I tried to look presentable while wearing the dress Raevan gave me. Habang pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin, hindi ko maiwasang magustuhan ang aking gayak ngayong araw. Parang alam na alam ni Raevan ang aking mga gustong suot. Niyayakap ng aking bestida ang hubog ng aking katawan at bagay na bagay iyon sa akin. Simple ngunit eleganteng tingnan. Bumagay din ang purse at sandals sa damit. Inipit ko ang aking straight na buhok ng half bun at naglagay ng laso na kulay asul para mag-match sa suot ko. Simpleng make-up lang ang ginawa ko sa aking mukha. Nagsuot lamang ako ng hikaw at relo bilang jewelry. Kinakabahan ako. Naging usap-usapan sa loob ng room nila ang birthday party nina Raevan. Sabi daw kasi ay engrande iyon. Debut e. Hindi nga ako nakabili ng regalo dahil hindi

