Habang nag-iimpake ng aking mga gamit ay hindi ko mapigilan na naman ang aking mga luha. Bakit naman kasi sa Ate ko pa nangyari ang lahat ng ito? Bakit kailangan pang magpakamatay ni Ate?
Marami akong katanungan sa aking isipan ngayon at masasagot lang ang lahat ng ito,kapag nakausap ko na si Krizza ang bestfriend ni Ate na s'yang tumawag nga sa akin. Wala naman kasing nasasabing problema ito sa akin. Kaya naman nagtataka ako. Kung bakit ganito ang ginawa n'ya sa kan'yang sarili. Sinayang n'ya ang kan'yang buhay.
Nagpapasalamat na lamang ako dahil napakabait sa akin ni Ma'am Tin TIn sa akin na kahit hindi ko natapos ang aking kontrata ay ibinigay pa din nito ang aking sahod. Pinunasan ko ang aking mga luha. "Hindi ka dapat panghinaan Elizabeth, kailangan mo na maging matatag para hustisya na kanilang ng ate mo." kausap ko pa sa aking sarili. Hindi ako maaring panghinaan ngayon. Kahit sobrang sakit nitong tanggapin. Kung sakali man kasing totoong nagpakamatay si Ate ay ano ang dahilan o mas tamang tanong ay sino ang may dahilan ng ginawa nito sa kan'yang sarili.
Nang matapos kong ayusin lahat ng aking dapat dalhin ay inilagay ko muna ito sa isang gilid. Umalis kasi sandali si Ma'am Tin,at aayusin n'ya daw ang plane ticket ko. Nahihirapan kasi ito sa online. Kaya mas pinili n'ya na lang ang mag-walk in. Maging dito ay s'ya pa din ang abalang kumuha para sa akin.
Kung sakali man na maayos ko ang lahat sa Pilipinas ay babalik akong muli dito sa kanila. Sila ang amo na hindi ko makakalimutan. Pamilya ang turing nila sa amin at hindi ibang tao. Bihira na ang makahanap ng mga amo na kagaya nila. Maswerte ako. Dahil sila ang naging amo ko.
Nahiga na muna ako,para maka-idlip man lang, med'yo masakit din kasi itong mga mata ko,dahil sa walang tigil na iyak ko kanina pa.
Hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
**********
Naalimpungatan ako dahil sa katok na nagmumula sa aking pinto.
Kahit sila kasi ang amo ni minsan ay hindi sila pumasok sa kwarto ko ng walang permiso mula sa akin.
Inayos ko muna ang aking sarili at ang aking damit.
Naglakad papunta sa pinto at bumungad sa akin si ma'am Tin.
"Ma'am, pasens'ya na po nakatulog ako." sabi ko sa kan'ya.
"Okay lang,mas maigi nga na makapagpahinga ka bago mag-flight. Nakuha ko na ang ticket at bukas din ay flight mo na."
Sa sinabi ni ma'am Tin ay bigla ko na lamang itong nayakap.
"Maraming salamat po Ma'am,sa lahat ng tulong mo sa akin."
"Ssshhh! Tahan na,basta kapag nasa Pilipinas ka na ay h'wag kang makakalimot na tumawag man lang sa amin. Para naman malaman ko kung ano na ang lagay mo sa Pilipinas." sabi pa ni ma'am habang hinahaplos ang aking likod. Hindi ko lang talaga mapigilan na hindi maging emotional. Kapag kinakausap ko s'ya.
Bumitaw ako sa pagkakayakap dito at ibinigay naman nito ang plane ticket.
"Titingnan ko muna ang sir mo Ely, kung gusto mong magpahinga lang ay magpahinga ka na muna ngayon,para bukas ay handa na ang iyong katawan para sa flight mo." saad ni Ma'am at nagpunta na muna ito sa silid ni Sir na s'yang inaalagaan ko.
Alas-syete na pala ng gabi at nahimbing talaga ako kanina sa pagtulog. Mabuti na lang din at chineck ko si sir kanina,bago ako pumasok dito sa kwarto.
Tulad ng sabi ni ma'am ay bumalik na lamang ako sa aking kama. Wala din naman akong gagawin,dahil iba din ang tagaluto dito.
Kinuha ko ang aking wallet at pinagmasdan ang Ate Rachel ko. Ito ang huling litrato na magkasama kami. Mahigit limang taon na ang nakakaraan. Straight kasi at hindi ako umuuwi talaga sa Pilipinas. Dahil ang gusto ko nga kapag uuwi man ako ay kahit paano may kunting ipon man lang. Para naman masasabi kong may puhunan kami. Gusto ko kasing magtayo na lamang ng isang grocery store doon. At least kahit paano may pagkukunan kami ni ate ng pang-araw-araw namin na gastusin. Pero ang lahat ng pangarap ko na ito ay tila ba hindi na matutupad, dahil wala na si Ate na s'yang makakasama ko sa pagbuo nito.
Pinilit ko na lamang na makatulog muli.
*************
Kinabukasan ay nakahanda na ang lahat ng aking mga dala.
