ATISHA POV: NAKAKAINIS S'YA!" sigaw ko habang lahat ng aking gamit dito sa aking kwarto ay binabalibag ko na.. Kung bakit kasi sa dami ng babaeng magiging karibal ko muli y s'ya pa. Ang akala ko pa naman ay tuluyan ko na s'yang naalis sa buhay ni Kaizer. Nahagip ng aking kamay ang salamin at inihagis ko ito sa sahig. Lahat naman ng ito ay pag-mamay-ari ko. Kaya maari kong gawin lahat ng aking nais. Basag-basag ito ng tumama sa sahig. Dito ko na lamang ilalabas lahat ng sama ng loob ko. Kanina ay naisipan ko na sundan si Kaizer kung saan ba ito pupunta. Ang alam ko kasi ay may operation ito ngayon. Dahil iyon ang sabi n'ya sa anak namin. Pero dahil iba ang hinala ko sa galaw. Kaya mas sinunod ko ang instinct ko. Kinansela ko pa ang food tasting sa isang restaurant na napili ko para ma

