Continuation of Krizza's Flashbacks: "Hindi ka nga sabi maaring makialam dito, Rachel!" "At bakit hindi? Trabaho ko ito bilang isang asset!" "Mapapahamak ka lang! Dahil d'yan sa katangahan mo! Umalis ka na!" "May gus'to lang akong alamin pa! At hindi ikaw ang taong magiging dahilan para mapigilan Ako, kahit na matalik pa kitang kaibigan." "Ah!" biglang napaigik si Rachel at agad ko itong inalalayan. "Rachel!" "Kilala mo ba ang babaeng 'yan?" napatingin ako sa nagsalita. "Oo, kakilala ko s'ya. At isa pala s'yang asset ng mga pulis." Sagot ko sa kanan kamay ni Mr. Llamo na si Greg. "Nasundan ka? Mabuti na lang at nakita ko. Ku'ndi ay lahat tayo mapapahamak. Nagiging pabaya ka na ata sa trabaho mo, Krizza." "Hindi naman, hindi ko lang talaga s'ya napansin." sagot ko dito at n

