Fool

1859 Words
~❦~ Aili’s Point of View Nakabusangot ako buong linggo dahil sa naging resulta ng exams namin. Idagdag pa ang mga panunuya ni Ciany sa kabobohan ko raw. I did my best para manalo sa first challenge namin pero nangulilat pa rin ako. I can't be on Ciany's level; ang hirap maging top student. Nauwi lang sa wala ang pagtulong ni Kryo sa akin at ang ideyang iyon ay nagbigay ng kahihiyan sa akin. Kaya heto ako, nagtatago sa kanya. “Ai, may laro mamaya. Sama ka? Hinahanap ka na ng mga barkada natin,” aya ni Landon na walang pagdadalawang-isip akong inakbayan. Like the usual. Naiwan sa ere ang mga isasagot ko dahil sa pagkakataranta. Nasalubong ko ba naman ang malalamig na titig ni Kryo. Papunta sana siya sa direksyon ng library subalit nang makita ako, humakbang na patungo sa kinaroroonan namin. “Landon, tatapusin ko muna ang activities ko. Susunod din ako,” palusot ko na nakahanda ng kumaripas ng takbo. “Himala at nagseseryoso ka na sa pag-aaral,” halakhak ni Landon na nakuha pang kurot-kurutin ang pisngi ko. “I didn't know that flirting is your thing now, stupid?” Tinaasan niya ako ng kilay animo'y nagtatanong sa ginagawa ko. He seems pissed and irritated at the same time. Ano namang paki' niya? Nagsukatan sila ng tingin ni Landon kaya itinulak ko na si Landon paalis. Mukhang magsasapakan na kasi ang dalawa. “Call me if you need help,” pahabol ni Landon sa akin bago masamang sinulyapan si Kryo at umalis. “Who's that? You're close, huh?” Kita ko ang pagnguso niya at ang pagpitik ng kung ano sa kanyang panga. He didn't look my way. Nakatingin lang siya sa gilid at tagpong-tagpo ang kilay. Ang dilim pa ng awra sa paligid lalo na sa mga mata niya. “Bakit ka nandito, kuya Kryo?” panunuya ko na inirapan siya sa pagkaasar. Bakit ba kasi siya nagagalit? Wala naman akong ginagawang masama. Siya nga 'tong buong linggong nakaaligid kay Ciany eh! Sa wakas, nakuha ko ang tingin niya. Mabilis niyang binasa ang kanyang labi at pumikit. Napakibit na lamang ako ng balikat dahil bigla ba naman niya akong hindi pinansin. Papansin talaga siya kahit kailan! Ang hirap mong ipaglaban, Kryo. Lalabanan ko na lang si Ciany para sa aking kaunting pride. Bahala ka na. Wala ka rin namang pakialam sa akin 'di ba? Baka nga si two faced Ciany ang bigyan mo ng bulaklak bukas! “Lagot! Parte pala ng challenge namin ni Ciany 'yon!” Nakagat ko ang aking daliri dahil sa katangahan. Paano ako bibigyan ng maarteng si Kryo kung inaway ko siya? Ayaw kong matalo ulit ni Ciany. Para na akong nasampal ng dalawang beses n'on! Huminga ako ng malalim at napapikit. Hinugot ko ang buong kakapalan ng aking mukha at sinundan si Kryo. Bahala ng matalo ako kay Kryo, huwag lang sa hambog na si Ciany! Umupo siya kasama ang iilang kaklase niya malapit sa garden kung nasaan ang mga benches. May tatlong lalaki sa harapan niya at siya lang naman ang nakaupo sa kabila. Buong sigla akong umupo sa tabi niya ngunit siya rin palang pagdating ni Ciany. May dala itong dalawang milkshake at ibinigay niya kay Kryo ang isa. “You might love this!” sabi ni Ciany sabay lapit ng milkshake kay Kryo. “Hindi ka ba aware na ayaw ni Kryo sa sweets? Akala ko ba magkakilala na—” Napahiya ako dahil bigla ba namang uminom dito si Kryo. Alam kong ayaw niya rito ngunit gusto lang siguro ako nitong asarin. I kept my composure at hinabaan pa lalo ang pasensya. Baka maitapon ko sa pagmumukha niya ang milkshake na 'yan. May anger issues pa naman ako. Inirapan niya ako at parang lintang umupo sa tabi ni Kryo. Laglag naman ang panga ng mga kaklase ni Kryo sa kagandahan kuno ni Ciany. Famous sa school ang malditang Ciany, eh. Para akong invisible dahil ni isa wala man lang bumati sa akin. Umupo na lamang ako kahit pakiramdam kong 'di ako welcome. “Napadpad ka ata rito, Ai?” usisa ng isa sa mga kaklase ni Kryo na kaharap ko lang. Abala kasi ang iba sa pag-sketch kaya natahimik na. “She’s here to ruin Kray's work again,” Ciany answered bitterly while examining my messed up uniform and hair. “Ang hilig mo talagang gumawa ng kwento, ‘no?” Dinuro ko siya ngunit nasagi ko ang milkshake malapit kay Kryo. Mabuti na lamang at kapwa nahawakan namin ito ng classmate ni Kryo, 'yong lalaking kumausap sa akin. “See?” Ciany said innocently then smiled sweetly at everyone. Napangisi siya sa akin dahil sa magkapatong naming kamay n'ong lalaki. “Actually, you look great toge...ther.” Parang tutang tumahimik si Ciany dahil sa pagbaling ni Kryo sa kanya. “Will the both of you leave me alone? The fvck, ang ingay!” he snorted. Napaayos tuloy kami ng upo dahil kaunti na lang sasabog na siya. Ngumuso ako at tumingin kay Ciany. Patago ko siyang binilatan subalit nahuli pala ako ni Kryo. Naitikom ko ang aking labi at para ring tutang yumuko. Dahan-dahan akong sumulyap kay Kryo at nang makitang nakatitig pa rin siya ay muli akong yumuko. Sumulyap ulit ako ngunit napangiti na lang ng peke dahil ang sama talaga ng titig niya sa akin. “Why are you out here? Acting foolish again,” iritadong tanong ni Kryo na tila ginigisa ako. “G-Galit ka ba?” I asked a very obvious question, how foolish! Hindi niya ako sinagot at napapikit-pikit lamang siya. Like I caught him off guard for seconds. He cleared his throat and look away. “Just answer my question, Tañedo,” naitugon niya na muling naibalik ang atensyon sa akin. Ang tatlo niyang mga kaklase ay tila nanunuod ng sine samantalang naiinis namang nakatingin si Ciany sa akin. Nilalaro niya lang ang kanyang milkshake. “Galit ka nga?” “Hindi.” “Eh, galit ka nga.” “Hindi nga!” Umiling-iling ako at nagdesisyon ng tumayo. Nagtataka naman nila akong tinignan lalo na si Kryo. Galit siya kaya kung kukulitin ko ngayon, mas lalong hindi siya magbibigay. Babalikan ko ko na lang mamaya kapag kumalma na. Yumuko ako at bumulong kay Kryo ng, “I’ll play basketball for now. I’ll be back later...” Huminga ako ng malalim bago itinuloy ang kalokohang naiisip. “Huwag ka ng magalit sa akin. I'm all yours from the very beginning...mahal,” I said as I gave him a peck at the back of his ear. I caught his gleaming eyes from his side angle. Umayos na ako ng tayo at kumindat kay Ciany na kulang na lang ay umusok ang ilong sa galit. Nagpaalam na rin ako sa mga kaklase ni Kryo at naglakad na palayo. Sa ginawa ko kasi kanina, tila hindi si Kryo ang naapektuhan kun'di sarili ko mismo. Nakahinga lang ako ng maayos nang makapasok sa classroom. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na nakuha ko pa itong tapikin ng paulit-ulit. You're in trouble, Ai! I immediately texted Kryo after our basketball game with a, ‘pinapauwi ako ng maaga, I can't go with you’ excuse. That's a stupid reason but I can't think of anything now, aside from these freakin' heartbeats. Hindi na kasi normal! Kailangan kong paalalahanan ang sarili ko na hindi dapat ako mahulog kay Kryo. I enumerated the reasons why I shouldn't like him that I didn't notice na nasa parking lot na pala ako. “He's snob, red flag, domineering, rude, self-centered at...at.” Napatunganga na lang ako dahil nasa harap ko na siya ngayon. Humahangos at pinagpapawisan sa 'di ko malamang dahilan. Anong gagawin ko? Dededmahin ko ba? Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Ang awkward tuloy! “M-May pasok ka pa 'di ba?” pagtataka ko na hindi na mapirmi sa kinatatayuan. Ni hindi na rin ako makatingin ng diretso sa mga mata niya kaya parang baliw akong kung saan napapadpad ang tingin. “It ended early,” he answered coldly and tried to examine my weird reaction. “Snob, self-centered, rude, handsome...what? Hindi 'yan kasali, Aili,” I whispered while enumerating his red flags again but I ended up stealing glances at him like a fool. Shet, bakit ba titig na titig na naman siya sa akin? Bakit bigla akong na-conscious sa sarili ko ngayon? Lagi niya na naman akong nakikitang miserable, 'di ba? “I'll drive you home,” pag-agaw niya ng atensyon ko. “Hold this.” Inilahad niya ang blueprint tube sa akin na nanginginig kong tinanggap. Sinuri niya ulit ako kaya ngumiti ako ng peke just to assure him that I'm fine. Wala ako sa sariling sumakay sa sasakyan niya nang ayain niya akong pumasok. Bakit naging sunod-sunuran niya ulit ako? Tila iniwan na ako ng sarili kong katinuan dahil hindi na kinakaya pa ang mga pagbabagong nangyayari sa akin. Nakakatanga! “You look constipated,” komento niya nang muling sulyapan. Kanina pa siya sulyap nang sulyap sa akin. Nagtataka sa katahimikan ko na nagiging milagro ata para sa kanya. Hindi ko siya sinagot. Sinulyapan ko lang at ibinalik ang tingin sa labas. Nauubusan na kasi ako ng hangin sa pag-upo lamang kasama siya. Hindi 'to bago pero sa nararamdaman ko, oo. Air-conditioned ang sasakyan niya pero ang init-init pa rin. Pinagpapawisan tuloy ako. “Your face is kinda red. Are you alright?” he asked. Parang tanga lang akong tumango-tango at mabilis na ngumiti. Otomatiko akong napangiwi sa pinaggagawa ko. I should be fighting with him right now or pursuing him to give me flowers tomorrow! Napatalon ako sa gulat dahil inilagay ba naman niya ang kanyang palad sa aking noo. Pinanlakihan ako ng mata dahil konting paghawak pa nga lang gusto ko ng magwala, makawala lamang mula sa kanya. Kung pwede lang tumalon palabas ng sasakyan niya, ginawa ko na. Hinawi ko ang kamay niya paalis sa noo ko. “Okay lang ako,” pagsisinungaling ko na humugot pa talaga ng lakas para hindi mabulol. Katahimikan ang nabuo sa pagitan namin sa nagdaang ilang minuto. Medyo nakakahugot na rin ako ng lakas upang usisain siya tungkol sa bulaklak. “Uhm ... will you give me flowers tomorrow? I mean, hindi naman sa namimilit. Pwede ka namang magbigay or not? Pero baka maisipan mo lang—” Napapikit ako dahil sa mga sinabi ko. Nakakahiya na 'to. Sobra. “Not my thing,” he interrupted that created an awkward silence again. Pagdating sa tapat ng gate namin, walang pasubali akong lumabas. Ni hindi man lang nakuhang magpasalamat o magpaalam. Tinawag niya ako ngunit hindi ako lumingon. Narinig ko ang pagsarado ng pintuan ng kanyang sasakyan kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. “You brought my blueprint tube with you,” aniya na ngayon ay hawak na ang palapulsuan ko. Tinignan ko ang yakap-yakap ko pang blueprint tube sabay tingin din kay Kryo. Napalunok ako sa kaba at sa ideyang nakatitig din siya sa akin. Nagtitigan kami ng ilang segundo bago ko marahas na ibinigay sa kanya ang tube. “I-I'm sorry!” tanging naisigaw ko bago tuloy-tuloy na pumasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD