Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip. Sa sobrang dami kong nabasang articles kagabi, madaling araw na ako nakatulog. May mga nagtatagumpay naman talaga na student-teacher relationship kaso kailangan sikreto. Isa pa, I'm not dating a minor. Nasa tamang edad naman na si Raevan. Pero student siya. Paano kapag hindi nagtagunpay? Hmm... Uminom ako ng paracetamol dahil pumipintig pa rin ang aking ulo. Kahit ngarag, pumasok ako sa school na on time. I hate being late. Pagdating ko sa faculty, nag-time in muna ako bago ako pumunta sa aking table. Sa mesa ko ay may nakapatong na libro. It's the one I'm reading yesterday. Raevan went here? I scoffed. He accused me of using him for his books, then he'll give it back? Sira. Huminga ako ng malalim bago binuklat ang libro. Natigila

