NOEL
Isang taon ulit ang dumaan. Bisperas na naman ng Pasko. Kay bilis naman talaga ng araw. Parang kakatapos lang magbagong taon pero heto't nalalapit na naman ang pagpapalit namin ng kalendaryo. Sila mama ay nasa palengke habang ako'y nagpaiwan dahil ginagawa ko ang mango graham cake.
Ipinatong ko ang graham crackers sa layer na nilagyan ng condensed milk at all-purpose cream. May mga piraso din iyon ng hiniwang manga upang malasahan iyon. Ilang tupperware din ang ginawa ko dahil ipangreregalo ko ito sa mga kaibigan ko at handa na rin namin mamayang gabi hanggang bukas sa araw mismo ng Pasko.
Kagaya ng nakaraang taon, pati ng mga nakalipas na taon, nabuo ko ang Simbang Gabi. Ano pa nga ba't hindi na mawawala ang tradisyong iyon sa pagkatao ko. Ang akala ko'y mababago ang siyam na madalaing araw na iyon ngunit nagkamali ako. Sandali lamang ipinaranas sa akin ang kakaibang tuwa sa puso.
Hindi man natupad ang kahilingan ko nang nakaraang taon, binuo ko pa rin ang siyam na misa hindi lamang dahil sa kahilingan, kung hindi dahil sa gusto ko.
Hindi man natupad ang hiling ko, sana natupad ang kahilingan ng lalaking nakilala ko.
I wonder kung ano nang nangyari sa kanya. Natupad kaya ang kanya? Gumaling kaya siya?
Mula nang maghiwalay kami ni Gab sa kalyeng iyon ay nagpatuloy pa din ang komunikasyon namin. Kapag may pagkakataon, nagkakamustahan kami. Hanggang sa bigla na lang siyang hindi sumagot. Halos araw-araw kong sinisilip ang phone ko at umaasang magtetext siya. Sasabihin niya na, 'magaling na ako'. Kaso hindi nangyari.
Hanggang sa wala na. Dasal ko na lamang ay sana nasa mabuti siyang kalagayan.
"'Nak! Patulong!" Itinigil ko muna ang ginagawa ko at dinaluhan si mama at papa na namalengke ng handa namin ngayon at bukas.
Binuhat ko ang dalawang plastik at si papa naman ay dala ang isang bayong.
"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" Tanong ni mama nang makarating kami sa kusina.
"Konti na lang, Ma." Sagot ko nang ipatong sa isa pang lamesa ang mga pinamili nila.
"Sige, tulungan mo ako dito mamaya. Madami tayong gagawin. Dadating ang Tita Marlene mo bukas." Sabi ng mama at naupo.
Ibinigay ni papa ang isang baso ng tubig sa nagpapahinga kong nanay. Tumanda na't lahat pero wala pa ding sing tamis ang pag-iibigan nila.
Sana lahat.
Hapon naman nang pumunta ako sa mall. Kahapon ay may mga pahabol pang trabaho kaya hindi ako nakapag-Christmas shopping. Ngayon ko lang masisilip ang ireregalo ko sa pamilya ko.
Maling pagkakataon talaga ngayon dahil Christmas Eve. Konti na lang at mistulang Divisoria na ang mall dahil sa dami ng tao at sa haba ng mga pila.
Inuna ko na ang mga ireregalo ko sa mama at kapatid ko. Binilan ko ang mama ng bag na tiyak kong magagamit niya kapag may lakad siya. Sandals naman ang para sa kapatid ko.
Lumipat naman ako sa men's section para sa regalo ko sa aking papa. Tumingin ako ng mga leather na wallet pero 'yon din ang niregalo ko sa kanya last year. At gamit pa din niya ngayon.
Kung bag naman, hindi naman siya lumalabas bukod sa pamasok niyang maayos pa din at regalo sa kanya ni mama. Lumakad pa ako ng konti hanggang sa matapat ako sa mga relo.
