CHAPTER:75

1610 Words

TWO WEEK LATER: "Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan natin?" tanong ko kay Major. Weekend ngayon at walang pasok ang mga bata. Kaya naman ngayon ko na s'ya kakausapin para matapos na din ang lahat ng ito. Alam ko naman kasing hindi din ako titigilan nito. "Gus'to ko na sabihin sa'yo na wala akong kinalaman sa pagkamatay ng Ate Rachel mo. Hindi ko s'ya girlfriend." "Major, please lang! H'wag mo na akong lokohin pa. Malinaw sa message na nanggaling sa'yo na boyfriend ka n'ya." "Nasaan ang cellphone ng ate mo?" tanong nito. At dahil lagi ko din naman dala ang cellphone ni ate ay agad ko na itong kinuha sa akin bag. Ibinigay ko ito sa kan'ya. "Ayan tingnan mo lahat ng conversation n'yo ni Ate Rachel na hindi ko pa binubura hanggang ngayon. Baka sabihin mo ay gawa-gawa ko lang ang lahat."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD