I didn't push it. Ayaw kong pilitin siya na sabihin sa akin kung bakit niya ako gusto. Mayroon ba akong ginawang sobrang buti para magustuhan niya ako? I sighed. Nakakapagtaka pa rin. Nasa isa kaming coffee shop dito sa Tagaytay. Napakaganda ng pwesto namin kasi kitang kita mo 'yong magandang view sa ibaba. Suot ko ang hoodie ni Raevan dahil hindi ko kaya ang lamig dito. He placed the hoodie on my head and hugged me from side to give me more warmth. "Nagkita na kayo ng kapatid ko sa campus?" Iyon ang tanong ko sa kaniya habang sumisimsim ng kape. Naalala ko kasi na iyon ang isa sa rason ko kung bakit ako nagyaya ngayong umalis. "Yes" Sagot niya sa akin. I squeezed my eyes shut. Itinapat ko kaunti ang kape sa mukha para mausukan ng init. He placed his chin on my shoulders a