Nandito na naman ako. The same exact spot last year noong binili ko ang suot kong relo ngayon. May bago na naman silang disenyo ng relo na may apat na numero ang presyo.
"Bilhin mo na, sir. Last piece na namin 'yan." Nakangiting tugon ng sales lady.
I silently wished someone would come up and say, 'That's a luxury gift for someone special'.
Pero wala.
Kinuha ko na ito at pumila na sa blockbuster na cashier. Inabot din ako ng kalahating oras para lang makapagbayad. Binalak ko pa sanang pumila sa gift wrapping kaso blockbuster din ang pila kaya bumili na lang ako paper bags.
Sa hirap magbook ng Grab at pumila sa taxi lane ay naglibot na lang muna ako sa mall. Pasara na rin sila ng alas otso kaya tinodo ko na rin ang pamamasyal.
Kahit pala dito sa loob ng mall ay may nagtitinda ng mga puto bumbong at bibingka. Wala masyadong bumibili dito kaya lumapit ako.
"Ate, magkano ang bibingka?"
"Seventy-five po."
Nanglaki naman ang mga mata ko sa presyo. Mas mahal siya kumpara sa nabibili sa labas ng simbahan pero magkasing laki lang naman sila ng sukat.
"Sige, salamat." Nakangiti akong umalis sa stall nila.
Kung sakaling may dumating na bumili at nakalimutan na naman ang kanyang wallet, mukhang hindi ko na siya papautangin. Naubos yata ang kaperahan ko sa isang bilihan lang.
Hindi na ako nagbihis mula nang manggaling ako sa mall. Saglit lang akong nagpahinga sa bahay at umalis na kami para magsimba. Kung misa de gallo ay mag-isa ako, pero kapag Christmas Eve mass ay magkakasama kaming apat. Ako, mama ko, papa ko, at kapatid ko.
Maaga kaming pumunta para hindi kami nakatayo habang misa. Kalahating oras pa kami naghintay bago nagsimula na ang misa. Kagaya noong nakaraang taon, iba din ang bihis ng simbahan ngayon. Dinagdagan nila ito ng mga curtain lights na pumalibot sa haligi ng simbahan.
Mas maganda ang Belen ngayon dahil ginawa nilang malaking Christmas tree ang bubong ng Belen. Lalong nabigyang buhay ng mga nag-ayos ang diwa ng Pasko.
I listen attentively to the mass. Muli na namang napuno ang simbahan. Ang ilan na nga ay nakatayo sa gilid at labas dahil sa dami ng tao. Pero hindi ko pa rin maiwasang luminga sa paligid sa pagbabakasakaling may pamilyar na pigura akong makita.
Kaso wala.
Pagkatapos ng misa ay tumungo kami sa altar kung saan nasa gilid nito ang Belen. Naghintay kami ng pagkakataon na makapagpa-picture dahil sa dami ng taong naroon para magpalitrato sa napakagandang Belen.
"Bukas na lang tayo magpicture d'yan, Ma. Gutom na ako." Reklamo ng kapatid ko.
"O, siya. Bukas na lang pagkatapos nating magsimba." Sabi ng nanay ko at nagsimula nang maglakad.
"Ah, Ma, Pa, mauna na kayong umuwi." Paalam ko sa kanila.
"Sige, anak. Mauna na kami." Sabi ng mama.
"Sumunod ka kagad para sabay-sabay tayong makapag-Noche Buena." Sabi naman ng papa saka sila umalis.
Pinahupa ko muna ang mga tao bago ko tuluyang nalapitan ang Belen. Iilan na lamang kaming naririto na pinagmamasdan ang sanggol na muli na namang isinilang sa araw ng Pasko.
"Nabigo na naman ako sa wish ko last year, Baby Jesus. Heto ako't mag-isa pa ding dumudungaw sa'yo sa sabsaban," Nakangiti kong sambit na tila may totoong kausap.
"Pero hindi ko lang alam kung 'yung isa ko pang kahilingan ay natupad din. Hindi na kasi niya ako kinausap, eh. Sana gumaling siya. Sana nakalaban siya. Pero sana, nandito din siya... kagaya noong nakaraang taon."
Napatikom ako ng bibig at ngumisi. "Hayaan mo na. Wala na sa akin 'yon. Baka nakalimutan na niya ako. Ano ba nama't saglit lang kaming nagkakilala. Tutal wala pa naman akong wish ngayon. Ang wish ko na lang, dumating si true love sa tamang panahon, sa tamang oras, at sa tamang pagkakataon."
Ngumiti ako na tila nabunutan ba ng tinik sa dibdib. Ang tagal kong kinimkim ito lalo na't umalis na ang mga taong nasa gilid ko kanina.
Nag-sign of the cross ako bago tuluyang umalis na doon. Sa aisle ng simbahan kung saan ako naglalakad ay wala na rin masyadong tao. May ilan pang nakaupo sa mga upuan at nakikipagkwentuhan lalo na ang mga matatanda.
Ngunit sa dulo ng simbahan ay may isang taong nakatalikod. May bitbit siyang plastik at nakaharap sa labas ng simbahan kung kaya hindi ko makita ang likod nito.
Sino naman kaya ang hinihintay nito?
Marahan pa akong humakbang. Pero nang umikot paharap sa loob ng simbahan ang taong iyon ay napahinto ako't napako sa kinatatayuan ko. May hinanap pa ang mga mata niya sa loob ng simbahan pero nang makita niya ako ay hindi na niyang pinakawalan pa ang mga tingin sa akin.
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang masilayan ko ang kanya. Hindi ako makapaniwalang nandidito siya ngayon. At lalong naging malinaw at totoo ang lahat nang makalapit ako sa kanya.
"Totoo ba 'tong nakikita ko ngayon?" Namamangha ko pa ring tanong.
He smiled. I missed that smile. He looked different now. Naging matured siya tignan at parang hindi man lang nanggaling sa sakit.
"Magaling ka na ba? Are you 100% cancer free?" Sunud-sunod kong tanong.
"I promised that I will come back..." Lumapit siya sa akin. "I keep my promises."
What he said to put a smile on my face. He did promise he'd come back, and he did.
Tinignan ko ang bitbit niya at inangat ito.
"Dala ko ang paborito nating puto bumbong at bibingka. Naghanap pa ako sa ibang simbahan kasi wala dito."
Mahina naman akong natawa. "Namiss mo, 'no?"
"Sobra." Sinabi niya nang malalim ang tingin sa aking mga mata. This is the first time I have ever looked on someone's eyes this deep.
"'Yung wish mo... natupad ba?"
Tumango siya.
"'Yung sa'yo? Did someone commanded your wish?"
I shrugged. "Wala eh. Pero sanay naman na."
"Pasensya na, ngayon lang ako dumating. P'wede bang bumawi sa susunod na taon?"
Kumunot ang noo ko. Hindi ko ma-gets ang sinabi niya.
"Ha? Ano?"
He leaned closer and went to my lips. Hindi ko inaasahan ang pagkakataong 'yon. Napapikit na lang ako at dinamdam ang mga labi niyang inangkin ang akin. Everything muted and became magical.
Humiwalay siya at nasilayan ko ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Hayaan mong samahan kita hindi lang tuwing simbang gabi but for the rest of your life."
That brought my eyes to tears. My lips went wide because of my smile. I am speechless. I have nothing to say. I hugged him tightly. Kasing higpit ng pagmamahal ko sa kanya.
It felt it was just me, him, and God at the moment. I didn't bother to care about the people around us. Some may judge us but my love for this person prevails. And I wouldn't mind the hell people thinks.
And after waiting most of life for the one, it happened at the perfect time, the perfect place, and the perfect person.
~
Thank you for reading! This is the end... for now. This is just the prelude to Gab and Noel's love story. You will be reading it soon!
PS. 2021
Hi, lovers! ;-)