GABRIEL (2)

2060 Words
PANGPITONG GABI It's my first day being unemployed. Nakakamiss din pala 'yung ganito na wala kang ginawa buong araw kung hindi ang humilata at manood lang ng paborito mong palabas. So, I decided to stroll around the mall to entertain myself. The mall is filled with Christmas music. Kahit saang sulok ng mall ay puro kantang Pamasko ang aking naririnig. Marami ding tao ngayon marahil sila ay bibili ng mga regalo para sa mga kaibigan o 'di kaya'y minamahal nila. Naglibot lang ako sa department store. Maraming sale. Maraming mga bagong labas na gamit. Pero wala akong nais bilhin dahil sapat naman na ang mga kagamitan ko at hindi na naghahangad pa ng bago. Pero dahil sa paglilibot ko ay hindi ko inaasahang makikita si Noel. Tinitignan niya ang isang relo mula sa isang mamahaling brand. Napangisi ako't nilapitan siya. "That's a luxury gift for someone special." Sambit ko. Nagulat siya't umikot paharap sa akin. I smiled. "Walang daw boyfriend pero bumili ng relo." Kantyaw ko. "Silly you! Para sa akin 'yan." Kinuha na niya ang relo sa sales lady at lumakad na. "And I won't buy anything expensive for someone. Kahit pa partner ko 'yan." Dagdag pa niya. We were walking towards the cashier. May mga bitbit na siyang ilang napamili habang ako'y nakasuksok sa bulsa ang mga kamay. "Oh, wala ka pang nabibili?" "Nah. Wala naman akong reregaluhan." "Parents mo? Kapatid?" We reached the cashier and he payed for the watch. Regarding his answer, wala naman akong reregaluhan. Kahit ang sarili ko'y hindi ko na rin binilhan dahil wala pa naman akong kailangan. "Saan ka na?" Tanong niya. "Will just roam around. See you later, bud!" Tinapik ko siya sa balikat bago umalis doon sa pila ng cashier. Hindi naman ako nagmamadali, but I think there's a need for me to get out of the situation. I was with Noel the whole mass. Hindi na naman ako naka-upo kaya sa gilid na lang ako tumayo. And to my surprise, tumayo si Noel sa kinauupuan niya para sa samahan ako. Which I highly appreciated. Matapos ng misa at bumili ng bibingka ay naglakad na kami palabas pero nang makarating kami malapit sa sasakyan ko ay nilabas ko ang car remote at binuksan na ito. "Aba, may kotse ka pala." Puna niya. Binuksan ko na nag pintuan. "Hop in. Ihatid na kita sa inyo." Walang anu-ano'y umikot siya at pumasok sa kabilang pintuan ng maliit kong sasakyan. Nagkabit kami ng seatbelt at in-on na ang makina. "Mukhang nagustuhan mo 'yung bibingka ah." Aniya. "Yup. That rice cake is really good." Inikot ko ang manibela at lumabas na ng church premises. "Bago itong sasakyan mo?" "Mga isang taon na ito sa akin." "Bago pa nga." Binuksan niya ang radyo ng sasakyan at tumugtog ang pang-umagang mellow songs sa isang radio station. "Wala ka bang sasakyan?" Tanong ko naman sa kanya. "Meron, for family use." "'Yung para sa'yo?" "Pinag-iipunan ko pa. Hopefully next year mayroon na." Nagkwentuhan pa kami habang tinatahak ang daan patungo sa kanila. Hindi rin pala ito ganoon kalayo sa simbahan na pinanggalingan namin. "Oops. Dito na tayo." Tumigil kami sa tapat ng isang mababang gate. Dahil mababa lang ito ay kita ang b****a ng bahay at nakaparadang sasakyan dito. "Kape ka muna sa loob?" Aya niya. "Hindi na. Matutulog na lang din naman ako pag-uwi." I smilingly declined. "Then I'll prepare tea. Pasasalamat ko lang din dahil hinatid mo ko." I guess I have nothing to decline more. Sabay na naming pinasok ang bahay nila. Binuksan niya ang ilaw doon sa sala para makita namin ang loob. "This is my humble home." He said. It was really a humble abode. Typical Filipino house na nakikita mo sa movies. And I felt homy kahit pa unang beses ko pa lang ito napasok. Ngunit sa pagkakataong ito ay bihis na bihis ang bahay ng mga dekorasyong Pamasko. "I'm sure you did all these." "Kapatid ko ang may gawa nitong lahat. But with my help, ofc ourse." Aniya at tumungo na kami sa kusina. Umupo ako sa isang mataas