Isang linggo na ang lumipas at naging maayos naman ang unang linggo namin dito. Mabilis lang din kaming nakapag-adjust sa bagong buhay namin dito sa s'yudad. "Nay, may ibinigay po sa akin si Danica." "Ano na naman Nak?" Tanong ko sa kan'ya. Ang Danica na tinutukoy nito ay ang kan'yang bagong kaibigan. Mabait ito sa kan'ya. At tanging s'ya lamang ang naging kaibigan ng anak. Wala din kasi itong mga kaibigan sa school. Tama din ang sabi sa akin ni Dean noong unang araw namin dito ni Daniella. May iba't ibang attitude ang mga bata na tuturuan ko. May mga sobrang spoiled talaga na sa huli ay napapasunod ko din naman. Tamang pakikipag-usap lang ang dapat gawin sa kanila. Lalo pa at star section ang tuturuan ko. Maging ang aking anak na si Ella ay ako din mismo ang teacher n'ya. "Ito po."