Inihatid pa ako ni Ma'am Tin at pansin ko ang lungkot sa mga mata nito ngayon nandito na kami sa airport.
"Mag-iingat ka Ely, kung may kailangan ka ay magsabi ka agad. H'wag kang mahihiya na lumapit sa akin, dahil pamilya na tayo at kung may maitutulong lang kami sa'yo financially ay magsabi ka."
"Opo,pero sobra-sobra na ang lahat ng tulong n'yo sa akin Ma'am at sapat na po ito."sabi ko sa kan'ya.
Naglakad na ako at pinahid ang aking mga luha.
Hanggang sa makasakay na ako ng tuluyan sa plans at ito na talaga ang katotohanan na malapit ko ng makita muli si ate, iyon nga lang ay hindi na ito sasalubong sa akin. Iniisip ko pa naman noon pa na s'ya ang sasalubong sa akin sa pag-uwi ko dito sa bansa.
Nasa may bandang gilid ako ng bintana at habang umaangat ay nakikita ko ang labas. Hindi na matigil sa pagluha ang aking mga mata. Hanggang sa may lalaking tila nakahabol pa sa flight nito at tumabi ito sa akin. Hindi ko na ito pinansin. Iyak lang ako ng iyak at nang nasa himpapawid na kami ay bigla na lamang parang umaalog-alog ang eroplanong lulan kami. Hindi ko na tuloy napansin na napahawak na pala ako sa aking katabi.
*******
Third PERSON POV:
Habang nakapikit ang dalagang si Ely ay hindi nito namalayan ang kan'yang mahigpit na pagkakapit sa kamay ng isang lalaking katabi n'ya na mataman naman s'yang tinitigan at tila naintindihan naman nito kung bakit ito napakapit sa kan'ya. Natatakot ito sa nangyayari at natawa pa s'ya dahil tila nagtatawag na ito ng mga santo. Hindi ata nito alam na normal naman ang ganito.
Nang mawala ang tila pag-alog alog ng eroplano ay saka lamang iminulat ni Ely ang kan'yang mga mata. Nakita nito agad ay ang naka-holding hands n'yan kamay sa isang estranghero na kan'yang katabi.
Agad n'yang binawi ang kan'yang kamay at nahampas n'ya pa ito sa braso.
"Bakit ka nanghahampas?" tanong sa kan'ya ng lalaki na hindi n'ya makita ang mukha, dahil natatakpan ito ng mask. Tanging ang mga mata lamang ng lalaki ang kan'yang nakikita.
"Ang bastos mo kasi!" Agad naman na tinakpan ng lalaki ang kan'yang bibig dahil sa kan'yang sinabi dito.
"Arayy!" Angil naman ng lalaki ng bigla s'yang kagatin ni Ely.
"Bakit ka nangangagat? Aso ka ba?"
Inis na tanong nito, habang hawak ang kamay n'yang kinagat nito.
"Kinagat kita,dahil bastos at nagawa mo pa talagang takpan ang mukha ko! B'wisit ka!" Naiinis na sabi naman sa kan'ya ni Ely na halata naman na hindi ito sanay na may lalaking humahawak sa kan'ya.
"Alam mo Miss, kaysa nagagalit ka d'yan. Dapat nga nagpapasalamat ka pa sa akin, dahil hinayaan kitang hawakan ang kamay ko habang takot na takot ka kanina."
"Basta, bastos ka pa din."
"Mga iho at Iha,kung mag-aaway man kayong mag-asawa ay sa Pilipinas na lang sana."
"HINDI PO KAMI MAG-ASAWA/ HINDI PO KAMI MAG-ASAWA!?" Sabay pa nilang sabi na dalawa sa may katandaan na babaeng na sumasaway sa kanila.
"Sir,may problema po kayong dalawa dito ni Ma'am?" tanong ng isang flight attendant sa kanila. Napansin kasi sila nito,dahil sa pagsigaw nila.
"Wala naman may hindi lang kami napagkasunduan. Pero okay na." sagot ng lalaking tiningnan lamang ni Ely ng masama. GUSTO n'ya sanang isagot sa flight attendant ay bastos ang lalaking ito. Pero na-realized n'ya din na baka nga totoo din ang sinasabi nitong hindi n'ya naman sinasad'ya na hawakan ang kamay n'ya. Wala na kasi ito sa kan'yang sarili kanina. Dahil sa takot na baka biglang magsasabi na lamang ang flight attendant na babagsak sila. Kaya naman napatawag na s'ya ng lahat ng santo kanina.
"Maupo na po kayo ma'am,sir, dahil nakaka-abala na po kayo sa ibang mga pasahero." Pakiusap pa ng flight attendant sa kanila.
Naupo naman ang dalawa na hindi alam ang mukha ng isa't-isa. Sa parehas silang naka-mask at tanging mga mata lamang ang makikita sa kanilang mukha.
Tumalikod na lamang si Ely sa kinaiinisan na lalaki. Mamaya naman pagbaba n'ya ay hindi na n'ya ito makikita pa.