"Anong pinili mong course?" Iyon ang tanong ko kay Tracy pagkauwi niya ng bahay. Hinayaan ko siyang pumunta sa University mag-isa. Madali lang naman siya matuto at alam na niya ang biyahe. "Tourism ang pinili ko. Gusto ko maging flight attendant" sagot niya pagpasok sa kusina. Sinulyapan ko siya saglit bago ako bumalik sa aking niluluto para sa tanghalian namin. "Panindigan mo 'yan hanggang 4th year. Mapipingot talaga kita Tracy Marie" "Oo na!" "Maintain mo din ang grade mo o mawawalan ka ng scholarship" "Alam ko" lumapit siya sa akin at pinulupot ang isa niyang kamay sa braso ko. Alam ko na kapag ganiyan siya. May kwento na naman. "Ano 'yang kwento mo?" "Ate ang dami palang pogi akong nakita. May isa na nga akong bet e. Tinulungan ako kanina sa pag-lead ng way. Sayang hind

