ELY'S POV: "Ely,sandali!" tawag sa akin nito. Pumunta muna kasi ako dito sa classroom. Dahil may nakalimutan akong kunin. Nagmamadali Ako. Dahil alam kong nakasunod s'ya sa akin. Hindi ko gusto na magka-usap kami na kaming dalawa lamang. Dahil alam ko na marami itong itatanong sa akin. Hindi ko naman kasi akalain na s'ya ang ama ni Danica. Marami naman ang mga magkakapareho ang apelyido. Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad. Hanggang sa maramdaman ko na may humawak sa akin braso. Tila nakaramdam ako na parang may maliliit na boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa aking katawan. Isang lalaki lamang ang kayang magparamdam sa akin ng ganitong pakiramdam. S'ya lang naman ang nag-iisang lalaki na minahal ko. "Ano ba! Bitawan mo ako!" utos ko dito. Dahil baka may makakita sa amin dito.