na silya habang nagsalin siya ng mainit na tubig sa dalawang tasa at nilagyan ng tea bag. Inabot niya ang isa sa akin habang ang isa naman ay sa kanya. "You want some honey? It's much better with honey." He suggested. "Yes, please." Naglabas siya ng honey sa ref at nilagyan ang aming mga inumin. Tahimik lamang kami habang hinahalo ang aming mga tsaa. "Hindi ba magigising ang pamilya mo?" I broke the silence. "Late pa sila magsisi-gising." Itinaas ko ang tsaa at hinipan bago humigop. Gumuhit ang init nito sa lalamunan ko ngunit ibang klaseng sarap ang taglay. Napapikit na lang ako sa sarap. "Is it good?" "Lemon and honey is a good combination, I must say." I compliment. "Matagal na kayo dito?" I asked him. "Oo. Mula noong ikasal ang parents ko. Dito na sila noong bumukod sila." My eyes caught a painting hanging on their wall. It's a beautiful abstract masterpiece. "Who made that painting?" "It's a gift. But I think it's a Valentino Santiago. Do you know him?" I shrugged. I haven't heard that name. "He's a young painter. Also a businessman. His paintings are unusual. Maganda ang pagkakapintura. And the stories behind it... ugh." "I had a few paintings at home. Binibili ko sa mga naglalako ng paintings. Naaawa kasi ako sa kanila kaya to help, binabawasan ko ang mga bitbit nila." I shared and sipped another on my teacup. Saglit pa kaming nag-usap bago niya ako ihatid sa labas ng kanilang bahay. Maliwanag na din at nagsisimula nang lumabas ang mga tao sa kanilang mga tahanan. "Thanks for the tea." Pasasalamat ko nang buksan ang pintuan ng sasakyan. "No problem, man. Basta ikaw." He patted my shoulder as I went inside my car and drove home. PANGWALONG GABI I have seen this movie a couple of times already. It's the same with the movies and shows sa ibang channel. I am bored to the point I even watched videos on YouTube just to entertain myself. But Noel crossed my mind and invited him to have dinner since nag-tsaa kami kaninang umaga sa bahay nila. Sup, man? Movies tonight? I texted. Sana lang ay wala siyang ibang pinagkaka-abalahan ngayon. I wasn't hoping for a reply but then his named popped up on my screen. Alright. I'm bringing pizza. Text me your address. Good! I replied my address and stoop up to prepare dinner. I don't have any stocks so I went to to the grocery to buy some ingredients. Madali lang akong namili at agad na hinanda ang mga lulutuin. Masyado nang lumipas ang oras at nakaramdam na ng gutom. Then I heard knocks on my door. He's here. I opened the door. "Come!" I led him inside the condo and sat him down on the sofa. "Ikaw nag-design nito?" "Nagre-rent lang ako." I said. "Sandali lang I will get this ready." Bumalik naman ako sa niluluto ko and hinanda na ang pagkain namin. Pinlate ko na ito sa dalawang plato. Bumalik ako sa kanya bitbit na ang mga ito at inilapag sa katapat naming lamesa. "Nagluto ka pa talaga ha?" "You taste it. Let me know." "Hmmm... Okay." I was kind of nervous nang titikman na niya ito. I guess this is the first time I cooked for someone. Kung magluto mana ko, para sa akin lang. "How was it?" Ibinaba niya ang plato at nagtaas ng dalawang hinlalaki. He didn't verbalize but it I knew he liked it. "Kumain na ako bago umalis pero nang dahil dito mukhang mapapasubo pa ako ulit." Natawa kaming dalawa sa hinirit niya at kumain na. We watched a Netflix series the whole time. My eyes were on the screen but Noel's were on his phone. I think he got bored sa pinapanood namin. "Hey." I caught his attention. "Hindi mo ba gusto 'yung pinapanood natin?" He locked his phone and held it. "Hindi, maganda 'yan!" "Banyo lang ako sandali." Paalam niya at tumayo. Patungo na sana siya sa banyong nasa labas ngunit barado pa ito. "Barado 'yang nasa kitchen. Do'n ka na lang sa kwarto ko mag-CR." I told him so he turned left going to my room. Pakiwari ko'y hindi niya gusto ang pinapanood namin. Maaring napanood na rin niya kaya binaling ang atensyon sa iba. Ganyan din akong klase ng tao kaya alam ko kung gusto ba niya ang nangyayari o hindi. Hanggang sa pagbalik niya'y patuloy lang kami sa panonood. Hindi kami masyadong nag-usap dahil nakatutok ang mga mata namin sa TV. Mula sa misa hanggang sa ihatid ko siya sa kanila ay hindi kami masyadong nagka-usap. He remained silent and I don't want to intrude. Pumarada kami sa tapat ng bahay nila at hinubad na niya ang seatbelt. "Salamat ulit sa paghatid, Gab." "I have cancer." I blurted out. I kept my silence until I told him my secret. I don't know why I told someone I barely know. I just had to. "Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga wish na 'yan. Sa mga dasal. But when I learned about having cancer, nagbago ang paniniwala ko. Kinilala ko ulit ang Diyos. Natuto ulit akong magdasal at tumawag sa Kanya." My eyes became teary. "Kaya ngayon, sinusubukan kong kumpletuhin ang Simbang Gabi. Baka sakaling tuparin Niya ang hiling ko." Pinunasan ko ang mga luhang nagbabadya pa lamang bumuhos mula sa aking mga mata. And I found relief nang masambit ko 'yon sa kanya. Something I never told someone. "Kinakalabit ka lang ng Diyos dahil nakalimot ka nang tawagin Siya." Sabi niya. "Now I salute you even more." Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya 'yon. "You will win this battle, Gab." He smiled. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa manibela ng sasakyan. "I am with you." PANGSIYAM NA GABI Bago pa man ako magsimba, inimpake ko na lahat ng mga gamit ko. Dalawang malaking maleta ang nakahanda na para sa aking flight bukas. Malinis na rin ang condo na aking iiwanan. Ang apat na dingding na minsan ko rin naging tahanan. Nasa huling madaling araw na rin kami ng simba. Sa simbahan ay taimtim kong ninamnam ang bawat salita at pangaral ng pari. Sa harap ng Belen ay taimtim naming tinitignan ni Noel ang sanggol na isisilang sa araw ng Pasko. "Nakikinig Siya sa iyo. He will make your wish come true." Napangiti ako sa sinabi niya. Baby Jesus is smiling at me. I may not be sure if I will win this battle but I know that there is someone, smiling at me, who will be there throughout this journey. "Sana matupad na rin ang wish mo." I told Noel. "Matutupad iyon. Nananalig ako sa kanya." Lumabas na kami ng simbahan at naglakad na pauwi. Iilan na lang din ang kasabay namin dahil ang iba'y nauna nang nagsi-uwi. "Kailan magsisimula ang treatment mo?" Tanong niya. "Next week." Matipid kong sagot. "I am flying to the States tomorrow." "Good for you. Mas mabuti doon dahil magagaling ang mga doktor do'n." Tumigil kami kung saan ay siya'y papaling na sa kaliwa habang ako'y sa kanan. Nagkaharap kami sa huling pagkakataon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin ngunit hiling ko'y hindi pa ito ang huling beses na kami'y magkikita. "Pa'no, dito na tayo." Aniya. Tumango ako. In a short period of time, I found a friend. A friend that became my confidant. A friend that something I felt for the first time—trust. Trust that no one ever gave me. And a friend that made me felt there is more on the other side of the box. To stay positive. And made me bring back the faith I lost. "Maraming salamat, Noel." I patted his shoulder. He hugged me. I hugged him back and caressed his back. "Bumalik ka ha?" "Oo. Babalik ako." Naghiwalay kami at napansin ko ang pagkusot niya sa kanyang mga mata. "Tutuparin ko ang wish kong magkaroon ng boyfriend. Dapat ikaw din tuparin mong gumaling ka ha?" Ngumiti ako't tumango. "Tutuparin natin ito pareho." Umatras na ako. Humakbang ng ilan hanggang sa tumalikod na sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Kanina ay ipinangako ko sa sarili ko habang nagdadasal sa harap ng batang si Hesus, "dinggin niyo po ang aking hiling upang ako'y makabalik at tuparin naman ang kahilingan ng aking katabi. ~ This is not the end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD