Estupidyante: Let's talk. Estupidyante: What did I do? Bakit ka nagagalit sa akin? Estupidyante: Tell me the context why are you mad. Let's talk ma'am. Please? Estupidyante is calling.... 20 missed call. I need to put my phone in silent because of Raevan. Nakakairita ang kakulitan niya. Naiinis ako dahil nagmamaang-maangan pa siya na wala siyang ginawa. Hindi ko talaga sinagot ang mga tawag at message niya sa akin. Para saan pa? Nakita ko na ang nakita ko. Maaaring may edad na ako at naghahanap ng pag-ibig pero hindi ako magpapaloko. Wala akong panahon para sa laro. Mas mabuti ng maging single habang buhay kaysa masaktan sa mga lalaki. Buti na lang talaga hindi ko inatupag ang mga lalaki. Sakit lang sila sa ulo! Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Pagbaba ko ng

