalantakan ang mga biniling bibingka.
"Araw-araw naman may nagbebenta ng bibingka pero iba pa din talaga kapag sa labas ng simbahan mo ito binili." Puna ko at kumain.
Tumango naman siya. "It tastes better because of the charcoal."
Ibinaba ko muna ang kinakain ko at uminom ng tubig. Dahil may napansin ako,
"Hindi ka ba magmamadali?"
Tumaas ang dalawa niyang kilay habang ngumunguya.
"Kahapon kasi nagmamadali ka. Ngayon, kampante ka lang na kumakain at walang inaalalang trabaho sa loob ng ilang oras."
Lumunok naman siya bago sumagot.
"Last day ko kahapon sa trabaho."
That surprised me. "Really? Ngayong Pasko talaga?"
"Yup! It doesn't bother me because nakuha ko na ang 13th month at Christmas bonus." Ngisi niya at muling kumagat.
"Mapera ka pala ngayon, ha. Dapat pala sa buffet na lang tayo kumain." Loko ko.
"There will be next time, I think." Kinuha niya ang bottled water niya at uminom. "How about your work? The holiday is a no-no when you have daily shows to work on and stuff like that."
"I actually need to work later to finish a few more. Halos lahat naman na ng shows na hawak namin ay wala ng problema. Nakapag-tape na ng advance, bakasyon na ng mga artista. Dadagsa na lang 'yan pagkatapos ng New Year."
I took my last bite sa bibingka.
"You? Why did you resign?"
"Ayoko na, eh." He said with a blank expression. Pero kumakain pa din siya. It means he doesn't care.
"My whole body is a mess for two years. Switching schedules, broken body time, bad habits, mga firsts. Madami akong babaunin na sakit nang dahil doon." Mahina siyang tumawa.
Ipinatong ko ang braso ko sa sandalan ng upuan.
"Firsts? Like, what?"
"First time to smoke weed." He stopped and think.
"First time to one nightstand. First time to a threesome. First time to—"
I had to cut him. "That I didn't expect."
"What? People our age are compulsive. Adventurous. We always try something new at least once." Pagtatanggol niya pa.
"Don't count me in. I'm not part of the 'people' you are talking about."
Tinignan niya ako at uminom sa kanyang bote.
"It was just a joke."
Nang makuha ko ay napatawa niya ako. This man is making me crazy. That kind of humor is making me want him. To know him.
"Care to explain why you are not part of that 'people' I was talking about." Tanong niya.
Naubos ako sandali dahil may bumara sa lalamunan ko.
"Kasi hindi naman dapat lagi mo sinusubukan. Oo, masaya maging adventurous pero sa tamang lugar. Sa tamang pamamaraan. I was raised in a traditional Filipino way. 'Yung bawal sa ganito, ganyan. Magdasal bago matulog. Magsimba tuwing Linggo. Bawal magpula kapag pupunta sa lamay. Bawal magkaroon ng boyfriend habang hindi pa nakakatapos ng pag-aaral. So on, and too many to mention."
He is looking at me stunned.
"Why? May nasabi ba akong hindi maganda?"
"You were saying na magbawal kang—"
I get. Natawa na lang ako dahil masyado akong naging mapusok at madaldal. Tumigil siya dahil sa pagtawa ko.
"Yup, bawal pang makipag-boyfriend. Makipag-relationship."
"So you're gay?" Tila gulat siya na hindi lang pinapahalata.
"I definitely am."
He was just looking at me. Hindi siya siguro inaasahan na isang homosekswal ang nasa harapan niya ngayon.
"And please don't give me that look. You're not my type." Ngumisi ako at kumagat sa bibingka.
"I was just surprised. And cool with it." Siya naman ang natawa sa pagbalik niya sa kanyang senses.
"My gender expression kasi is male. Bading pero nagdadamit panglalake. It's different from what is a crossdresser, androgynous. That's for another topic."
Tumango siya habang umiinom sa kanyang bote.
"Thanks for that trivia. I gain another knowledge from you."
"Really? Sa call center maraming kagaya ko, ah."
"I don't really care about my environment. Mayroon siguro pero hindi ko naman napapansin. I'm not really curious about their sexuality. I just go there to work."
Itinapon namin ang mga pinagkainan namin at naglakad na. Bahagya nang lumiliwanag ang kalangitan at ilan na ring mga tao ang aming nasasalubong na nagja-jogging.
Nakapamulsa kami sa aming mga pantalon habang naglalakad.
"Ilang beses mo na bang nakumpleto ang Simbang Gabi?" Tanong ko sa kanya.
"Ngayon ko pa lang nasubukan mag-Simbang Gabi."
"Balak mo din itong buoin?"
Tumango siya.
"So, ano'ng wish mo?" Tanong ko sa kanya. Sa pagtanong kong iyon ay bigla akong napangiti sa wish ko.
"Ako kasi ang wish ko na sana maging maayos at masaya lang ang pamilya namin. At saka sana mayroon na rin akong kasama na magsimba tuwing Linggo. Nakakatamad din kasing mag-isa na lang ako lagi."
I paused my talking and looked at him. "Ikaw, ano'ng Christmas wish mo?"
His dimples appeared again when he grinned.
"World peace."