KAIZER'S POV: Hindi ko alam kung pa ba ang aking gagawin para lang bumalik sa akin si Ely. Heto ako ngayon at naghihintay kay Atisha. Gus'to ko na ayusin ang lahat. Sobrang na ng pitong taon na paghihintay ko kay Ely. At papatunayan ko sa kan'ya ngayon kung gaano ko s'ya kamahal. Alam ko na naguguluhan lamang s'ya noong iniwan n'ya ako. Kaya ngayon lahat ay aking gagawin bumalik lang kami sa dati at ang anak nito ay ramdam ko na anak ko s'ya. Kahit na wala pa akong hawak na ebidensya ngayon ay ramdam na ramdam ko na dugo at laman ko s'ya. Kaya pala ganoon na lang ako kalapit sa kan'ya. Hawak ko na din ang magpapatunay na anak ko nga s'ya. Alam ko kasing itatangi na naman ni Ely ang lahat sa akin.Kaya mas minabuti ko na kumilos na muna. Madala ko pa din naman s'yang sundan. At masaya na

