UNANG GABI
It's the time of the year again. The time where I am all alone. The time where most of the people are joyous for the celebration while I feel empty. Buo ang mga pamilyang magkakasama sa buong pagdiriwang ng Kapaskuhan. Habang ako, mas pinili ko na lang na paikutin ang sarili sa pagtatrabaho upang maibsan ang kalungkutan na aking nararamdaman.
Loneliness is killing me. It does. Being far from your confidants were never easy. Ngunit mas pinili kong mapag-isa at kayanin ang buhay nang mag-isa. Itong kalungkutan ay aking pinapalampas ngunit aking naalala kapag dumarating ang mga espesyal na selebrasyon.
Kagaya ng Kapaskuhan.
Hindi ako makikitaan ng kahit isang dekorasyong Pamasko sa loob ng aking apartment. It's a waste of time. Who would see it anyway? Christmas Eve? I am at work. Or if not, I am densely asleep. Christmas Masses? I have no time for that.
But this time, I came out of the usual.
I found myself walking the streets at three-fifty in the morning. Ilan din ang kasabay kong naglalakad patungo sa iisang direksyon—sa simbahan. I stopped as I reach the gates of the church. I gazed at how festive the exterior was with colorful lights and decorations.
Have I missed the feeling of Christmas?
Sumali ako sa halo ng tao at nakahanap ng pwesto sa loob ng simbahan kahit pa nakatayo. My attention was focused on the mass. I listened to everything the priest discussed during the Homily. And immediately after the Eucharistic celebration, I went home and prepared for work.
PANGALAWANG GABI
Kahapon ay limang minuto akong nahuli sa trabaho dahil kinailangan ko pang umuwi matapos magsimba. Ngayon ay nagbihis na ako at dinala na ang aking bag. Hindi rin naman malaking hassle ang bag ko dahil maliit lamang ito.
I checked myself one last time on the mirror before heading out. My casual attire in the office was hidden by my favorite hoodie. I reached for my car keys and head to the basement.
Alam kong puno na ang simbahan kaya sa kalapit nitong convenience store ko pinark ang sasakyan. Wala ring bantay at wala rin namang mga tambay kaya hinayaan ko na lang at tiwala akong walang mangyayaring masama sa sasakyan.
Pinilit ko pa din na sumiksik sa loob kahit pa madami nang tao. Masyadong malamig sa labas dahil umulan din kagabi upang makadagdag sa lamig ng madaling araw. Kaya naman sa kumpol ng mga tao ay sumisiksik ako upang hindi ginawin.
The mass started as the people put their attention on the rites. Just when somebody slightly bumped my side. Buti nakasingit pa ito sa dami ng taong nakapaligid sa pwesto ko.
"Magbigayan po tayo ng Kapayaan sa isa't isa." Sambit ng pari.
Nakipagbigayan naman ako ng kapayaan sa taong nasa harap ko dahil siya ang unang tumalikod. Ang nasa kaliwa ko nama'y gano'n din. Kusa ko namang yinukudan ang nasa likuran at ang nasa aking kanan.
Bilang pag galang, isang maliit na ngiti ang ibinigay ko kasabay ng salitang, 'peace'.
Honestly, I have never encountered any of these people. There is no familiar faces. Pero paano kung hindi naman talaga ako nakakapunta ng madalas sa lugar na ito. Silly me.
I went straight to the convenience store after mass to buy some food. Sa kotse ko na iyon kinain but to my surprise, my side mirror is missing! And there's even a long scratch on the side.
"What?!" Singhal ko na lang nang mapansin ito.
PANGATLONG GABI
Habang nagkakape, napansin ko sa bintana na parang may maliliit na butil ng tubig. Tila umaambon. As I watch, it turned into a heavy rain. Ngayon pa kung kailan nasa pagawaan ang sasakyan ko. Nakaramdam ako ng katamaran dahil sa mas malamig na panahong ngayong madaling araw.
But I have a promise. And I have a wish.
Sinugod ko ang ulan gamit lamang ang aking payong. It's too hard that my pants started to wet. Naligo na rin sa tubig-ulan ang sapatos ko. I have to go back to the condo later bago pumasok ng trabaho. I am soaking wet and I don't want to go to work in this state.
Isiningit ko ang sarili na makapasok sa loob ng simbahan kahit sa bandang gilid. The floor is slippery wet because of the rain. Lahat ay may mga dalang payong na tumutulo pa ang tubig sa sahig. Pinagpag ko naman ang payong sa labas bago ito binuhol.
"Dapat parati tayong magmahalan kahit hindi araw ng Pasko." Pagtatapos ng pari sa kanyang Homilya at nagsitayo na ang lahat.
Sa kalagitnaan ng misa ay tumila na ang ulan. Kaya nang matapos ito ay nag-iwan ng basang kalsada at ilang baha sa lubak na parte nito. Nakabulsa ang isang kamay ko sa bulsa ng jacket habang ang isa ay bitbit ang payong.
Marami din akong kasabay na naglalakad sa kalyeng dinadaanan ko. Kumaliwa na ako sa kalsada patungo sa condo.
"Achoo!"
Isang malakas na bahing ang narinig ko. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. May isang lalaking nakatayo na patungo sa kabilang kalsada. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
Napansin ko ang isang panyo na hindi kalayuan sa kanya. 'Yon siguro ang hinahanap niya sa kanyang katawan. Binalikan ko iyon at pinulot. Bahagya ko itong pinagpag dahil nagkaroon ito ng putik.
"Sa'yo 'to?" Tanong ko nang makalapit.
Lumingon siya't napatingin sa akin. Maikli akong ngumiti nang ilahad sa kanya ang panyo.
"Ah, o-oo. Sa akin nga ito." Tumango-tango niyang sabi at kinuha ang panyo.
"Salamat."
Gumanti naman ako ng tango sa kanyang pasasalamat bago ako tumalikod at naglakad na palayo.
PANG-APAT NA GABI
Matapos ang pasok sa trabaho ay pumunta ako sa pagawaan ng sasakyan. Ilang sasakyan din ang pinagkaka-abalahan ng mga mekaniko doon kasama ang sasakyan ko.
"Kamusta na? Maayos na ba?" Tanong ko nang makalapit sa mekanikong nag-aayos ng aking sasakyan.
"Malapit na, boss. Baka bukas makukuha mo na rin ito."
"Ha? Bakit?"
"May nakitang sira sa makina mo si boss Arman. Tinawag niya daw sa'yo." Sabi nito at bumalik sa pagkakalikot ng makina.
Ang hirap talaga kapag nakikitaan ng sira ang sasakyan kahit pa hindi ko ito napapansin. Balik commute muna ako ulit bukas sa pag simba at pagpasok. Pero ayos na din na naagapan para kapag nakuha na ng buyer ang sasakyan ay walang problema.
Kaya nang magsimba ako ay inagahan ko ang gising. Ilang madaling araw din akong nakatayo at nakakapagod din. Nakahanap din naman ako agad ng bakanteng puwesto sa bandang likod na ng simbahan. Pag-upo ko sa hirelang 'yon ay sakto namang napuno na ang mahabang upuan.
"Let's offer each other the sign of peace." Ani ng pari.
Nakipagbigayan ako ng kapayapaan sa katabi ko na kanila din naman ibinalik sa akin. Sa mga nasa likod ko na gayo'n din. Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yung may-ari nang napulot kong panyo kahapon. He gave me a smile so I answer with a nod.
Paglabas ng simbahan ay maraming tao ang nagkukumpulan sa pwesto ng mga nagbebenta ng mga kakanin sa labas. I wonder how it itasted. Hindi pa yata ako nakakatikim bibingka at puto bumbong. I joined the crowd and waited for my turn.
"Ate, magkano bibingka at puto bumbong?" Tanong ng nakatabi kong bumibili din.
"Singkwenta ang bibingka. Trenta naman sa puto bumbong." Sagot naman ng tindera habang pinapaypayan ang mga niluluto.
"Sa'yo?" Baling sa akin ng tindera.
"Isang bibingka lang." Sagot ko naman.
'Yung katulong ng tindera ay abala sa pagbabalot ng mga produkto nila at inaabot sa mga nauna sa akin. Kinuha ko na ang wallet sa aking bulsa kaso wala ito doon. Kinapa ang sa kabila at ang nasa puwitan na bulsa ay wala din doon.
"Oh, fuck." Bulong ko sa sarili dahil hindi ko mahanap ang wallet ko.
Inabot na sa akin ang binili ko at naghihintay ng aking bayad. Pero kahit sa bulsa ng hoodie ko ay wala din ang wallet ko o kahit naipit na pera man lang. This is embarrassing.
"Bayad mo?" Nagsungit na ang tindera dahil kanina pa siya nag-aabang ng bayad.
"Kung hindi ka makakapagbayad, akin na 'yan! Madami pang naghihintay." Angil nito.
Ibabalik ko na sa kamay niyang naka-abang pinamili ko kaso naunahan ako ng singkwenta pesos na mabilis na lumipad patungo sa mga kamay niya. Sinundan ko ng tingin ang nag-abot ng pera.
"Bayaran ko na ho." Aniya sa ale.
"No need. Isosoli ko na lang." Pagtanggi ko ngunit nakuha na ng tindera ang ibinayad niya at itinuon na sa ibang bibili ang atensyon niya.
Pagbalik ko ng tingin sa kaninang nagbayad ng binili ko ay nawala na siya dahil nagsingitan na ang mga tao. Technically, sa kanya na ito dahil siya naman ang nagbayad. Mabilis akong lumakad at tinahak ang dinadaanan ko pauwi kasi dito rin siya kahapon dumaan.
Nakita ko na siya kaya inunahan ko ang mga taong nakasabay ko para mahabol siya. Saglit lang ang pagitan ng mga oras ngunit masyado siyang mabilis maglakad at nakalayo na ng bahagya.
"Wait!"
He stopped when he heard my voice. Umikot naman siya habang ako'y papalapit at hinahabol ang hininga.
"You didn't have to pay that." Sambit ko.
"It's okay. Take it as an early Christmas gift from me." Sagot niya at sumilay ang maliit na ngisi sa kanyang labi.
But I insist. "No, I'll pay you!"
"I seldom treat people in my life. So, lucky you."
Mukhang hindi talaga siya papatalo kaya't ako na ang sumuko at tumahimik. But I thought of a better idea.
"Okay... Uh, I'll treat you? Tomorrow." I suggested.
"Ayos nga lang. I'm not asking for any return."
"Take it as my thank you. Please?" I kind of pleaded.
He paused and thought for a few seconds.
"Alright, fine. Kung 'yon ang ikakapanatag ng loob mo." He nodded and went back his way home.
Kung hindi siya pumayag, it will bug me to sleep and work. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay ang nagkakaroon ako ng utang sa ibang tao kahit pa sa pinakamaliit na bagay. At least he said yes.
PANGLIMANG GABI
After work, dinaanan ko na sa car shop ang sasakyan at ginamit na iyon pauwi. Sinusulit ko lang na makapiling ang sasakyang pinag-ipunan ko ng dalawang taon na pagtatrabaho. Isinabit ko ang car keys sa sabitan na nasa likod ng front door ng unit.
I placed my bag and jacket on the sofa. Removed my shoes and placed them on the rack. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang phone kong hindi ko pa natitignan. I have few messages from my parents. Hindi ko na lang ito sinagot muna dahil nakaramdaman ako ng antok.
I woke up thirty minutes before the 4:00 A.M. mass. I have no plans of bringing the car so I commute instead.
Nagsisimula na ang misa nang makarating ako. Puno na sa loob kung kaya't hindi ko na binalak pang sumingit pa para makapasok. Sa labas na lang ako pumuwesto at doon na lang nakinig ng misa.
The mass ended and the people started walking out of the church. Before I thought of going home, I remembered I have an appointment today. I walk pass by the gate na nilalabasan namin para hintayin siya.
And after a few minutes, nakita ko na siya.
"Tara na?" I asked smiling.
"Hey, you don't need to do it. I understand you're thankful but I think it's better for you to keep it. Lalo na ngayon at nawala ang wallet mo." Sabi niya.
But the thing he is worried about is right inside my pocket. I brought it out and showed him.
"It was just on the doorstep."
I saw him laugh a little. "Fine. Let's go."
The whole time we walked was the quietest I have ever been. None of us bothered to at least break the silence and open some topic to talk to. I wanted but my tongue shrinks back. Nang makarating kami sa kainan, sa pangdalawanag lamesa kami umupo. Face each other while waiting for our order. My fingers were simply tapping the wooden table to ease this boresome.
Then, my seatmate stretches his arms and lend his hand.
"Uh, Noel."
I smiled as I reached for it.
"Gabriel. But Gab will do."
"Taga saan ka nga pala?" He asked as we separate our hands.
"Sa Suntrust Parkview." I answered. "You?"
"Sa may Don Mariano. Malapit lang sa simbahan."
I nodded. I'm not familiar with the name of the street but I think that's near the church. Matagal na ako sa lugar na ito pero bilang lang ang alam kong mga kalye at puntahan.
Mainit-init pang dumating sa aming lamesa ang pares at kanin. Ang steamed rice ay hinaluan ng fried garlic na mayroon pa sa ibabaw nito.
"Sarap ng breakfast!" Noel exclaimed.
"Kumakain ka ba dito lagi?" I asked him.
"Oo. Paborito ko din kasi dito. Pero noong isang linggo pa ang huli kong kain dito kaya medyo na-miss ko din." Sumagot siya matapos lunukin ang kinakain.
Ako din nama'y tumango na lang dahil may laman ang aking bibig. Namiss ko din itong lasa ng pares dito. Natatangi ang lasa nito kaysa ibang paresan.
"Ikaw? Kumakain ka din ba dito?"
"If time permits, I try to."
"Why? What do you do?"
"I'm a customer service representative from a BPO company."
"Buti hindi ka graveyard."
Tumango-tango ako habang nagsasalok ng pagkain sa kutsara. "I'm on a morning shift. Kaya after ko dito ay diretso na ako sa trabaho."
"AdProm Coordinator naman ako sa isang TV network. Mahirap, exhausting, but it's really fun kasi I got to see the reality behind our TVs. You know, the shows..." He openly shared about his job. His experiences. I felt that this man trusts someone he just met a few mornings ago. Kind of awkward, tho. Pero nakikinig na langa ko habang kumakain.
"Masaya ka naman ba sa work mo?" He asked.
I gulped down a glass of cold water after munching my food. "Yeah. I mean, it's kind of really hard but things get better when you get used to."
"Good for you. Because I know a few people na hindi tumatagal sa ganyang trabaho. Maybe because of the time, the payroll, I don't know..."
Natigilan ako nang masulyapan ang orasan. Sa sarap ng maikling kwentuhan at pares na kinain namin ay nakalimutan kong may pasok pa pala ako. Mabilis kong inayos ang sarili ko.
"I'm sorry but I really have to go." Both of us stood up. I extend my hands on him before leaving.
"It's a nice chat with you, Noel."
"No worries, Gab. See you when I see you."
Ngumiti naman ako dito saka nauna nang umalis. Sayang lang dahil naging maayos na ang usapan namin at naging komportable na ako sa kanya. But I really have to attend to work lalo na ngayon. I walk as fast as I could dahil dadaan pa ako ng bahay para magbihis.
PANG-ANIM NA GABI
Medyo nahuli ako ng gising kaya pagdating ko sa simbahan ay nakapag-umpisa na ang misa at madami ng tao hanggang sa labas. Balak ko sana'y hindi na sumiksik pa sa mga tao pero nahagilap ng mga mata ko si Noel. Agad akong lumapit sa kanya at tinabihan. Buong misa ay magkasama kaming nakikinig sa turan ng pari hanggang sa matapos ito.
Bitbit ang mga binili naming puto bumbong at bibingka, dumiretso kami sa isang parke malapit sa simbahan. Puntahan din ito ng mga tao na wala pang balak umuwi. O kaya'y mga magkasintahan na naglalambingan sa isang tabi.
The place is shouting the Christmas season with lights and decorations. We sat down on a metal bench near a street post para may ilaw habang kumakain kami.
"Araw-araw naman may nagbebenta ng bibingka pero iba pa din talaga kapag sa labas ng simbahan mo ito binili." Aniya.
"It tastes better because of the charcoal," I answered back and munch another bite.
"Hindi ka ba magmamadali?"
My brows raised with his question. Nagmamadali? Saan?
"Kahapon kasi nagmamadali ka. Ngayon ay kampante ka lang na kumakain at walang inaalalang trabaho sa loob ng ilang oras."
Ah, I got it.
"Last day ko kahapon sa trabaho."
I saw surprise on his face. "Really? Ngayong Pasko talaga?"
"Yup! It doesn't bother me because nakuha ko na ang 13th month at Christmas bonus." I grinned and bite on my bibingka.
"Mapera ka pala ngayon, ha. Dapat pala sa buffet na lang tayo kumain." Biro niya.
"There will be next time, I think." Kinuha ko ang bottled water niya at uminom. "How about your work? The holiday is a no-no when you have daily shows to promote."
"I actually need to work later to finish a few more. Halos naman na ng shows na hawak namin ay wala ng problema. Nakapag-tape na ng advance, bakasyon na ng mga artista. Dadagsa na lang 'yan pagkatapos ng New Year."
"You? Why did you resign?" His follow-up question.
I answered with a blank expression and shrugged. "Ayoko na, eh."
"My whole body is a mess for two years. Switching schedules, broken body time, bad habits, mga firsts. Madami akong babaunin na sakit nang dahil doon." Dagdag ko.
"Firsts? Like, what?"
"First time to smoke weed." He stopped and think. Serious.
"First time to one nightstand. First time to a threesome. First time to—"
He butted in. "That I didn't expect."
"What? People our age are compulsive. Adventurous. We always try something new at least once." I defend.
"Don't count me in. I'm not part of the 'people' you are talking about."
Sa reaksyon niya'y alam kong hindi niya inaasahan na gano'n akong klaseng tao. Napa-inom siya ng tubig dahil sa mga sinabi ko. Sana nga gano'n pero malayo sa mga sinabi ko ang ginagawa ko.
"It was just a joke."
He quite laughed when I told him it was not true. How the hell will I ever be involved in a threesome or one stand if I am such an introvert. But I was curious,
"Care to explain why you are not part of that 'people' I was talking about," I asked him.
"Kasi hindi naman dapat lagi mo sinusubukan. Oo, masaya maging adventurous pero sa tamang lugar. Sa tamang pamamaraan. I was raised in a traditional Filipino way. 'Yung bawal sa ganito, ganyan. Magdasal bago matulog. Magsimba tuwing Linggo. Bawal magpula kapag pupunta sa lamay. Bawal magkaroon ng boyfriend habang hindi pa nakakatapos ng pag-aaral. So on, and too many to mention."
What he told me stunned me a while. Bawal siyang magkaroon ng... boyfriend?
"Why? May nasabi ba akong hindi maganda?"
"You were saying na magbawal kang—"
Naputol ang sasabihin ko nang tumawa siya.
"Yup, bawal pang makipag-boyfriend. Makipag-relationship."
"So you're gay?"
"I definitely am."
I was astonished by the thought that he is gay. Ni hindi ko man lang nahalata 'yon. The way he dresses, moves and speaks to me doesn't see that he is part of the community. But I have nothing against them.
In fact, kapag may nagpapatawang mga gay sa office namin ay simple na lang akong natatawa. But these gays are cross-dressed or what they called 'transgender'. I don't know I lack knowledge. But one thing's for sure, they make the world a happier place.
"And please don't give me that look. You're not my type." Ngumisi siya at kumagat sa bibingka.
"I was just surprised. And cool with it." I said as I went back to my senses.
"My gender expression kasi is male. Bading pero nagdadamit panglalake. It's different from what is a crossdresser, androgynous. That's for another topic."
I nod and drank my water.
"Thanks for that trivia. I gain another knowledge from you."
"Really? Sa call center maraming kagaya ko, ah."
"I don't really care about my environment. Mayroon siguro pero hindi ko naman napapansin. I'm not really curious about their sexuality. I just go there to work."
Tumayo na kami at nagsimula nang maglakad pauwi. The sun is starting to rise already. Dumadami na rin ang mga nakakasalubong naming nagja-jogging at naglalakad.
"Ilang beses mo na bang nakumpleto ang Simbang Gabi?" Tanong niya.
"Ngayon ko pa lang nasubukan mag-Simbang Gabi."
"Balak mo din itong buoin?"
Tumango ako.
"So, ano'ng wish mo?"
Bago pa man ako sumagot ay nauna na siyang magbahagi kung ano ang wish niya.
"Ako kasi ang wish ko na sana maging maayos at masaya lang ang pamilya namin. At saka sana mayroon na rin akong kasama na magsimba. Nakakatamad din kasing mag-isa na lang ako lagi."
Tumigil siya't tumingin sa akin. "Ikaw, ano'ng Christmas wish mo?"
Hindi ko alam kung kailangan ko ba itong sabihin na sa kanya but there's something I really wanted to happen.
"World peace."