PANGPITONG GABI
From what happened this morning, malabong magkita na ulit kami ni Gab. A man like him won't like to be associated with a gay like me. And it's fine. Nang banggitin ko din iyon sa kanya ay inaasahan ko nang magkakaroon na ng distansya sa pagitan namin. Kahit pa sabi niya'y 'cool' lang siya doon.
I accept it. Reality sucks. Society sucks.
But there's something I think will put us in a pedestal. Kapag inamin kong unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. And for f**k's sake, he is definitely my type of man.
Ilaw araw na lang at malapit na ang Pasko. At wala pa din akong regalo para sa mga inaanak at pamilya ko. Kaya naman hapon ay tumungo na ako sa mall na malapit sa amin. Marami ako ngayong kasabay na nag-Christmas shopping. At rush pa kaya madaming tao ngayon.
Nasa men's section ako para tumingin naman ng regalo para sa sarili ko. Tinitignan ko ang isang relo na matagal ko nang nais bilhin. Nakayuko ako habang sinusulyapan ito.
"Kunin niyo na po, sir. Last pieace na po 'yan."
Shit. I really need to get this. Tumuwid ako para tignan ang wallet kong pamasahe na lang ang laman dahil naubos na ang cash ko. Pero sumilay naman ang credit card kong hindi ko magamit-gamit. Sobrang pagtatalo ang naglalaro sa akin.
"Pasko naman. Regalo mo na 'to sa sarili mo." Bulong ko sa sarili ko't bumaling na sa sales lady.
"Kukunin ko na, miss."
And there. Kinuha na niya ito at binalot. I am really having this. My guilty pleasure.
"That's a luxury gift for someone special." Komento ng isang boses lalaki sa aking likod. Lumingon ako para makita ito.
Si Gab!
"Wala daw boyfriend pero bumili ng relo." Kantyaw niya.
"Silly you! Para sa akin 'yan." Kinuha ko na ang paper bag na pinagsilidan ng relo sa babae at lumakad na.
"And I won't buy anything expensive for someone. Kahit pa partner ko 'yan." I said. Sinuri ko siya at wala siyang dala ni isang binili. Samantalang ako, paper bags mula sa iba't ibang brands ang hawak ko.
Ang mga inisip ko kanina tungkol sa pag-iwas ay napatunayan kong mali. He is really a cool guy.
"Oh, wala ka pang nabibili?"
"Nah. Wala naman akong reregaluhan."
"Parents mo? Kapatid?"
We reached the cashier line and I didn't even receive any answer from him.
Ngayon ko lang napansin na naka-green v-neck at tokong ang suot niya. Tsinelas lang din ang sapin niya sa paa.
"Saan ka na?"
Ngumuso siya at luminga-linga.
"Will just roam around. See you later, bud!" He tapped my shoulder at iniwan na ako sa pila. He's so unexpected.
Buong misa ay magkasama pa rin kami ni Gab. Kahit nakakangalay tumayo ay isinakripisyo ko para lang may kasama siya. Tumayo lang ako sa kinauupuan ko dahil nakatayo siya. Habang naglalakad kami ay may inilabas siyang car remote. Nang pindutin niya iyon ay bumusina ang isang itim na Wigo sa aming harapan.
"Aba, may kotse ka pala."
Binuksan niya ang pintuan ng magmamaneho.
"Hop in. ihatid na kita sa inyo."
Ako naman itong excited na umikot upang maupo sa tabi niya sa harap. Nag-seatbelt naman ako habang inilagay niya sa likod ang biniling bibingka.
"Mukhang nagustuhan mo 'yung bibingka ah." Ani ko.
Inikot niya ang manibela para umatras at makalabas kami sa parking.
"Yup. That rice cake is really good." Inabante niya ang kambyo at marahan lang kaming umabante dahil na rin sa mga taong naglalakad.
"Bago itong sasakyan mo?"
"Mga isang taon na ito sa akin."
"Bago pa nga." Tahimik ko na lang na inamoy ang mabagong scent ng kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung pabango niya ito o air freshener niya.
Binuksan niya ang radyo para kami'y may tugtog.
"Wala ka bang sasakyan?"
"Meron, for family use."
"'Yung para sa'yo?"
"Pinag-iipunan ko pa. Hopefully next year mayroon na."
Patuloy lang kami sa usapan na pa-iba iba ng topic habang tinatahak ang daan pauwi sa amin.
"Oops. Dito na tayo."
Pumarada siya sa aming gate. Itinigil niya ang sasakyan at in-unbuckle ko na ang seatbelt.
"Kape ka muna sa loob?" Aya ko.
Ngumiti lang siya. "Hindi na. Matutulog na lang din naman ako pag-uwi."
But I won't give up. "Then I'll prepare tea. Pasasalamat ko lang din dahil hinatid mo ko."
I think I won the battle. He paused for a second and nod. Nauna na akong lumabas para buksan ang maliit naming gate. Narinig ko ang pagsara niya ng pinto ng kotse.
"Pasok!" I opened the mini gate for him bago ni-lock ito nang makapasok siya.
Ilang hakbang ay nasa pintuan na kami ng bahay. Sinusian ko ito at nang mabuksan ay binuksan ko ang isang ilaw sa may sala.
"This is my humble home." Sabi ko at pumasok na kami nang tuluyan.
Our bungalow house is fully decorated. Inilabot niya ang paningin niya sa aming tahanan.
"I'm sure you did all these." He commented.
"Kapatid ko ang may gawa nitong lahat. But with my help, of course."
We headed to the kitchen. Naupo siya sa stool sa may kitchen counter. I prepare ourselves some tea. Nagsalin ako mula sa termos at ibinabad na doon ang tea bag.
"Thank you." Sabi niya nang inalapag ko ang tasa sa aming harapan.
"You want some honey? It's much better with honey."
"Yes, please." Tumango siya kaya tumayo ako naglabas ng honey. Nilagyan ko ang aming mga tasa at itinabi ang bote ng matamis.
Kalansang ng kutsaritang humahalo sa aming tasa ang bumalot sa paligid. Tahimik lang namin na hinahalo ang honey sa tsaa.
"Hindi ba magigising ang pamilya mo?" He broke the silence.
"Late pa sila magsisi-gising."
Inangat ni Gab ang kanya tasa. Hinipan niya muna ang tsaa bago himigop. Napapikit siya sa dumaloy na init ng tsaa sa kanyang lalamunan.
"Is it good?"
Tumango siya. "Lemon and honey is a good combination, I must say."
I smiled before gulping my tea.
"Matagal na kayo dito?"
"Oo. Mula noong ikasal ang parents ko. Dito na sila noong bumukod sila."
He was looking at a portrait in the wall. Ang dingding kung saan naroon ang kwarto ko. Elevated ang mga kwarto namin. Mga tatlong hakbang lang ito.
"Who made that painting?"
"It's a gift. But I think it's a Valentino Santiago. Do you know him?"
He shrugged.
"He's a young painter. Also a businessman. His paintings are unusual. Maganda ang pagkakapintura. And the stories behind it... ugh."
I was just educated by a friend who gave me that painting. Ang narinig ko'y hobby lang nito ang pagpipinta dahil isa itong businessman. Masyado na rin siyang mayaman para i-benta pa ang mga obra niya.
"I had a few paintings at home. Binibili ko sa mga naglalako ng paintings. Naaawa kasi ako sa kanila kaya to help, binabawasan ko ang mga bitbit nila." He then sipped another.
We chat a couple of topics before I led him outside the house. We even exchanged numbers which I am surpised. Siya pa ang humingi ng numero ko. Maliwanag na at magigising na rin ang mga tao sa bahay.
"Thanks for the tea." Sabi nito nang buksan niya ang pinto ng sasakyan.
"No problem, man. Basta ikaw."
I pat his shoulder before he went back inside his car and drove home.
PANGWALONG GABI
I was lying on my bed watching some Netflix series. Nagpapa-antok na lang ako dahil maaga pa ulit akong gigising mamaya. The room is filled with cold air dahil sa hangin sa labas. Hindi ko na tinangka pang buksan ang aircon dahil malamig naman na.
A beep on my phone got my attention. Nasa gilid ko lamang ito kaya agad kong kinuha. It's a text from Gab.
Sup, man? Movies tonight?
Nakangiti akong nag-tipa ng sagot.
Alright. I'm bringing pizza. Text me your address.
Hindi na ako naghintay pa ng sagot niya at bumangon sa kama. My Netflix can wait but this movies night cannot. I choose better clothes. A red pullover and a pair of dark jeans. I gargled very hard to have a very fresh breath.
Thirty minute travel is good enough. Dala ko na rin ang pizza na dinaanan ko pa sa mall na malapit sa condo niya. And here I am walking the hallway searching for his unit.
2309
Nasa tapat na ako ng kanyang unit. I knocked three times. Ilang sandali pa'y bumukas na ito at bumungad ang nakangiting si Gab. He opened the door widely.
"Come!"
It's a sheek condo. A typical interior for men. Naglalaro lang sa puti, itim at grey ang kanyang mga gamit. His kitchen is a complete package. May nakasalang pa nga atasa kusina dahil naamoy ko ito pagpasok. The paintings he told me filled the walls. Ang dami!
"Ikaw nag-design nito?" Tanong ko nang maka-upo ako sa kanyang sofa.
"Nagre-rent lang ako." Sagot nito. It's a raw Gab I am seeing. Bagsak pa din ang buhok niya at suot niya lamang ay itim na shirt at jersey shorts.
"Sandali lang I will get this ready." Bumalik siya sa kusina. Itinuon ko na lamang ang tingin ko sa kanyang malaking flat TV. Kumpleto pa ito with a home theater.
Shortly, he came back at dala niya ang isang plato. Tig-isa kami.
"Nagluto ka pa talaga ha?"
"You taste it. Let me know."
"Hmmm... Okay."
Kinuha ko ang plato sa lamesa. Tumusok ng ilang penne pasta at sinubo. And it's a heaven's delight. Masarap ang kanyang luto.
"How was it?"
Ibinaba ko ang plato at binigyan siya ng two thumbs up! Hindi na kasi ako nakasagot dahil ngumunguya pa ako.
"Kumain na ako bago umalis pero nang dahil dito mukhang mapapasubo pa ako ulit." Tumawa kaming dalawa sa hirit ko.
We sat there habang pinapanood ang series. Netflix din ito but a series I finished. Hawak ko ang pizza habang naka-indian seat sa kanyang sofa. Siya naman ay nakatutok at yakap ang isang throw pillow.
Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at nag-open ng social media. Alam ko na kasi ang mangyayari kaya hindi na ako naba-bother. Kinalkal ko ang mga nasa news feed ko. I even updated my Foursquare para maka-check in kung nasaan ako ngayon.
"Hey!" Puna niya kaya napalingon ako.
"Hindi mo ba gusto 'yung pinapanood natin?" Tanong niya.
Nilock ko ang phone ko't hinawakan.
"Hindi, maganda 'yan!" Sinabi ko na lamang para hindi masira ang trip niya. Baka kung sabihin kong napanood ko na ay baka itigil niya. Mukhang hooked pa naman siya.
"Banyo lang ako sandali." Tumayo na ako pero may pahabol siya.
"Barado 'yang nasa kitchen. Do'n ka na lang sa kwarto ko mag-CR."
I turned left para tumungo sa kanyang kwarto. It was dark when I opened it so I had to open the lights. Inilibot ko muna ang paningin ko sa kanyang kwarto. It has a queen-sized bed with shades of grey as its bed frame. Another wide TV is here. Paintings were also hanged. A veranda was also there. But there is something that caught my attention.
A photo beside his bed.
Lumapit ako para makita ito nang malapitan. It's Gab and a girl happily smiling in their graduation togas. May girlfriend pala siya. Bumaba ang sistema ko doon. A lesser chance for me to have his full attention. May kahati pala ako.
The whole drive and mass was so quiet between us. Ang sinasabi ko na lang ay dahil inaantok ako. He was also kaya hindi kami masyadong nagkibuan. He parked in front of our house nang matapos ang misa.
"Salamat ulit sa paghatid, Gab." Sabi ko nang matanggal ang seatbelt ko.
"I have cancer."
Ang pag-alis ko sana'y natigil. Sumandal akong muli at tinignan siya. He was just looking intently outside.
"Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga wish na 'yan. Sa mga dasal. But when I learned about having cancer, nagbago ang paniniwala ko. Kinilala ko ulit ang Diyos. Natuto ulit akong magdasal at tumawag sa Kanya."
Nahabag ako sa kanyang kwento. A side of Gab that I bet not everyone can see.
"Kaya ngayon, sinusubukan kong kumpletohin ang Simbang Gabi. Baka sakaling tuparin Niya ang hiling ko."
I saw him weep his eyes. I was stunned. This person beside me is fighting a sickness where there is a fifty-fifty chance of life. His strong, mysteriously-humored personality hides what is about to happen in his life.
"Kinakalabit ka lang ng Diyos dahil nakalimot ka nang tawagin Siya." I looked at him.
"Now I salute you even more." He gazed at me. "You will win this battle, Gab."
Hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa manibela.
"I am with you."
PANGSIYAM NA GABI
Huling araw na ng Simbang Gabi. At laking tuwa ko dahil nakumpleto ko ito! Sana naman ay ibigay na ni Lord ang kahilingan ko. Pero hindi na iyong magkaroon ng boyfriend. Ang hiling ko ngayon ay sana gumaling si Gab.
There is more to life than having a companion. To be in a relationship. But life itself, mapaglaro man pero masaya. Masarap mabuhay. At ayokong matigil ang kasiyahan ng buhay na iyon kay Gab.
Sinilip ko si Gab na aking katabi. Taimtim siyang nagdadasal habang nakatingin sa Belen. Tapos na ang misa kaya nakalapit kami sa altar kung saan doon naka-display ang isang Belen. Baby Jesus is looking at us, smiling.
"Nakikinig Siya sa iyo," I told him. "He will make your wish come true."
Ngumiti ako sa kanya. And a smile formed in his lips.
"Sana matupad na rin ang wish mo." Aniya.
"Matutupad iyon. Nananalig ako sa kanya."
Tinignan kong muli ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Ang sanggol na tutupad sa kahilingan at dasal ng mga taong naniniwala sa kanya. Nawa ay kanyang pakinggan ang aming hiling.
Naglakad na kami pauwi. Sa dati naming tinatahak ay doon kami muling dumaan.
"Kailan magsisimula ang treatment mo?" Tanong ko sa kanya.
"Next week." Matipid niyang sagot. "I am flying to the States tomorrow."
Nahinto panandalian ang pagtibok ng puso ko. He's leaving. Ang gulat ko'y pinalitan ko na lamang ng ngiti.
"Good for you. Mas mabuti doon dahil bukod sa magagaling din ang mga doktor, advance sa teknolohiya."
Tumigil kami nang marating namin ang corner kung saan magkaibang kalsada na ang lalakarin namin.
"Pa'no, dito na tayo." Ani ko.
Ang puso ko'y nagsisimula nang umiyak. Ang pag-ibig na aking sandaling naramdam ay tila maglalaho na sa aking harapan. Tinignan ko siya. Baka sakaling ito na ang huling pagkakataon, sa ngayon, na kaming magkikita.
Hinawakan niya ang aking braso.
"Maraming salamat, Noel."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko't yumakap. Isang yakap na uminit sa amin sa kabila ng umagang malamig.
"Bumalik ka ha?"
"Oo. Babalik ako." Naghiwalay na kami sa aming mga yakap. Ang mga luha ko'y hindi napigilan na agad ko ding pinunasan habang magkayakap kami.
"Tutuparin ko ang wish kong magkaroon ng boyfriend. Dapat ikaw din tuparin mong gumaling ha?"
Ngumiti siya't tumango.
"Tutuparin natin ito pareho."
Umatras na siya. Ang pangyayaring tila naging mabagal na eksena sa pelikula. Ang kanyang pag ngiti. Maging ang kanyang pagkaway sa akin. Hanggang sa siya'y tuluyan nang makalayo.
"It was nice meeting you, Gabriel. Salamat. Maraming... Salamat."
Merry Christmas, my dear readers. ♥
P.S.
This is not the end.