CHAPTER:1

1247 Words
ELIZABETH POV: Papasok ako sa loob ng bahay ng aking amo dito sa Singapore.Nang makatanggap ako ng tawag mula sa Pilipinas. Agad ko itong sinagot, dahil baka ang aking kapatid ito. Ang nag-iisa kong kamag-anak sa Pilipinas. Wala na kasi kaming mga magulang kaya naman kinailangan kong umalis ng bansa at makipagsapalaran dito. Dahil kailangan makatapos ng aking nakakatandang kapatid para makahanap ito ng magandang trabaho. Isang taon lang naman ang tanda n'ya sa akin. At nasa ika-apat na taon na ito sa kan'yang pag-aaral sa college. Kaya naman kahit mahirap ang malayo sa kan'ya ay kinailangan kong gawin. Bilang isang caregiver dito sa bansang ito ay nagtya-tyaga ako.Dahil kailangan ng aking kapatid ng pangtustos sa kan'yang pag-aaral. Isang taon na lang ay malapit na din akong matapos sa aking kontrata at hindi na muna ako babalik ulit. Kahit paano naman kasi ay may naipon na ako para makapag-aral din at tapusin ang aking tapusin ang kursong nais ko. "Hello Ely, kailangan mong umuwi ng Pilipinas." Nang sagutin ko ang tawag ay hindi boses ng aking kapatid ang nasa kabilang linya. At ang bungad na sabi agad nito sa akin ay kailangan ko daw umuwi ng Pinas. "Bakit? Anong nangyari? May problema ba? Nasaan si Ate?" Sunod-sunod na tanong ko, pero ramdam ko na ang kaba sa aking dibdib kahit na wala pa naman itong sinasabi. "Hello,ano ba ang nangyari d'yan at bakit kailangan kong umuwi?" muling tanong ko pa na med'yo napapataas na ang tono ng aking boses. "Elizabeth, h'wag kang mabibigla_'" pinutol pa nito ang kan'yang sasabihin at naririnig ko pa ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya na tila ba nahihirapan itong sabihin sa akin kung anuman ang sasabihin nito. "ANO BA KASING NANGYARI? BAKIT PARANG HINDI MO MASABI SA AKIN?" mataas ang boses na pagkakatanong ko sa kan'ya. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay pinaghihintay ako. Kanina pa ako nagtatanong ay hindi nito masagot ang aking tanong sa kan'ya. Alangan naman na hulaan ko kung bakit gusto nila akong umuwi ng Pilipinas. "Wala na ang ate mo Ely, nagbigti s'ya at nakita na lamang namin ngayon umaga ang katawan n'yang wala ng buhay." Halos mabingi ako sa sinabi at parang nanlambot bigla ang aking mga tuhod. Parang pinagsakluban ako ngayon ng langit ngayon sa sinabi n'ya. Si Krizza ito ay s'ya ang bestfriend ng ate ko. "Prank lang ba ito? H'wag n'yo naman akong iprank ng ganito,dahil hindi nakatutuwa!" Madiin na pagkakasabi ko pa sa kan'ya. Pero mas lalong nangibabaw ang kaba ko nang marinig ko mula sa kabilang linya ang paghikbi nito. "Hindi ako magsisinungaling Ely, umuwi ka na ng Pilipinas. Dahil totoong wala na ang Ate Rachel mo." Saad nito na may pasinok-sinok pa habang nagsasalita. Nabitawan ko ng tuluyan ang aking hawak na cellphone sa muling pagsasabi nito ng nangyari kay Ate. Para akong nauupos na kandila ngayon na napa-upo na lamang dito sa sahig. "Ely, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Sunod-sunod na tanong duh sa akin ng amo kong Pinay na dito na sa Singapore makapag-asawa kaya naman nakakapagsalita ito ng tagalog at ubod din ng bait nito, kaya naman tumagal din ako dito ng mahigit limang taon na din dahil sa hindi ito madamot na amo. Palaging tama sa pagkain at ang tanging ang trabaho ko lang talaga dito ay alagaan ang kan'yang asawang hindi na nakakalakad. Dahil sa isang aksidente. Parehas silang mabait at mahal na mahal ang isat-isa. Kahit pa nga may kapansanan na ang isa. May anak sila at may yaya naman ito. Ang nakakapagod lang ay kapag nandito ang pamilya ng asawa ni madam. Marami ang kailangan na gawin at kailangan tumulong. Iba kasi ang ugali ng mga in laws nito at hindi din s'ya gusto ng mga ito para sa kanilang anak. Pero pinaglaban s'ya nito kaya naman naikasal sila. "Madam, kailangan ko po na umuwi ng Pilipinas." Sagot ko sa kan'ya at kita ko naman ang gulat sa kan'yang mga mata. Kapag kasi wala ako ay mahihirapan s'ya na mag-alaga kay sir. Pero kailangan kong makauwi. Hindi p'wedeng hindi ko makita si Ate Rachel. "Bakit? Halika ka nga muna at sa loob tayo mag-usap, para naman maintindihan ko ang sitwasyon mo kung bakit ka uuwi." Tanong pa nito na halata naman sa kan'yang boses na nag-alala ito sa akin. Hindi kasi ako iyong tipo ng tao na basta na lamang iiyak. Sa halos mahigit limang taon ko na paninilbihan sa kanila ay kilala nila akong jolly at palaging nakangiti. Nang makapasok kami sa loob ay nagpunta sa kusina si madam at hindi ko alam kung anong gagawin n'ya. Parang wala akong lakas na sundan pa s'ya. Ang cellphone ko na aking nabitawan kanina ay kinuha ni madam. S'ya na din ang nagsabi kay Krizza ng lagay ko. Parang hindi ko na kaya pang marinig kasi ang mga sasabihin pa nito. "Uminom ka muna at para mahimasmasan ka." Sabi ni madam,kaya pala ito nagpunta sa kusina ay para ikuha ako ng tubig. Kinuha ko naman ito at dahan-dahan na ininom. Parang bigla kasing nanuyo ang aking lalamunan at parang may nakabara dito. Hindi ko alam kung paano kong tatanggapin ang lahat ng ito. Kagabi lang ay kausap ko pa si Ate at tinanong ko pa s'ya kung anong gusto n'yang regalo para sa birthday n'ya. Kaya pala hindi s'ya sumagot, dahil ganito na pala ang mangyayari. Hindi ako naniniwalang nagpakamatay ito. Kailangan kong malaman ang totoong nangyari sa kan'ya. Sa aming dalawa ay mas mapagkakamalan mo pa nga akong panganay. Dahil laging ako ang nagde-desisyon para sa aming dalawa. Kaya nga wala itong nagawa ng sabihin ko sa kan'yang ako ang magtratrabaho at ang kailangan n'ya lamang gawin ay mag-aral para makatapos s'ya. Kaya naman kailangan kong alamin ang katotohanan sa nangyari dito. "Salamat po madam,pero buo na po ang aking desisyon na umuwi ng Pilipinas. Dahil_' hindi ko maituloy ang katagang aking sasabihin, dahil nag-uunahan na naman ang aking mga luha sa pagbagsak. "Ssshhh! Tahan na Ely, pinapayagan na kitang umuwi at hahanap na lamang muna ako pansamanta ng magiging kapalit mo." Niyakap ako ni madam. Yumakap na lamang din ako dito,dahil sobrang bigat ng aking nararamdaman ngayon. Kailangan ko ay taong masasandalan at kay madam ko ito natagpuan. Para na kaming magkapatid nito. Hanggang sa maging okay ako at humiwalay sa pagkakayakap dito. "Ihahanda ko agad ang plane ticket mo at ang magiging sahod mo sa loob pa sana ng isang buwan ay ipapadala ko na din sa'yo." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni madam sa akin, dahil kung ibang amo ay malabong ibigay ang isang taon pa na sahod na hindi ko pa naman pinagtrabahuhan. "Madam, hindi ko po iyon matatanggap at tatapatin ko na po kayo ngayon pa lamang na maaring hindi agad ako makabalik." Saad ko pa. "Naiintindihan ko kung hindi ka na makakabalik pa dito sa amin Ely,pero tanggapin mo ang pera,dahil makakatulong iyon ng malaki sa'yo sa paghahanap mo ng hustisya para sa kapatid mo." Sabi pa ni madam at muli naman akong napayakap sa kan'ya. "Maraming-maraming salamat po madam, hindi ko po alam kung paanong magpapasalamat sa in'yo. Sa kabutihan n'yo sa akin mula ng ako ay dumating dito sa Singapore para magtrabaho." Wika ko pa dito, sobrang swerte ko na sila ang aking naging amo dito. Hindi ko sila makakalimutan kahit saan pa man ako mapadpad. "Tahan na,bukas na bukas din ay uuwi ka na sa Pilipinas."sabi pa nito at pinahid pa ang aking mga luha. Pinilit ko naman na h'wag ng umiyak. ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD