Trap

1572 Words
~❦~ Aili's Point of View Maaga akong pumasok kahit ten pa ng umaga ang schedule namin. Sinadya ko talagang pumunta sa library upang hanapin si Kryo. Hinanap ko siya sa mga mesa at bookshelves ngunit walang anino niya ang nahagilap ko. Sabi kasi ni kuya Aevan wala raw silang pasok sa first subject nila. Alam kong magkaklase sila pero baka magtaka si kuya kung magtanong ako tungkol kay Kryo. Kaya nilibot ko ang mga posibleng lugar na puntahan niya. Hinihingal na ako at nawalan na ng pag-asang mahanap pa siya kaya lang naabutan ko siyang nakaupo at kaharap si Ciany malapit sa garden. They're talking and Ciany's smiling. Tinitignan ni Ciany ang suot niyang singsing at sobrang lapad ng kanyang ngiti. Mas lumapit pa ako sa kinaroroonan nila at tuluyan na ngang narinig ang mga pinag-uusapan nila. "It's so beautiful, Kray. Thank you so much!" maligalig niyang sabi na kulang na lang ay yakapin si Kryo. "It suits well," aniya na hindi pa rin nawala ang matatamis na mga ngiti. Hindi ko makita ang reaksyon ni Kryo dahil nakatalikod siya sa akin. Ako na mismo ang humila sa braso at umagaw ng atensyon niya. "Let's talk," seryosong sambit ko na nakatanggap ng katahimikan bilang sagot. "Can't you see? We're busy. Mag-aral ka na lang kaya ng mabuti baka sakaling mag-top ka nga," she uttered sarcastically. Inirapan niya ako at muling ngumiti nang sulyapan ni Kryo. "Kryo," muling pagtawag ko sa pangalan niya. Hindi lang isa kun'di sampung beses. Kinulit ko siya ng kinulit na hindi ko sinasadyang masagi ang nakabukas niyang tumbler. Natapon lahat ng tubig sa mga sketches at designs niya. Problemado niya itong tinitigan hanggang sa napigtas na nga ang lubid ng kanyang pasensya. "Ano ba?!" his voice thundered. Nanlilisik ang mga mata niya at nakuha niya pang hawiin ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Pinagpapawisan ako sa sobrang kaba at nanginginig sa biglaang inasta ni Kryo. "You kept on disappointing me, Aili. Now, you've ruined everything!" problemado niyang salaysay sabay pilit na sinasalba ang iilang hindi tuluyang nabasa. Tinulungan siya ni Ciany kaya nanginginig din akong tumulong dahil sa guilt na raramdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay napakatanga ko sa paningin nila. Mas nadagdagan pa ito dahil sa halip na maisalba, napunit pa ang papel na pinagguhitan niya. "What have you done?!" Tinulak ako ni Ciany kung kaya'y wala sa sarili lang akong tumitig sa lamesa kung nasaan ang mga nabasang papel. Pinanghinaan pa ako ng loob dahil sa madidilim na titig na ipinupukol sa akin ni Kryo. Is this his true self? Did I decode him or did I just messed up with his codes? "I-I'm sorry," nanginginig kong sabi dahilan kung bakit ako muling binalingan ni Kryo. Natuon ang kanyang atensyon sa nanginginig kong kamay at sa takas na luhang bumabaybay na sa aking pisngi. Napansin niya siguro ang takot at patuloy na panginginig ko kaya umamba si Kryo na lapitan ako. He tried to reach for my wrist pero everytime na humahakbang siya ay umaatras din ako. Hindi ko na kinaya kaya mabilis na akong kumaripas ng takbo. I didn't even mind if pinagtitinginan ako ng mga tao. Gusto ko lang makalayo sa kanila at itago ang kahinaan ko. Memories from the past filled my thoughts. "What have you done?!" sigaw ni Mr. Villahermosa nang abutan ang wala ng magising ako sa hospital. "You! You killed my daughter and my wife!" aniya na sa murang edad ay hindi ko maintindihan. Pilit siyang pinapalabas ng guards namin at ng parents ko pero masyado lang lumakas ang mga sigaw niya sa akin. "Because of you, I lose both of my princess! Kung hindi mo sinama ang anak ko—" Hindi ko na narinig pa ang isinigaw ni tito Primo dahil tuluyan ng naisarado ang pintuan. I was ten years old when I got kidnapped. Ako lang sana ang pakay ng mga kidnappers ngunit nagkataong kasama ko si Alesha, ang anak ni tito Primo. Isinama ko kasi siya sa pamimili ng mga damit dahil may event ang school namin n'on kinabukasan. Nagkataon ding nakita kami ni tita Minerva kaya pinilit niyang sundan ang sasakyan namin. Kapwa umiiyak kami ni Alesha nang biglang makarinig ng malakas na pagsabog. Nakita ko kung paano gumulong-gulong ang sasakyan ni tita Minerva at papunta ito sa amin. Ang huli ko na lang nakita ay ang duguang bagong dress ni Alesha. Napuno ito ng dugo na nagpalamig ng katawan ko. There's blood everywhere! After waking up at the hospital, nagkaroon na ako ng trauma sa tuwing nakakakita ng mga dress at kung anu-ano pang nagpapaalala sa akin kay Alesha. Nagkaka-panic attack din ako sa tuwing sinisigawan na katulad ng ginawa ni tito Primo noon. Everything about that incident, makes me vomit, cry, shiver and worst is faint. Nagising ako sa clinic ng school. Nagtataka kung bakit ako napadpad dito. Sa pagkakaalala ko ay naglalakad ako sa hallway and after that, wala na. What happened? Gagi, natulog ba ako rito?! "Just take a rest, Ms. Tañedo. It seems like---" Hindi na natapos ng doctor ang sasabihin niya dahil sa mabilis na pagpasok ni kuya Aevan. "You're finally awake!" nag-aalalang salubong ni kuya Aevan dala ang gamot ko. Ah, this isn't new at all. Lagi pala akong nawawalan ng malay at kapag nagigising ako, wala na akong maalala. "Too much shock can make you forget, hija. It seems like may nag-trigger..." Hindi na natapos ng doctor ang sasabihin dahil sa pagsapaa ni kuya Aevan. Nag-usap ang mga mata nila at hindi ko alam kung bakit tila ayaw itong ipaalam ni kuya Aevan sa akin. "Nag-basketball ka na naman? Sabi ko namang iwasan mo muna at baka mapagod ka," sermon ni kuya na nginitian ko lang. "Hindi kuya, abala ako sa pag-aaral. Dapat mag-top ako, eh," confident kong sabi sa mga unang salita ngunit humina ito sa panghuli. Ginulo ni kuya Aevan ang buhok ko at itinago na ang gamot kong hindi ko na nainom. Ewan ko, parang may tinatago talaga siya sa akin. Naghiwalay na kami ng landas ni kuya. Bumalik siya sa classroom nila at balak ko namang magpunta sa library ngayon. One hour na lang at magsisimula na ang klase namin kaya magpupursige muna akong mag-aral. Ayaw kong matalo sa plastic na babaeng iyon. Pagkarating ko sa library ay kaunti lamang ang naroroon. Siguro ay may mga klase na. Kumuha na lang ako ng mga aklat na kailangan ko. Just by looking at them makes me dizzy. Nakakatamad naman talaga kasing mag-aral lalo na kung puro numbers ang makakasalamuha ko ngayon. Habang abala ako sa paghahanap ng aklat, natanaw ko si Kryo sa kabilang side ng shelf. Sinilip ko pa siya para makasigurado at nang makumpirming si Kryo nga, dahan-dahan akong umikot at ginulat siya. Tawa ako nang tawa ngunit kabaliktaran ata ang naging reaksyon niya. Para siyang nakakita ng multo. "Aili?" pagtataka niya. Kapansin-pansin ang pagtiim ng bagang at ang mabilis na pagpikit. "I'm sorry," nakanguso niyang sinabi na sobrang sama na ng tingin ngayon sa sahig. Umawang naman ang aking labi at nakuha pang itagilid ang aking ulo. Hindi ko aakalaing ngayon siya hihingi ng tawad at hindi ko pa talaga kinulit. Kusa niya talagang sinabi. "Dapat lang mag-sorry ka. Hindi ka ba naman sumipot sa Ball," I said while I hugged my books. His brow raised like I just said something wrong. Tinitigan niya ako ng matagal kaya ibinalik ko ang titig sa mga mata niya. Hanggang balikat niya lang ako kaya kailangan kong tingalain siya. Napalunok ako sa ginagawang pakikipagtitigan. We're stuck in silence for a minute, pilit na binabasa ang mata ng isa't isa. Mirroring our puzzled thoughts and unsaid questions for each other. "Did I scare you?" pagbato niya ng tanong na sinusuri pa rin ako hanggang ngayon. Umiling ako bilang sagot at pilit na ngumiti. Nahuli ng mga mata ko ang pagkagat niya sa ibabang parte ng kanyang labi. Naibalik ko rin ito sa kanyang mga mata dahil pakiramdam ko'y ilegal ang naramdaman ko ngayon. "Are you okay?" Dahan-dahan niyang iginalaw ang kaliwang kamay niya papunta sa noo ko, nag-aalangan sa ginagawa. "Y-Yes," I stuttered. Nagtataka akong tumango at kalaunan ay naramdaman ang paggulo niya ng aking buhok. Napapikit-pikit ako sa pagkamangha. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Si Kryo ba talaga 'tong kaharap ko. Tibo ka Ai, 'di ba? "You're studying?" His question sounded sarcastic but it isn't. Tinignan niya ang mga librong kinuha ko kanina na mabilis kong niyakap ng mahigpit sa nararamdamang kahihiyan. Hindi ko alam kung nilayasan ba ako ng tapang, boses, pagkatibo o katinuan pero isa lang ang gusto kong gawin ngayon. Takasan siya. Ramdam ko na kasi ang pag-iinit ng aking pisngi at buong katawan na nararamdaman ko lang naman tuwing nagba-basketball. Para rin akong natatae na ewan. An ineffable feeling ba. Nakakapanibago. "Bye, Kryo. See you around!" pagpapaalam ko na lalayas na sana kung hindi niya lang ako napigilan ng kanyang mga salita. "I'll help you study," he offered. Ni hindi man lang hinintay ang sagot ko. Naglakad lang siya papunta sa 'di kalayuang mesa at umupo na animo'y CEO na naghihintay sa secretary niya. I know he's domineering but I didn't know he is this attractive before. "Aili, trap 'yan, ano ba? You can't fall for a man that needs a lot of risks," I mumbled like a fool. Slowly walking towards Kryo, who's now reading one of my books while stealing glances at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD