CHAPTER:3

1436 Words
THIRD PERSON POV Nang lumapag ang eroplano sa airport ay naghanda na din si Ely sa kanilang pagbaba. Kung dati ay sinabi n'ya sa kan'yang sarili na ang pag-uwi n'ya sa Pilipinas ang pinaka-masayang araw para sa kan'ya. Ngayon ay parang bangungot ito sa kan'ya. Dahil sa pagkawala ng ate n'ya. Ang katabi n'yang lalaki ay tila nakatulog na sa upuan nito. Hindi n'ya na ito simula kanina. Naiirita kasi s'ya sa presen'sya nito,kahit na hindi naman n'ya nakikita ang pagmumukha nito. Napagkamalan pa silang dalawa na mag-asawa ng flight attendant. Kung mag-aasawa naman daw ito ay hindi kagaya ng lalaking katabi n'ya na antipatiko at bastos. Naiinis s'ya sa presen'sya nito na nakaka-irita talaga. Hanggang sa magsalita na ang flight attendant at maghanda na daw para sa pagbaba. Dahil dito ay naalimpungatan ata ang kan'yang katabi at inayos nito ang kan'yang sarili. Tumayo na ito at napansin naman ni Ely na matangkad pa lang lalaki ito at ang biceps ay pumuputok na tila ba alagang-alaga sa ehersisyo. "Ely, h'wag sa daan ang tingin at h'wag mong hangaan ang lalaking 'yan. Dahil hindi n'ya deserve ang hanggaan mo." kausap pa nito sa kan'yang sarili. Hanggang sa tuluyan s'yang makalabas ng eroplano at nalanghap n'ya na ng tuluyan ang simoy ng hangin sa Pilipinas. Ang akala n'ya ay sa susunod na taon pa n'ya malalanghap ulit. Muli na naman na nag-init ang sulok ng kan'yang mga mata na tila ba nagbabadya na naman ang kan'yang mgia luha. Tumingala s'ya at ipinilig ang mga mata nito. Hindi n'ya alam kung ano ang kan'yang tatahakin sa pag-uwi n'yang ito Pilipinas ay tanging hustisya ang nais n'yang makuha para sa ate n'yang hindi n'ya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong kitilin ang kan'yang sariling buhay. Ito ang gusting malaman ni Ely. Sino ang puno at dulo ng nangyari sa Ate n'ya. Imposibleng basta na lamang itong gagawin na kitilin ang kan'yang buhay. ****** Major G'wapz; Kanina pa n'ya pinagmamasdan ang babae na ngayon ay hindi n'ya maintindihan kung bakit nakayuko lang ito at biglang ini-angat ang kan'yang ulo. Napansin n'yang namumula ang mga mata nito na iiyak. "Ano kayang problema ng babaeng ito? Kanina ko pa napapansin na tila ba balisa s'ya. Isa kaya s'yang ofw na ngayon pa lamang muling nakauwi sa bansa? Kaya ganito na lamang ang kan'yang reaction ngayon sa kan'yang pag-uwi." Nahihiwagan si Kaiser sa dalagang kan'yang katabi kanina sa loob ng eroplano. Mabuti nga at nakahabol pa s'ya sa kan'yang flight. Kung hindi ay baka hindi pa s'ya nakauwi ngayon at kailangan n'yang i-rebook ang kan'yang flight. Nilagpasan n'ya na ang dalaga,dahil baka mamaya ay masabihan na naman s'yang bastos nito. Gus'to n'ya sanang tanungin kung okay lang ba ito? Pero baka masamain nito ang kan'yang pagtatanong. Ang taray pa naman nito. Napagkamalan pa kaming mag-asawa na nag-aaway sa airport kanina Nagmamadali ang kan'yang kilos at iniisip n'ya din na tila wala ng sumasagot sa tawag n'ya mula sa kan'yang pinagkakatiwalaan na asset. Kaya naman kailangan n'yang alamin ang nangyari dito. Kailangan n'ya din na umuwi sa bahay ng mga magulang n'ya bukas. Dahil 45 years wedding anniversary ng mga ito at kailangan n'yang makarating. Dahil siguradong mapapagalitan na naman s'ya ng kan'yang Ate Kiffy, kapag hindi s'ya naka-uwi. Siguradong matinding sermon ang kan'yang aabutin. Bilang isang anak ni retired Sergeant DAKZEIN RAMIREZ ay kailangan ni Kaizer aka. Major G'wapz na galingan din sa kan'yang trabaho. Hindi din s'ya humihingi ng tulong sa kan'yang ama. Lahat ng kan'yang tagumpay sa trabaho ay dahil sa kan'yang dedikasyon at pagtyatyaga. Kahit pa nga kinukulit s'ya ng Lolo n'ya na daddy ng kan'yang dad na sa kompanya na lang s'ya magtrabaho ay hindi n'ya tinanggap. Ayaw n'ya ng trabaho sa opisina. Gus'to n'ya ay palaging may action ang buhay n'ya. Katulad ng Ate Kiffy n'ya na isang pulis din. Ang mommy n'ya naman na XIAMARA ay lagi naman na nakasuporta lamang sa kanila at kung anu ang nais nilang marating sa buhay. Ni minsan ay hindi nito pinagbawalan ang kan'yang mga anak,dahil gus'to n'ya na maging masaya lang ang mga ito sa kanilang trabaho. Maging ang ate Kiffy ni Kaizer ay hinayaan lamang ng mag-asawa na gawin ang gusto nito na sundan ang yapak ng kanilang ama na isang magaling na pulis noong kabataan nito. Nang makita ni Kaizer ang kan'yang kotse na dala ng isa sa mga tauhan nila ay kinawayan n'ya na ito. Ang sabi n'ya kasi sa kan'yang daddy ay h'wag na s'yang sunduin. Dahil alam n'ya naman na abala na ang mga ito. Nakita naman s'ya nito, dahil bahagya n'yang ibinaba ang kan'yang facemask na agad n'ya din naman na ibinalik. Masyado itong maingat sa kan'yang galaw. Lalo pa at may mga taong hindi n'ya alam kung ano ang binabalak. Lalo na ang mga sindikato na kan'yang natimbog ay alam n'yang nagmanman din sa kilos n'ya. May legacy ang Lolo Bob n'ya at ang kan'yang daddy na magagaling na pulis at halos lahat ng kanilang mga hinawakan na kaso noon at operation ay maayos na nagampanan nila ang kanilang tungkulin. May isa pa si Kaizer na hinahangaan na retired general. Walang iba ku'ndi si HENERAL DAKILA ang ninong din nila kan'yang kakambal. Bilib s'ya sa galing nito. Lalo na sa paggamit ng baril. "Sir Kaizer, pasens'ya na po natagalan ako dahil sa traffic." paliwanag nito at tinapik lamang ni Kaizer ang kan'yang balikat. "Okay lang po Mang Rudy. Ang importante naman po ay nasundo n'yo ako." magalang na sabi nito sa kanilang family driver na hindi pa naman ganoon katanda. Sumakay na si Kaizer sa loob ng kotse at muling nagmaneho na si Mang Rudy. Kaya lamang ay hindi nito napansin ang uka sa kalsada at tumalsik ang tubig dito. At sa kasamaang palad ay sa dalagang si Elizabeth pa tumama ang tubig. Kaya naman ang puting-puti na damit nito ay naging kulay putik na. Pero dahil hindi ito napansin ni Mang Rudy ay diretso na itong nagmaneho. Hanggang sa makalabas sila sa airport. Si Kaizer naman ay naglagay ng kan'yang headset sa tenga. At ipinikit nito ang kan'yang mga mata. Kinailangan n'ya kasing magpunta sa Singapore para masiguro na hindi na makakatakas pa ang isang Singaporean na may malaking kaso pala dito sa kanilang bansa na nagtatago sa Pilipinas. Gus'to n'ya na walang bulilyaso na mangyayari. Lalo pa at sila ang nakahuli dito. Balikan lang ang kan'yang flight. Kaya naman ngayon ay ramdam n'ya na ang pagod. "Manong paki-gising na lang ako,kapag nasa bahay na tayo."sabi ni Kaizer sa driver. "Yes Sir!" tipid na sagot nito na kunwaring sumaludo pa sa kan'ya. Hindi din namalayan ni Kaizer na makakatulog nga s'ya. **** Nang makalabas ng airport si Ely ay naghanap na agad ito ng kan'yang masasakyan na taxi. Pero nang tatawid na s'ya para parahin ang isang grab ay bigla na lamang may kotse na sumulpot. At nabigla s'ya nang bigla ay may putik na tumalsik sa kan'yang damit. "Oh! s**t! Bakit naman ngayon pa nagkaganito? Ang malas mo talaga Ely!" Inis na sabi ni Ely sa kan'yang sarili,pero tiningnan n'ya ang plate number ng kotse at bago pa man ito tuluyan na makalayo ay nabasa n'ya ng malinaw ng plate number nito na hinding-hindi n'ya makakalimutan. "Ma'am,sasakay pa po ba kayo?" nabaling ang kan'yang pansin sa grab driver na kan'yang pinara. Nakalimutan n'ya kasing mag-download ng app. Para sana mabilis lang s'yang makasakay. Kaya naman ang ginawa n'ya ay pumara na lamang ng mga taxi dito na naghahanap din naman ng pasahero. "Opo, sasakay ako."sagot ni Ely dito at bumaba naman ito para tulungan s'ya sa kan'yang mga bagahe na halos lahat na ata ng gamit n'ya ang kan'yang ini-uwi na muna. Para naman kung sakali man na hindi na muna s'ya makabalik sa Singapore ay hindi n'ya iisipin ang kan'yang gamit. Masinop ito sa kan'yang mga naipundar. Kaya naman lahat ng maaring mapakinabangan n'ya sa kan'yang pag-uwi ay kan'yang dinala. Kahit pa medyo mahirap sa byahe. Nang maisakay lahat ni Ely ang kan'yang mga gamit ay sumakay nan din ito. Pinunasan n'ya pang muli ang kan'yang damit na puno ng putik ngayon. Puti pa naman ito kaya naman kitang-kita ang dumi. "Ma'am,saan po tayo?" "Dito po." sagot ni Ely sa driver at iniabot nito ang isang maliit na papel kung saan nakasulat ang address ng Ate n'ya. Nang maibigay ang address ay inayos ni Ely ang kan'yang sarili at nagsalpak na din ng kan'yang headset. Mahilig kasi itong makinig ng music. Hanggang sa naipit sila sa traffic. Ang kotse ni Kaizer na sinasakyan ay ang kotseng nasa gilid ng taxi naman na lulan si Ely. Kapwa pinagtatagpo ang landas ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD